Into the Moon

258 6 1
                                    

Aiso

Bata pa lang ako, pangarap ko nang makapunta sa moon.

Sino ba naman kasing hindi maaakit dito? Nagliliwanag sa dilim, perpekto kung ilalarawan.

T'wing tinitignan ko ito, narerelax ako. Nawawala ang mga problema ko.

"Aiso, anak, kain na." Biglang tawag ng Mommy ko. Sya ang nagpangalang 'Aiso' sakin. Ang ibig sabihin daw kasi nito, magandang buwan.

"Opo ma." Pagkatapos kong sabihin ito, pumunta na ko sa hapag kainan.

Nadatnan ko na don sila Mommy, Daddy, at George.

"Kamusta ang machine na ginagawa mo?" Tanong ng Daddy ko habang kumakain kami.

"Ang hirap pala Dad. Di naman kasi ako scientist e." Reklamo ko habang natatawa.

"Scientist ka man o hindi, tuparin mo pa rin ang pangarap mo. Ipagpatuloy mo yang Machine na yan." Sabi ni Daddy, tumango naman ako.

Ang machine na tinutukoy nya ay teleportasyon papunta sa Moon. Tama kayo ng basa, gumagawa ako ngayon ng Teleportasyon patungo sa buwan.

"Anak, malapit ka na nga palang mag-birthday, anong plano mo?" Tanong ni Mommy.

"Ma, im 26, maghahanda pa ba naman ako?" Tanong ko sakanya.

"Kahit na, ang nagiisang princess namin ay deserve maghanda!" Sabi ni Mommy at tumawa.

"Ganto nalang Ate, ano gusto mong wish? I mean what's your wish?" Tanong ni George, bunsong kapatid na lalaki.

"Alam mo naman ang gusto ko diba?" Tanong ko kay George. Nalungkot naman ang mukha nito.

"Ahm.. yung machine nga pala na ginagawa ko, sa tingin ko magagamit ko na ito next year." Biglang palit ko ng topic.

"Well that's great!" Sabi ni Mommy. Ngumiti naman ako.

Natapos na nga ang pagkain namin.

Pumunta ko sa garage para ipagpatuloy ang machine.

"Ilang buwan o taon nalang, magagamit na kita"
Sabi ko sa sarili ko.

Ang dami kong isinakripisyo para dito. Una na ang pag-aaral ko.

F L A S H B A C K

"Hi beshie!" Tawag sakin ng kaibigan kong si Kiray. Maliit na babae lang ito at napakatinis ng boses. Higit sa lahat, maraming manliligaw.

"Pakopya naman" Biglang sabi nito, nagchat nga pala sakin tong wala syang assigment. Kahit kailan, tamad.

"O eyan" Kuha ko ng notebook sa bag at ibinigay sakanya.

"Omy! Thank you talaga beshie!" Tili nito. Ang ingay na babae talaga.

Lumipas ang oras at nagbreak na nga. Pumunta ngayon kami sa canteen ni Kiray.

"Kiray, ikaw na um-order, ako na hahanap ng upuan." Sabi ko kay Kiray. Inilahad naman nito ang kamay nya.

Inabot ko ang pera ko dito.

"Tubig lang tsaka sandwich" Sabi ko at pumila na nga sya.

Naghanap na ko ng upuan, kaso puno talaga.

Mayroong isang lalaki dito, pero apat yung upuan. Nakajacket na itim, balot na balot e ang init init.

Mukha naman wala syang kasama kaya nilapitan ko na.

Into the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon