To the Moon

65 5 2
                                    

Aiso

P R E S E N T

At iyon ang pangalawang bagay na isinakripisyo ko. Ang pagmamahal ko sa lalaking sinusuportahan ako sa pangarap ko.

Hindi ko alam kung nagsisisi ba ko o hindi.

Pero kasi ngayon, natapos ko na ang pangarap ko. At handa ng lumipad ang machine na ginawa ko.

Nakakatuwa na nakakalungkot, dahil yung taong mahal na mahal mo nawala sa iyo pero yung pangarap mo naman ay natupad.

Malalim akong nag-isip.

Handa na ba kong isakripisyo ang pinakahuli?

Handa ko na bang iwan ang mga natitirang minamahal ko sa buhay?

Bumuntong hininga ako.

Handa na ba kong pumunta sa moon?

"Anak mag-iingat ka." Sabi ni Daddy.

Ngumiti lang ako sakanya.

"Matibay to Dad. Kayo din." Sabi ko naman.

"Nako wag mo na kami alalahanin nyang Papa mo" Sabi ni Mom. Ngumiti lang rin ako sakanya.

"Hoy ikaw wag ka magpapasaway kila Mom ha?" Sabi ko sa kapatid ko. Handang handa ng tumulo ang luha ko, pero hindi ko dapat ito ipakita sakanila.

"Parang timang naman si Ate, syempre naman ano! Hehe! Pasalubong ha?" Sagot nya sakin.

"Sige, sasalubungan kita ng buhangin ng moon" Nakangiting sabi ko habang tinatapik ang buhok nya.

"Pati pictures!" Nakataas noong sabi pa nya.

"Oo, pati pictures. Haha." Natawa ko sa sinabi nya. Ang cute.

"O anak basta kumain ka lang don ng marami ha?" Sabi ni Mom.

"Don't skip food ha?" Nagpupunas na luha namang sabi ni Dad.

"Dad, wag naman kayong umiyak. Nakakamit ko na nga ang pangarap ko oh. Diba ito ang gusto nyo? Ang matupad ang pangarap ko?" Sabi ko pero lalo lang umiyak si Mom.

"Mom, magiging safe ako don. Tsaka don't cry, pano ko makakaalis nyan?" Tanong ko pa sakanya habang nagsisira na ang boses ko.

Tutulo na ata ang luhang antagal kong pinigil.

"Anak.. nag-aalala lang naman ako sayo..." Sabi pa nya.

"Mom there's nothing to worry about. I'll be safe okay? I love you both. I love you all." Maging matatag ka. Para makita nilang kaya mo. Kaya mong mag-isa. Kaya mong tahaik ang mundo na walang kasama.

Maging matatag ka upang hindi na sila mag-alala.

Ang pagiging matatag ay hindi lang facial defense. Hindi lang para makita ng iba na maayos ka. Na okay ka. Nakakasanayan din ito para maging tunay na maayos ka talaga.

Handa na kong tahakin ang buwan. Na mag-isa.

"Mom... i think it's time" Nakangiti ngunit malungkot ang mga matang sabi ko.

"Anak, you can stay naman. You don't have to go. Anak..." Iyak ng Mommy ko. Hinawakan nya pa ko sa kamay.

"Mom.. napag-usapan na natin to hindi ba? Mom.... Dad..." Sabi ko at nakangiti pa rin habang malungkot ang mga mata.

"Ihahatid kita." Dad said and then binitbit na nga nya ang bagahe ko. Ang maleta ko.

Yung mukha nila, kailan ko kaya ulit makikita pag naroon na ako?

Yung mga matatamis na ngiti nila, kailan ko ulit masisilayan?

Yung mga masasayang ala-ala, kailan ko kaya ulit mararanasan?

Nandito na kami ngayon sa likod ng bahay.

Dahil nandito ang garage at may malaki rin itong lugar.

Kung saan maari kang magpalipad ng eroplano o spaceship.

Wala ang Mommy ko, nasa taas. Ayaw nyang sumama.

Naiintindihan ko sya.

"Mag-iingat ka ha?" Sabi ni Dad. Tumango lang ako.

"My pasalubong! Take so many many many pictures and bring them home!" Sabi naman ng kapatid ko.

Kinurot ko ang pisngi nya. Ngumiti naman sya.

Tumalikod na ako sakanila at pumunta na sa machine ko.

Sa oras na lumisan ako sa mundong ito, tatanggalin ko na rin ang mga sakit na naramdaman ko dito.

Pag lisan ko sa mundong ginagalawan ko ngayon, gusto ko ng makalimutan sya. Gusto ko ng makalimutan ang lahat lahat ng pait at sakit.

At uumpisahan ko iyong ngayon.

Sumakay na ko sa aking machine. Na aking tatawaging Spaceflight 100101.

Sabik kong hinawakan ang mga controllers nito.

Ako ba talaga ang gumawa nito? Nakaya ko?

Umisang lingon pa ko sa pamilya ko.

Paalam

Salitang sinambit ko sa aking isipan.

"Handa ka na?" Tanong ng lalaki sa gilid ko. May dalawang upuan sa harap ang Spaceflight na ito.

Ngumiti ako sakanya.

Kahit wala na sya. Kahit pumanaw na sya.

Nandito sya ngayon at tinupad ang pangako nya.

"Together, let's go to the moon."

"Brent"

Into the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon