I'm Azalea Madrigal, and I'm inlove with my bestfriend..
••●••
"Zale! Tulungan mo naman ako dito oh..ang sakit na kasi ng ulo ko..ahh!" tiningnan ko lang sya..at umayos ng upo sa kama.
Tss..tinatamad na namang magsagot..
"Sagutan mo yan Wyatt..tigil-tigilan mo yang pagiging tamad mo." nag-pout naman sya dahil sa sinabi ko..
"Hindi mo ba'ko love??" nagtatampo ang tono nito. Napapikit ako, hindi dahil sa inis..kundi dahil guilty ako.
"Hindi mo ba'ko love? Hindi mo ba'ko love? HINDI MO BA'KO LOVE?!"
"Wyatt..'pag hindi ka pa tumigil talagang--" napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong seryoso syang nakatingin sa..labi ko!
"Ano.." dahan-dahang lumalapit ang mukha nya sakin..".. Anong gagawin mo Zale?" tanong nya habang nakatingin sa mga labi ko.
Zale, wag kang bibigay..kabisado mo sya, ganyan lang talaga sya.
Tss ..pa-fall..
" Pag hindi ka pa tumigil.." dahan-dahan ko syang tinulak palayo.. "..uuwi na talaga ako." nanlaki ang mga mata nya at bigla na lang akong sinugod..natumba tuloy kami sa kama.
"Nooooooo..hindi ka pa pwedeng umuwi. Magbobonding pa tayo remember?" pasimple akong lumunok..I'm not comfortable. Yung puso ko, ang bilis ng tibok.
Shet..
Nakadagan sya sakin..
Zale! Magpakatatag ka! Please wag kang papahalata..
"Zale.." malamig ang pagkakatawag nya sa pangalan ko.. kasabay non ang pagkulong nya sa dalawang pulsuhan ko gamit ang dalawa nyang kamay..
Nagtama ang mga mata namin..na naging dahilan kung bakit bumilis pang lalo ang tibok ng puso ko..
Shete..otso..nuebe! Zale ano ba?! Umayos ka na ngayon din..kung hindi..mahahalata ka nya!
"W-Wyatt! Ang bigat mo!" imbes na kumilos ay tinitigan nya lang ako. Naramdaman kong mas humigpit pa ang hawak nya sa mga pulsuhan ko..
Then...
HE SMIRKED.
Patay...nahalata ba nya? Sheeeettt..