Chapter 14 (Part 1)

68 0 2
                                    

Biggy's POV

 Hapon na nang magising ako. Ewan ko bakung bakit, hindi naman  ako ganito dati kung gumising, siguro nga dahil madalas 3:00 am na ako nakakatulog kapag walang pasok. Hihi :3 Busy kasi ako sa pagbabasa sa Wattpad. ^_________________^

Nung bumaba na ako sa sala, nakita ko si Kuya Alexis na naglalaptop at nagpapatugtog. Umupo muna ako sa sofa at nakinig ng kanta...

[Now Playing: Magkabilang Mundo - Jireh Lim]

Magkalayong agwat

Gagawin ang lahat

Mapasa'yo lang ang

Pag-ibig na alay sa'yo

Ang awit na to ay awit ko sa'yo

Sana ay madama

Magkabila man ang ating mundo

Awww. Alien love story ba ito? Ahahaha. Magkabila daw ang mundo eh. Baka nasa Mars yung minamahal niya. -_______________-" K. Ang corny ko talaga. Pusha!

Kahit nasan ka man

Hindi ka papalitan

Nag iisa ka lang 

Kahit na langit ka at lupa ako

Ang bituin ay aking dadamhin

Pag naiisip ka sabay kayong

Nagniningning

Ang sweeeet naman netong kantang to ah. Nakakatats! 

Dito ay umaga at dyan ay gabi

Ang oras natin ay magkasalungat

Ang aking hapunan ay

Iyong umagahan

Ngunit kahit na anong mangyari

Balang araw ay makakapiling ka

Ahh. Pang in a Long Distance Relationship pala ang kantang to. Ang slow ko. Perness. =________= Bakit ganito naman ang kantang pinapatugtog ni Kuya? Nakakarelate ba siya? Eh bakit parang.. Ako yung nakakarelate? 

Oo nga pala, almost 2 months na rin nang umalis ng bansa si Karl. Pagkaalis niya, noong araw na din yon ay umuwi na rin kami kaagad. Halos lahat kami wala gaanong imikan sa buong byahe namin pauwi. Tahimik lang din kami, syempre nalulungkot kami that time kasi nabawasan kami ng isa. Hindi din kasi namin alam kung kelan pa siya eksaktong makakabalik dito sa bansa. At, hindi lang siya basta isang linggo mawawala baka apat na taon o mahigit pa.

Nagkikita-kita pa rin naman kami ng barkada. Madalas nga dito sila sa bahay namin tumatambay. Wala naman kasi dito sa bahay namin ang parents namin eh at saka tropa na rin sila nila Kuya. 

Basketball, Inuman, Gitara, Movie Marathon, Volleyball, Swimming, Record sa YouTube, Time Zone, WOF, Quantum, Gala, Mall, Puntang concerts or gig, Pagvivideo ng mga kalokohan . Yun lang naman ang "ILAN" sa mga pinagkakaabalahan namin. Pampalipas-oras na din namin to para di namin masyadong ma-miss si Karlito.

 Pero syempre, ang pinakapaboritong past time namin ang araw-araw na pakikipagskype kay Karl. Oo, nage-effort talaga siya na makita at makausap kami araw-araw kahit na sobrang hirap at busy siya mag-adjust sa bagong environment niya.

Madalas nga sa tuwing nakikipag-video call siya sa amin, kahit hindi niya sabihin ay pagod na pagod siya lagi. Nagte-take pa kasi siya ng Advanced Lessons para makahabol sa at makapag-entrance exam siya sa College. Ang hirap pa naman din ng course niya, Architecture. Pero, naniniwala ako na matalino naman talaga si Karlito kaya lang naimpluwensiyahan siya nila Carlo kaya naging ganun yung kupal na yun.

*sigh* Miss na miss ko na ang Pareng Bes ko. T___________T

Bukod kasi sa pagiging magbestfriend, para ko na rin siyang ka-kambal, dahil sobrang madami kaming same qualities. Minsan naman para siyang Kuya, isang sweet at caring na kuya at Tatay na sobrang istrikto pagdating sa safety ko. O, edi siya na lahat! Kaya mahal na mahal ko yun eh. Uhh! Ano, m-mahal bilang kaibigan. 

Masaya naman ako para sa kanya eh. Alam ko namang para sa kanya din lahat ng paghihirap niya para magkaroon siya ng magandang future. Natutuwa nga ako kay Karlito eh kasi napagtanto ko talaga na, isa siyang masunuring anak. Yung mga iba kasi, kadalasan nagre-rebelde pero siya, ayun. Sumusunod talaga. Hehe. XD

"Huy!"

"Huuuuuuuuuuuuy!"

"Oyy, Biggy!"

"Abegail! Yuhooo!"

"Ay pota ka!"  Nagulat naman ako kay Kuya Alexis. T__________________T Tangina naman netong lalaking to, parang timang lang. Winawagaywag pa yung walis sa mukha ko. Kita nang nage-emote ako dito eh. Psh!

"Ano ba naman kasi yan Abegail eh! Para kang tanga diyan, tulala lang? Namatayan ka ba? Hah?!" 

"Tangina mo naman Kuya eh!"  Kaya ayokong kasama sa bahay yang si Kuya eh. =______________= Si Kuya Alec kasi, andun busy may "group project" daw. Si Kuya Alfred naman andun sa pinakamamahal niyang girlfriend at si Kuya Allister naman di pa umuuwi simula kagabi kaya ayun, si Kuya Alexis lang naiwan dito sa bahay. Ewan ko ba kung bakit nandito to nambubulabog. -____________-"

----------------------------------------------------------------------------

Hi po sa lahat ng nagbabasa neto. =))  Part 1 pa lang po ito. Bukas na yung continuation, sinikap ko lang talaga matapos to para lang may update ako. Haha. :) Enjoy na lang po ang update! xx Thankyou.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Drunken NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon