Chapter 1

230 1 6
                                    

“INUMAN NA!”

“KAMPAY KAMPAY MGA PARE”

“MAGSAYA TAYO NGAYON MGA KUPAL!”

Nandito lang ako sa may garden habang pinapanuod ko  silang nagkakasayahan na. Despedida Party  kasi ng one and only Pareng Bes ko. Corny ng tawagan namin noh? Pagbigyan na. Siya kasi may sabi eh. Inutil talaga yon. HAHAHAHA.

Dakdak ako ng dakdak dito pero di niyo pa pala ako kilala. Ako nga pala si Abegail Eisha Reyes “Biggy” ang tawag nila sakin. Ayoko kasi ng “Abby” or “Gail” nakakasuka! 16 years old at 4th year highschool. Only girl at may 4 na kumag na mga kuya.  At kasalukuyang ineenjoy ang buhay teenager. Kung inaakala niyong normal akong babae, diyan kayo nagkakamali, may superpowers  kaya ako. Joke! -___________-“ Pero, totoo na talaga. Hindi ako yung mga karaniwang babae diyan na nakikita niyo sa kanto. Boyish ako, hindi nagme-make up, walang arte sa katawan. Simple lang, AWESOME. HAHAHA! Dahil na nga sa ganito ako pumorma at yung mga actions ko ay boyish din napa-barkada ako kila Dave Karl Merano.

“HOY!”

“Ay butiki kang hayop ka tangina mo!” Tangina sino ba yon?! Nagulat ako dun ah.

“Grabe ka naman sakin.” :(

“Eh bat ka kasi nanggungulat ha Dave Karl?”

“Tigilan mo nga ako Abegail Eisha. Aalis na nga ako bukas tapos ganyan ka pa rin sakin. Bunganga mo, makamura ka naman tila hindi babae.”

“Ayy ganun ba? Sorry naman po BOSS!”

“Teka nga, bakit ka ba andito sa labas? Eh nandun lahat ng barkada sa loob.”

“Ah, wala lang para kasing wala ako sa mood eh.”

“SUS! Aminin mo na kasi na mamimiss mo lang ako.”

“LAH?! Asa naman! Pakyu”

“Tss. Ayaw pa umamin, halika na nga! Dali, inom na tayo mami-miss ko to pag nasa LA na ako.”

“Oo na, halika na.”

One Drunken NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon