tzuyu
ewan ko kung tama paba tong nararamdaman ko. kung ititigil koba o sasabihin ko ang hirap.
"s-salamat" saad ko tsaka ngumiti ng bahagya tinitigan nya naman ako sa mata tsaka pinaandar yung kotse
"wala yun" saad nya tsaka ngumiti pabalik
habang nag mamaneho si sana hindi ko maiwasang maka idlip.
agad akong nagising ng sobra ng biglang bumuhos ng malakas yung ulan.
nagulat ako kitang kita sa bintana kung pano bumuhos putakte.
agad naman akong napatingin kay sana ng biglang huminto yung kotse sa gitna ng daan "a-anong nangyari?"tanong ko
"nasiraan tayo ng makina" saad nya at pinipilit na iniistart yung makina ng kotse
lalabas na sana sya ng hawakan ko yung kamay nya "naulan baka mag kasakit ka" saad ko
"ayos lang" mahinang saad nya tsaka lumabas ng kotse
agad naman akong nag hanap ng payong sa loob ng kotse nya. ng makita ko yung payong na black agad ko tong kinuha at lumabas ng kotse
"sandali" saad ko tsaka ko hinawakan yung kamay nya tsaka sya pinayungan