tzuyu
habang nag hahantay ako sa labas nagulat ako ng biglang lumabas si sana sa pintuan "tara pumasok ka malamig dyan" saad nya tsaka nilahad yung kamay nya
"hayaan mona sya dyan" sabat ni dahyun.
"ayos lang dito nalang ako" saad ko tsaka ngumiti
tinitigan naman ako ni sana kaya yumuko ako agad "alam mo dahyun uuwi nalang kami kung hindi sya welcome dyan sa apartment mo" saad ni sana tsaka lumapit sakin
"tara na nga" saad ni sana tsaka hinawakan yung kamay ko
"pumasok kana sa kotse uwi na tayo" saad nya tsaka binigay sakin yung jacket nya
pag pasok ko sa kotse nakita ko agad na namumula na ng sobra yung kamay ko dahil sa sobrang lamig sa labas kanina.
"maligo ka ng mainit na tubig mamaya pag uwi" saad nya tsaka kinuha yung kamay ko at tinignan
"ayos ka lang?" tanong nya tsaka ako tinitigan
"ayos lang naman medyo malamig lang sa labas kanina" sagot ko
" mamaya kain tayo ramen sa bahay papa deliver ako ha? " bangit nya tsaka pinaandar yung kotse
![](https://img.wattpad.com/cover/195841429-288-k68449.jpg)