~yana (please dont forget to VOTE and COMMENT)
Genre: Mystery, horror, love story po ito :)
---
"Hi Ayu!" Ngiti naman ang bawi ko sa kanya.
"Ingat sa pag-uwi!" Ganoon din sa iba.
"Hello, ingat po."At sa iba pang umaalala sakin.
As usual sa nakasanayan ko, Hindi ko hinahayaang mawala ang ngiti ko para makita nila. Dahil di ko naman ginusto na gustuhin nila ako eh, kaya yun na lang ang magaganti ko para sa kanila.
Lingid sa kaalaman ng lahat, lalo na sa mga kaschoolmate ko ay parati akong bida sa School.
Tuwing may event kasi sa school, kagaya na lang ng pageant, sportsfest or interhigh, welcoming and farewell party, teacher's day, School day o Anniversary ng School ay kasali ako. Kung hindi MC ay isa sa mga contestant. Dahil natutuwa ako na makapagpasaya ng tao, at maging proud ang pamilya ko. Kahit marami ding naiingit sakin, pinipilit kong maging masaya sa harap nila. Yun lang din kasi ang sandata ko. Dahil sa loob ko, mahina akong talaga.
"Yuck feeling naman niya sikat talaga siya."
"Tama..Pssh, mas maganda ka pa diyan girl eh."
"I know right,"
"Pabayaan mo na lang ang mga bitter Ayu, tignan mo. Graduating highschool student na tayo, sila mga freshmen o mas nakababa sa atin." Sabi ni Julia sa kanya. Friend ko, dash malayong kamag anak.
"Haha, hindi ko na nga pinapansin eh. Hindi na ako masyadong affected sa mga ganyan." Nakangiti kong sabi.
'Sana magsawa din sila...'
Uwian na naman ng biglang bumuhos ang ulan at sa minamalas ka nga naman eh wala akong payong. Magpapasundo na lang siguro ako kay Papa, tutal parehas naman ang out namin. Naka duty siya sa Hospital as Doctor, kaya naman pagpasok ko sabay din ang uwi namin.
I dialled my phone....then..
*Dial 0916793---*
[Papa...........]
*sorry assdfghjafajkhajaafa...'
What the?! I cant believe na wala akong LOAD?!
"Julia !" Napalingon kami sa grupo ng lalaking tumawag kay Julia. Nagulat ako ng lumapit pa sila sa amin...at napaatras ako ng mamukhaan ko ang isang lalaki.
Yung Crush ko na member ng Banda sa school.
May konting hiya pa akong tumungo pero nagbago yun ng sandali lang at hinarap sila ng nakangiti.
'Kilala kaya nila ako?'
Ngayon ko lang naman silang nakitang maguusap ah?. -_-''
"Oh Quen!" Bati ni Julia sa kanila. "Kelan ka pa dumating? Ang sarap ng bakasyon ahh. EXTENDED? Halos mag 3 weeks ka nga late."
"Haha, okay lang yun.. Hahabol ako. Kakaenroll ko lang ngayon eh." Sabi nung at Quen at tila mas nailang ako nung lingon lingonin niya ako.
'Kaibigan niya kaya si Daniel?'
Si Daniel John Ford, or simply called Dj. Nung pasukan ko siya naging crush. Dahil nga tumutogtog sila twing may event din ay kapansin pansin talaga siya.
Bakit ko nga ba siya gusto?
Bukod sa gwapo, matalino at kumakanta din...
Kasama siya dati sa grupo ng ADC, or Air Dance Crew.