VOTE COMMENT :)
--
Si Daniel nga yung humila sakin sa loob, dahil siya lang naman yung kaisaisang tao na tumatawag sakin ng KATH.
"D-Daniel.." Tawag ko sa kanya. Madilim pa rin, at hindi ko siya makita. Pero niyakap niya ko bigla.
Lalo pa tuloy akong naguluhan sa pangyayari. Bakit ganito na lang niya ko yakapin?
“D-Daniel ano ba??” Pilit ko siyang nilalayo, pero mas lalo pa niyang hinihigpitan ang yakap niya.
“Huwag kang maingay Kath, nasa labas pa siya.” Bulong niya na tila may pananakot.
“AYU!!!!” Galit na boses ni Quen.
May narinig kaming kalabog ng kung ano, parang trashcan. Tingin ko sinipa niya.
Tumahimik na lang ako hanggang sa bitawan ako ni Daniel, mas pinili kong manatili sa tabi niya kesa kay Quen na hindi ko alam kung bakit ganun ang kinikilos nya.
“Kath..” Narinig ko ang paghinga ni Daniel, nararamdaman ko lang na hawak niya ko sa pisngi ko.
“Daniel.. thank you, hindi ko alam kung bakit mo ko hinatak dito, pero gusto ko lang malaman. Gusto kong itanong, kung anong alam mo kay Quen..kung bakit ganun na lang siya kumilos..” Deretsahan kong tanong. Agad naman niyang tinanggal ang pagkakahwak niya sa pisngi ko. At tsaka naman nagsalita.
“Meron..” mahina ang boses niya, at paniguarado akong lumayo siya sakin.
“Kung tatanungin mo ko tungkol sa bagay na may kinalaman sa kanya, at kay Barbie..sasabihin ko.. Pero sana wag kang mabibigla..” Hindi ko man lang siya makita, kaya’t di ko alam kung ano ang expression ng mukha niya.
“Siguro hindi ko maiiwasan yun,pero sige .. Daniel, makikinig ako.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko na hinanap pa ang switch para buksan ang ilaw, instead umupo ako sa carpet ng music room. May naiwan pa ding lamig sa room, at nararamdaman kong mas lumalamig pa ito. Siguro binuksan niya yung nag-iisang aircon na ginagamit nila ng The 5.
Lumapit siya sakin, naramdaman ko yun. kusa niyang ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Komportable naman ako doon.
“Si Quen, nakilala niya si Barbie. Isa siya sa number 1 fan namin ng ADC crew.” Yung dance group ni Daniel dati. “Ngayon, nagkakilala kami ni Julia dahil friend niya si Barbie. Kahit na taga ibang school si Barbie, twing may sayaw dito sa campus, nagpapanggap siyang taga school natin. Hindi nahahalata sa uniform, dahil pinapahiram siya ni Julia. Kami lang ang nakakaalam doon para hindi na kumalat pa.”
Pero hindi ko siya nakikita, hindi rin siya pinakilala sakin ni Julia..
Sabagay….noong 2nd year lang naman kami naging malapit sa isa’ isa. Malayong kamag anak lang naman kami, at hindi literal na magpinsan.
“Di ko sya masyadong natatandaan.” Komento ko.
“Siguro nga dahil, palihim lang yung pagpunta niya dito..Kaibigan ko si Quen, since elementary, nasasaksihan ko kung ano yung ibat ibang ugali na ipinapakita niya sa twing may nagugustuhan siya, at kung ano yung gusto niya. Nakukuha niya.”
Natakot ako bigla sa sinabi nya…
Kung ano ang gusto niya? Makukuha niya?
“Ipinakilala ni Julia si Barbie kay Quen, kaya tinignan ko si Quen nung unang pagkikita palang nila. Alam ko na… nagustuhan niya agad si Barbie..”