Sunna's pov
"Sun! Late na tayo!"
"Yan na! Tara na!" Ani ko at sumunod sa kanya
Ako nga pala si Solar Sunna Sun. Ang weird noh. 18 years old na ako. Ipinangalan nila sa akin yan kasi daw parang anak ako ng araw?
Blond ang buhok ko, yellowish brown ang mata ko at slight lang puti ng balat ko. Tinatawag nila akong sun dahil palangiti ako at masayahin.
"First day na first day malalate tayo" sabi ni Star
Destiny Asterisk Star Astral
Nag-iisa lang naman na best friend ko. Medyo may pagka-attitude. Matalino, black ang mata at buhok, maputi at mabait pero slight lang.Star. Parang pang astronomy yung pangalan namin. Alam mo kung bakit? Yung mga magulang nya at magulang ko ay magkakaibigan. Mahilig sila sa astronomy at ang papa namin ay nagtatrabaho sa NASA.
"Natutulala ka na naman" aniya habang nagbabasa ng libro
Mahilig ang isang toh sa mga stars.
"Hay nako! Huwag mo nga ako pakialaman, magbasa ka na lang dyan" ani ko at tinulak sya papasok ng school
Neighbours kami kaya magkasabay kami pumunta rito sa school.
Ang pangalan ng school namin?
Astronomia Spatium University
Lahat may kinalaman sa astronomy.
Pumunta na kaming principals office para kunin ang schedules namin. Buti na lang magkatulad kami ng schedule.
"Ugh! Magkatulad tayo?" Tanong nya habang bored na itinago ang schedula nya sa locker
"Yes at wag ka na magreklamo. Swerte mo nga kaklase mo ko" ani ko at siniko pa sya pero mahina lang
Inirapan nya na lang ako at pumunta ng classroom. Ang room namin ay nagngangalang Betelguese. First class?
Science
"Good Morning class! I'm Ms. Planasthai. You can call me Ms. Plhai and I'm your first subject which is Science" aniya at umupo sa table
Mukhang mabait sya, matangkad mga nasa 20s at maiksi ang buhok, hangganb balikat.
"I'm not kind, I'm strict. I'll always give you quiz but that's not all. I'll give you that before we start another lesson" aniya at tumayo mula sa kinauupuan
Bigla syang lumapit sa lalaking maputi na kaedadan ko lang.
"You. Introduce yourself infont, now" she said
I was wrong. Hindi pala sya mabait, strict lang.
Tumayo na yung lalaking maputi at pumunta sa unahan. Mukha syang tahimik. Mas matangkad sya sa akin at parang hanggang balikat nya lang ako.
"I'm Lunule Mensis Aeon, 18 years old and please don't bother me" aniya at bumalik sa upuan nya
Matangkad sya, maputi at may glasses din. Ang buhok nya ay brownish at malambot. He's wearing a simple shirt and a hoodie which is black. May headphones na nakasukbit sa leeg nya.
Aaminin ko cute sya hehe.
Nagising ako sa aking pagdaday dream nang sikuhin ako ni Star. Tumingin ako sa kanya and mouthed a 'why'. She just simply point at Ms. Plhai. She is looking at me.
"Uhmm yes Maam?"I asked
"I'm asking you to introduce yourself " aniya na may konting pagtataray
BINABASA MO ANG
Love from above
Fanfiction"A legend tells that the sun and the moon were in love but their love is impossible because when the moon rose, the sun is setting. But God created eclipse to show that no love is impossible " "Is that true?" "Of course it is, you know why?" "Why?" ...