TINAMAAN

3 1 0
                                        

CHAPTER 16

Janice P.O.V.

{Cge ang gagawin nyo nalang ngayon total na iwan ko din naman ang lessons na pag aaralan sana natin} sabi ni ethan

Mali kasi ang nadala nyang folder dahil hindi nya na tingnan sa pagmamadali sinabi nya din samin na

{sana maintindihan nyo ako students.
Ang gagawin nalang natin ngayon para hindi kayo ma bored ay kakanta kayo lahat lahat}

{Cge simulan natin kay matt}

Tawag ni sir sa isa sa mga kaklase namin
Nag kantyawan naman silang

Matapos ang kanta nya nag si palakpakan ang lahat hindi din naman kasi pangit ang boses nya

Susunod namang tinawag ay si adrian salazar

Nag simula namang kumanta si adrian

I give my heart to you
Tonight oh baby hold on tight
I think I'm fallin, fallin for you
I fell in love, this can't describe
Somethings tellin me inside
I think I'm fallin, fallin for you

Kumakanta sya habang nakatingin ang mga mata nya sakin para bang may ibig sabihin ang kantang kinanta nya para sakin or ako lang ba ang nag bibigay malisya basta iwan ang lakas kasi sakin ng dating ng boses nya para bang damang dama nya ang kantang kinanta nya idagdag mo pang napa ka lamig at sexy  ng boses nya mas maganda pa nga ata boses nya keysa kay matt

Oh baby hold on tight
I think I'm fallin, fallin for you

Hindi ko naman alam kung bakit bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko iwan ko ba kaya nag iwas nalang din ako ng tingin sakanya kanina pa kasi kaming dalawang nag titigan at walang kumakurap
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko bakit ata parang tinamaan na ako ni kupido

Na tapos ang kanta nya
At kahit chorus lang yun
Ang ganda pa din ng dating
Kaya nag palakpakan naman ang mga kaklase namin sabay puri sa maganda nyang boses

Tinawag naman ng sunod si charity
At nagulat nalang din kami namay tinatago din pala tong talento sa pag kanta ang lovely kasi ng boses nya

Tinawag naman si lejani pero ang sabi nya duet nalang daw silang tatlo ni jeralyn at kate

Pumayag din naman si sir

Pero na gulat nalang kami ng pumunta na sila sila sa gitna at nag simulang kumanta pero si jeralyn ang ginawa ay beatbox

Napa nga nga naman ang mga kaklase namin sa kanilang  tatlo
Ang ganda kasi nilang pakinggan

Siguro pag sumali sila sa contest sigurado panalo sila ang galing e

Parang ako lang ata ang walang talent sa ming mag kakaibigan na kakainggit naman pero bawing bawi din naman ako sa pag draw drawing   kaso pag dating sa kanta wag nalang baka kasi ma basag pa ang salamin nyo
Pag dating din naman sa sayaw wag nalang din para kasi tayu dyang tuko hahahhahaha

Natapos ang pagtatanghal ng tatlo sa gitna ng masirgabong  palakpakan.

Sunod namang tinawag ay si Nathan Cole ang pinsan ni sir

Kaso ang sabi nya mamatay na daw ang lahat basta hindi daw sya kakanta
Natawa naman kaming mga kaklase nya
Habang si sir ay Napa iling nalang

Kaya ang tinawag nalang ni sir ang katabi nya si clifford
Pero ang sabi din naman nya

{Pasensya na ho sir pero ang boses ko naka laan lang, Para sa taong ni lalaman ng puso ko} sabay kindat nya kay jhea

Tinukso naman sila ng mga kaklase namin habang si jhea ay halatang kinikilig na pero pinipigilan lang

The moshi squadWhere stories live. Discover now