Aiso
Gaya nga ng sinabi ni Brent.
I quit my job. Tinapos ko ang pag-aaral ko sa kursong ito, pero wala. Hindi pala ito ang gusto ko.
Sinayang ko ang pag-aaral ko.
E N D O F F L A S H B A C K S
Pinahid ko ang luha kong pumapatak. Hawak ko ngayon ang album naming dalawa. Pag-aaral, ang una kong isinakripisyo. Pero mas lalala pa pala ang isasakripisyo ko sa pangalawa.
F L A S H B A C K S
"Mahal kumain kana ba?" Tanong sakin ni Brent sa telepono. Katawagan ko sya ngayon.
"Hindi pa, still working sa machine na to."
"Kumain ka muna, ipagpatuloy mo na lang yan pagtapos mo." Sabi nya pa.
"Hindi, saglit nalang to." Sabi ko naman sakanya.
"Mahal.." Pagtawag nya.
"Kakain din ako, pero hindi muna ngayon. Tatapusin ko lang to." Seryosong sagot ko sakanya.
"Sige na, nakakaabala ka." Sabi ko ulit sakanya at binaba na ang tawag.
Pinunasan ko ang pawis ko sa noo.
Nakakapagod din pala. Pero ayokong sumuko. Pangarap ko to.
Andaming tools, hays.
Tumuwad ako para ayusin ang ibaba ng machine na ito.
Ang itsura nito ay pa-box. May dalawang upuan. Kulay puti at maraming controller.
Iyan ang plano. Na dapat kong gawin.
Masyadong kumplikado dahil sa mga gagamitin na gamit at sa paggawa nito. Pero gaya nga ng sinasabi ko. Pangarap ko to, at hindi ko susukuan.
Andami ko pang ginawa ng mapagpasyahan kong ipagpabukas nalang.
Tinignan ko ang relo ko, ala una na pala ng umaga.
Umagahan lang ang ako kumain kaya pala kumakalam ang sikmura ko.
Pumasok ako sa loob at naghanda ng makakain. Habang kumakain, napagpasyahan kong tawagan si Brent.
Nakonsensya ko sa ginawa ko kanina.
Isang ring lang, sinagot nya agad.
Napangiti ako.
"Mahal..." Sabi ko sa telepono.
"Mm?" Sagot nya na medyo paungol, tulog na siguro to at nabugabog ko lang.
"Matutulog ka na ba?" Tanong ko kay Brent.
"Hindi pa.." Sagot naman nya. Alam kong nagsisinungaling sya. Dahil halata sa boses nyang antok na antok na sya.
"I love you." Sabi ko sa kanya gamit ang telepono.
"Kumain ka na?" Tanong naman nya.
"Kumakain na po." Sagot ko.