" You sure about this? " Tanong ng lalaki na nakasandal sa dingding. Nakakunot ang kanyang noo habang tinititigan ang babaeng nasa madilim na parte ng kwarto." Hmm " sagot ng babae.
" Pero kailangan ba talagang kasama ka sa paghahanap? It's more safe kung nandito ka lang sa palasyo. " may tono ng pag-aalala na ani ng lalaki.
" You're the Empress. You're safety comes first " Seryosong saad ng lalaki.
" No need to worry, kaya ko ang sarili ko. I AM THE EMPRESS. I can protect myself ." Mahinahong saad ng babae.
" But-" natigil naman sa pagsasalita ang lalaki nang marinig ang mahinhing tawa ng babae.
" You really are worried about me? But you know what am I capable of, I can take care of myself but- Kung nag-aalala ka talaga sa safety ko, fine. I'll take Miza with me. "
Napabuntong hininga na lamang ang lalaki dahil alam nyang hindi sya mananalo sa argumento.
" If that's so, I should prepare for my search. Bukas ng madaling araw ay aalis agad ako.I'm going to the west part of Crimson like what you order me. " Umayos ng pagkakatayo ang lalaki.
" This whole thing makes me crazy " huling saad ng lalaki tsaka lumisan sa kwarto.
Pagkaalis ng lalaki ay ang pag abante rin ng babae galing sa dilim. Unti-unting luminaw ang imahe ng babae dahil sa pagtama ng liwanag na nanggagaling sa buwan. Nagning-ning ang ginto at pula nitong roba na sa likod ay may nakaimprintang pulang buwan. At ang kanyang buhok na matingkad na kulay pula ay nagnining-ning din sa pagtama ng liwanag.
Tumitig ang babae sa labas ng malaking bintana. Tinatanaw nito ang buwan na sobrang liwanag at tila dugo sa sobrang pula.
" Sinong mag-aakalang ako mismo ang gagawa ng paraan para sa katapusan ko?" Patawang turan nya.
BINABASA MO ANG
ELIMINATE: CRIMSON OF THE PAST
FantasyThe tale of how the darkest flame eliminates the glorious moon that bleeds endlessly.