CHAPTER 1

8 0 0
                                    

"Fuck! Fuck! all you have to do is to clean this mess. And my instruction is very clear Don't fuckin' come back without good news! or else i'll shoot you and kick your ass off! "

Rinig na rinig ni Thea ang galit sa boses ng amo niya mula sa opisina nito . Hindi na sakanya bago iyon daig pa nito ang babae kapag may regla araw araw . Napabuntong hininga na lamang si thea habang inaayos ang mga papel na nagkalat sa labas ng opisina ng amo niyang halimaw na itinapon lang sa labas dahil hindi daw maganda ang natanggap netong balita.

"Montalla! ang kape ko! " napaigtad nalang sa gulat si thea sa pagsigaw ng amo nito halos mataranta siya kung anong uunahin hanggang ngayon ay may trauma parin siya kapag sinisigawan siya . Pakiramdam niya ay palagi siyang may nagagawang mali.

"MONTALLA!" Mabilis siyang nagtimpla ng kape at sa pagmamadali ay nataktakan na siya sa pulsuhan ng mainit na tubig mula sa tasang hawak dahil sa panginginig neto.

"shit shit " hindi na niya ininda ang sakit at nagtimpla muli ng kape at nagmadaling pumasok sa opisina neto

"Hindi bat kanina pa kita inutusan? Fuck! why all of you such stupid ! at kahit ang simpleng utos ay di pa magawa ng mabilis at maayos!" anito na kinataranta niya

"s—sir heto na po" dahan dahan niyang binaba ang tasa dahil sa nanginginig na mga kamay . Nang may biglang pumasok kaya naman tumagilid ang hawak niya dahilan para tumapon sa ito sa amo niya

"Fuckyou! fuckshit! ano bang problema mo montalla! Masisira ang pagkalalaki ko ng dahil diyan sa kagagahan mo punyeta ka! "
dali dali siyang lumapit sa amo na may dalang tuwalya at pinunas punasan nito ang suot na nabasa wala siyang pakealam kung sa dibdib at hanggang sa gitna ng hita ng amo neto ang pinupunasan niya na natatabunan ng mamahaling kasuotan . Natatakot siya at nag aalala pero di niya pinakita ang takot na yun sa kaharap.

Mabilis na hinawi ng kaharap ang mga kamay niya dahilan para tumilapon ang tuwalya sa lakas "GET OUT!!"
nanatiling walang emosyon ang mukha niya sinikap niyang hindi makita ng kahit na sino ang tunay niyang nararamdaman .

"sorry sir " yumuko ito bago tuluyang lumabas ng opisina .

Kitang kita niya ang galit sa mata ng amo niya, naaalala nanaman niya ang masaklap na nangyari sakanya. Hanggang ngayon ay dala dala niya parin ang mga ala alang yun kahit na nakatakas siya sa mala empyernong tahanan.

TUMIGIL sa paglalakad si Thea ng marating niya ang silid na inuupahan lamang niya . Ayos lang sakanya kahit bed spacer lang dahil ito lang naman ang kaya ng budget niya . Konting tiis nalang at gagraduate na siya sa kolehiyo sa kursong Business Ad.
Kahit papano ay kumakain naman siya ng tatlong beses sa isang araw minsan ay nakakatipid siya dahil sa kaibigan niyang laging maraming baong pananghalian kaya hinahayaan lang neto na makisalo siya.
Sa Umaga ay may pasok siya pagkatapos ng klase bandang alas dos ay dumideretsyo na siya sa kompanya ni Henry ang boss niya. Taga timpla lamang siya ng kape at taga linis ng opisina neto . Wala kasing tumatagal na sekretarya sakanya dahil sa kagaspangan ng ugali . Pinagtiyatiyagaan na lamang niya dahil magaan lang naman ang trabaho . Bandang Alas syete ay tapos na siya sa trabaho doon, uuwi din siya agad para maligo pagkatapos ay pupunta na siya sa fast food na pinagtatrabahuhan rin niya hanggang madaling araw . Doon na siya kumakain ng dinner .

"Goodevening sir, what's your ord—"
napatigil siya sa pagsasalita ng mapagtantong ang amo niya pala ito
"Sir H—henry"

"Waitress ka dito?" taas kilay na tanong ni Henry
"oho" tipid niya lamang na sagot
"ano hong order niyo sir?"

"Hindi ba dapat ay nagpapahinga kana ngayon dahil bukas ay may pasok kapa Montalla ?" nakatitig lang siya sa amo niyang nagtatanong lang ay nakakunot pa ang noo

"Kasi ho sir—"

"Babe! "
napalingon silang dalawa sa tumawag na matinis ang boses maganda ito maputi, makinis ang balat . Matangkad at bagay na bagay ang mahabang buhok na blonde . Rinig ang bawat hakbang neto palapit dahil sa heels nito . Sa lakad palang ay isa na siyang modelo

"babe naman akala ko ba susunduin mo ako" nakangusong sabi nito sa binata
"Pwede ba Bea umupo kana muna"

Agad namang sumunod ang dalaga, siguro nga ay magkasintahan ang dalawa.
"ano pong order nila? "

"One black coffee, One large float two beefstakes and two Salad " ani ng dalaga

"One black coffee, One large float, Two beefstake and Two salad" pag uulit niya
"is there anything you need ma'am sir?"

umiling lang ang babae sinyales para pumunta na siya sa counter at ibigay ang order . Nang mabigay niya iyon ay pumunta na siya sa ibang costumer para hingin ang order ng mga ito.

ALAS Kwatro na ng makauwi siya, pagod at antok na si Thea pero pinilit niya idilat ang mga mata maglalaba pa siya at mag rereview para sa finals bukas.

Magsasabon palang si thea ng maramdaman niya ang hapdi sa pulsuhan niya . Iyon yung napaso ng mainit na tubig kahapon. Di na niya napansin sa sobrang busy , kinuha niya ang first aid at nilagyan ito ng ointment . Hindi na niya pinilit ang sarili na kumilos dahil sa kapaguran , bukod pa dun ay baka naman siya ay magkasakit at lumala ang paso niya baka lalo pa siyang hindi maka take ng exam.

Pain HealerWhere stories live. Discover now