9

1K 50 3
                                    

tzuyu

"dyan ka lang muna ha hahatid ko lang to tas bibili na din ako ng pag kain natin mamayang gabi" pag papaalam ni sana tsaka nya kinuha yung susi sa taas ng ref. tumango lang ako tsaka ngumiti. bakit ba need pang ihatid sa sakayan? hindi nya ba kayang mag lakad mag isa? joke time ulit. naiinis lang.

"baby paba yon bat ihahatid pa tanda tanda na nun eh" bulong ko tsaka kinuha yung cellphone ko. ang sakit nga ng likod ko kakahiga ko siguro to.

elkie
•active now

tzuyu:
hoy

elkie:
ano nanaman

tzuyu:
kailan ka
pwede gala tayo

elkie:
ayoko medyo
busy ako eh,
daming ginagawa

tzuyu:
libre ko

elkie:
sige tara pala
next week ko
nalang gagawin
yung mga gagawin ko

tzuyu:
gugutom nako

elkie:
kain kana po

tzuyu:
wala pang pag
kain wala pa yung
roommate ko. tagal

elkie:
asan ba?

tzuyu:
bumili ng ulam

elkie:
chix ba yon? 
pakilala mo naman
sakin

tzuyu:
yoko nga

seen 12:30pm

bakit ko naman i s share? kidding.

"tagal naman nun, mangalkal nga muna" mahinang bulong ko tsaka tumayo at punta sa kwarto nya. okay lang naman to diba kasi kinalkal nya rin kwarto ko. pag sinabi nyang personal space sasabihin ko rin yon kasi pinasok nya yung kwarto ko.

pag pasok palang nakita ko naagad na malinis yung kwarto nya. ngayon lang ata to malinis. pero ang ganda ng ayos ng room nya ah. madami ding pictures na nakasabit.

agad ko namang nilibot ang mata ko hanggang sa makita ko yung picture frame. dahan dahan naman akong lumapit.

sya ba to? baby picture nya ata. kinuha ko yon tsaka ngumiti ang cute naman nya nung bata tapos ngayon wala na. joke ulit.

pagkatapos ko yon makita lumabas na agad ako sa kwarto nya tsaka ulit nag hintay. sa susunod ako nalan bibili ng ulam. palagi nalang kasing sya yung nabili. hindi naman porke mas bata ako sakanya dapat sya palagi. dapat alternate pa rin kami.

"pinag hintay ba kita ng matagal?" tanong nya habang hawak yung paper bag. tanong nya habang hinihubad yung shoes nya sa bandang pinto.

"kahit gano ka naman katagal mag hihintay ako." sagot ko. tumingin naman sya sakin at nilakihan ako ng mata.

roommate | completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon