CHAPTER 1

35 5 0
                                    

Isang dahon ang naramdaman kong dumampi sa aking pisnge. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakakasilaw pa rin ang mga kaunting liwanag na tumatagos sa kumpul-kumpul na dahon ng puno.  Nakahiga ako sa isa sa mga malalaking sanga nito, tanging braso ko lamang ang aking unan. I'm waiting for Doll's signal so I can start my job. As if on cue, may nagsalita sa aking isipan. Doll can do telepathy.

" Mitzuki "

" Doll. " medyo antok na pagtugon ko.

"Confirmed. Loss one #326 is in that school. Freya and I'll handle loss one #346. "

Pagkatapos ay pinutol n'ya na ang usapan. Malamang ay inaasikaso na n'ya ang trabaho n'ya. Tumayo na 'ko sa pagkakahiga at medyo nag unat-unat. Lumalakas ang hangin, dahilan nang pagsayaw  ng mahaba at purong itim kong buhok.

Tumalon ako pababa galing sa sangang aking tinatayuan. Mataas ang agwat ng lupa at ng sanga ng aking pinanggalingan. Kung para sa normal na tao ay baka nabali na ang buto ng mga ito kung tatalon mula ruon ngunit hindi para sa amin.

Naglakad lamang ako papunta sa paaralan na pinapasukan ng aking target. Maya-maya ay dumadami na ang mga taong kasabay ko. Karamihan ay kapareho ng uniform na suot ko. Ibig sabihin lamang ay malapit na ako. Sumasabay lang ako sa agos ng mga nagtatawanang estudyante ng paaralang tinutungo ko. Hindi nagtagal ay nakapasok na ako sa paaralan. Inikot ko ang aking paningin, upang makita ang hinahanap dahil nararamdaman ko ang enerhiya n'ya na malapit sa akin at hindi ako nabigo. Sa 'di kalayuan ay may mag-isang naglalakad na lalaki, matangkad ito kaya hindi mahirap hindi mapansin. Sa ngayon ay sinusundan ko lamang muna ang target ko hanggang sa makarating kami sa kaniyang classroom. Umupo s'ya sa medyo dulong parte ng kwarto. Walang pasabi na umupo ako sa katabing upuan n'ya ngunit hindi n'ya ako binigyang pansin at sa halip ay inubob n'ya ang mukha sa desk at natulog. Wala pang ibang tao sa classroom, siguro ay dahil medyo maaga pa and that's more convenient for me.

"Zelnix Hertman, a dark flame user." Saad ko na diretso ang tingin sa harap kung nasaan ang white board. Sumilay ang kaunting ngiti sa aking mukha nang maramdaman ko ang pag-galaw ng katabi ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at isang lalaking magkasalubong ang kilay ang tumambad sa akin. Nginitian ko naman s'ya. " Curious? "

"Who are you?" may pagbabanta n'yang tanong. Tumawa naman ako, masyado s'yang seryoso.

"Calmdown, Mr. Dark Flames. I'm just your average classmate slash seatmate." Pinatong ko ang aking siko sa desk at humalumbaba habang hindi pa rin pinuputol ang tingin sa kanya.

"I know all my classmates and you're not one of them." Matigas n'yang saad. Kunware naman ay nag iisip ako para sa isasagot ko.

"Maybe, a transferee?"

"Quit the drama. Who are you? How did you know about my magic? " Ako naman ang sumeryoso.  Masyado s'yang careless sa mga binibitawan n'yang salita.

" So you're not denying? What if I said it as a joke?" Seryosong tugon ko.

"You admit it easily. I wonder what will happen if I'm here to kil you if I'd confirm you have some sort of magic?"

Medyo natigilan naman s'ya at napaisip. If I'm in his position, I will never give a hint lalo na at hindi mo kilala ang tao sa harap mo.

"Yeah right, now you know I have magic. What now? Papatayin mo ba 'ko tulad ng sinabi mo?"  Binigyan ko naman s'ya ng malawak na ngiti.

"Lucky you~ I'm not here to kill you." Unti-unti akong lumapit sa kanya, tinitigan ang kanyang mga mata.

"I'm here to take you." Atsaka sumilay ulit ang matatamis kong ngiti. Nakita ko naman ang pagkabahala n'ya. Sabay nang pag-pasok ng mga estudyante sa classroom ay 'yun din ang pag-tayo n'ya at nagmamadali s'yang lumabas ng kwarto. Napahagikgik naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ELIMINATE: CRIMSON OF THE PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon