Into The Moon 1

41 3 0
                                    

Aiso

F L A S H B A C K

"So ano na? Malapit na tayo grumaduate!" Sigaw ni Kiray. Tama sya. Dalawang buwan nalang ga-graduate na kami.

"Uy Brent, malapit na tayo grumaduate" Nakangiti kong sabi sakanya, nasa classroom kami ngayon.

"Oo, malapit ka na magtrabaho sa kumpanya namin." Matamis ang ngiti na sabi ni Brent.

"Oo, at mababantayan kita don, mamaya nambababae ka." Sagot ko naman kay Brent.

"Oo nga." Sabi naman nya at tumawa.

"Edi nambababae ka nga?" Tanong ko kay Brent at nakataas na ang kilay ko.

"Hindi, joke lang. Alam mo naman na ikaw lang." Sabi ni Brent sakin. Dahilan para mapangiti ako.

"Yuck ang cheesy! Ew!" Sigaw ni Kiray, kahit kailan talaga. Haha.

"Pero di ba ang pangarap mo ay makapunta sa moon, bat hindi ka nagscientist?" Tanong sakin ni Brent.

"Alam ko naman kasing imposible yung pangarap kong yon. Tsaka, hindi ko kakayanin ang pagsa-scientist." Sabi ko jay Brent habang nakasandal sa balikat nya.

"Mahal, walang imposible." Sabi ni Brent sakin.

"Wala na, ito na nakuha ko e, at magtatapos na rin ako sa kursong ito." Sagot ko kay Brent.

Ngumiti naman sya.

"Mabuti na rin yon para makasama kita sa Kompanya namin." Sagot ni Brent at parehas kaming tumawa.

"Pero seryoso Mahal, pag ka-graduate mo, pede kang kumuha ulit ng kurso na nagi-involve sa scientist." Nanlalaki pang mata na sabi ni Brent.

"Mahal, alam mo, napakatagal mag-aral ng scientist, at dito sa pilipinas, iilan lang ang nakakapasa. Hindi ata mabibilang sa daliri." Sagot ko ulit sakanya.

"Basta, naniniwala akong kaya mo." Sabi nalang nya.

Baka magtalo pa kami dahil lang sa pangarap kong makapunta sa buwan.

Mabilis lumipas ang oras, kaya't ngayon ay nandito na ko sa bahay, nagpapahinga.

Iniisip ang pangarap ko.

Posible kayang matupad yon? Mangyari yon?

Ipinikit ko na ang mata ko para matulog.
















































































"Goodevening fellow Students! Ay, mali! Hindi na pala students! Sadyang napakabilis nga ng panahon ano? Ngayon ay nandirito na kayo, sa harap ng entablado. Pag-alis nyo sa paaralang ito, hindi na kayo mag-aaral, kayo na ay isang ganap na magkakaroon ng trabaho." Sabi ng Principal namin. Nakakatuwa.

Yung paghihirap, pagpupuyat, paggugugol ng oras namin, magbubunga na sa wakas.

Ngayon ay nagsisigawan kami. Mararamdaman mo talaga ang tuwa ng bawat isa.

"Kiray Ariray!" Sigaw nung nagsasalita sa mike at umakyat na nga ng stage si Kiray.

"Kaibigan ko yan!" Sigaw ko. Nagflying kiss naman si Kiray.

At madami pa ngang pangalan ang tinawag.

"Aiso Moreia!" Sigaw ulit ng kung sino. Nakataas noo akong umakyat sa stage kasama ang mga magulang ko.

Inabot saakin ang certificate.

"Maraming salamat po." Nakangiting sabi ko dito.

"Girlfriend ko yan!" Sigaw ni Brent, nangiti naman ako habang iiling-iling.

Pagkababa ko ay dumiretso na ko sa upuan ko.

Natawag na nga ang iba, at ang pinakahuli. Ang Valedictorian.

Si Renz Ambola.

"Bago ang lahat, gusto kong batiin kayo ng congratulations! Magtatapos na tayo, pagkaalis natin sa school na to, graduated na tayo! Nagbunga na ang mga paghihirap natin, yung halos hindi na tayo makatulog kaiisip sa thesis. Pero ngayon? Matatawa nalang tayo pag naiisip iyon. Dahil ngayon, graduated na tayo. Karaniwan, ang mga speech ng Valedictorian ay english. Pero ako, ngayong Valedictorian ako, gusto kong gamitin ang wikang pilipino. Dahil dito tayo nagmula. Hindi ko na pahahabain pa. Isa lamang ang ibibilin ko saating lahat. Ipagpatuloy nyo ang pangarap nyo. Huwag kayong titigil hangga't hindi nyo ito naaabot. Muli, congratulations saating lahat!" Speech ni Renz. Ang aming Valedictorian.

Nagsigawan naman kami at nagpalakpakan.

"Ngayon ay nagtatapos na kayo! Batch 2021-2021! Congratulations!" Sigaw ng Principal at sabay sabay naming hinagis ang graduation cap namin.

Hinanap ng paningin ko si Brent at patakbo akong puunta sakanya at tumalon sakanya.

"Congratulations Mahal!" Sabi ko kay Brent.

"Mm. Congratulations satin Mahal" Nakangiting sabi ni Brent at pinagpatuloy namin ang pagyayakap namin.

Hindi na namin inatubili ang mga tao sa paligid. Basta ang alam namin, masaya kami at nakapagtapos kami.

3 M O N T H S  L A T E R

"Mahal wag ka ng umiyak." Pagpapatahan sakin ni Brent.

"Ganyan talaga sa trabaho, mapapagalitan ka. Mahal.." Sabi nya ulit.

"Brent.. hindi iyon e..." Sabi ko sakanya habang umiiyak.

"Kung hindi iyon, ano?" Tanong nya habang nakahawak sa mukha ko.

"Pakiramdam ko... hindi para sakin tong trabaho na to. Pakiramdam ko hindi ako to..." Paliwanag ko sakanya habang umiiyak pa rin.

Totoo, parang wala ako sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi nararalat sakin ang trabaho na to.

"Mahal, gawin mo ang gusto mo... kung ayaw mo sa trabaho na to, mag quit ka. Sundin mo ang pangarap mo. Susuportahan kita." Paliwanag nya pa. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Salamat.. Salamat.. I love you" Sabi ko sakanya habang pinapahid ko ang mga luha ko.

Ngumuso sya kaya't hinalikan ko sya.

"I love you too." Sabi nya. Hinalikan nya ulit ako.

"Together, lets go to the moon."


Into the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon