CHAPTER 2

7 0 0
                                    

NAGISING si Thea na pawis na pawis at walang tigil sa pagdaloy ng mainit na likodo sa pisngi niya. Mabilis niyang pinahid iyon.

"Ano ka ba Thea kalimutan mo na yun, makakapagtapos kana. Magpakatatag ka kailangan mo maging malakas para mabuhay. Para maipagtanggol mo na ang sarili mo sa kahit na kanino, para hindi ka na maapi at mapagsamantalahan" Pangungumbinsi niya sa sarili na tumatango tango pa habang hinayaan lang na dumaloy ang bawat luha mula sa mapungay niyang mga mata.

Pinilit niya matulog pero hindi na siya dinalaw ng antok kaya napagpasiyahan nalang na mag review para bukas .

NAGISING si Henry ng tumunog ang alarm clock . "9:30" bulong niya

Bumangon ito at mabilis na pumasok sa bathroom para mag shower .
Lumabas itong nakatapis sa bewang ang tuwalya . Agad na kinuha ang cellphone at nag dial ng numero.
ilang minuto bago sumagot ang nasa kabilang linya

"Montalla"

"sir anong kailangan niyo?"

"pumunta ka rito sa bahay walang katulong si manang sa paglilinis "

"Pero sir May Exam po ako ngayon I can't go ka—"

"Edi pagkatapos ng exam mo! Stupid ! "
Binabaan niya ito ng tawag
"tsk ang aga aga katangahan agad bubungad sakin"
Mabilis nagbihis si Henry ng Pormal na kasuotan pang opisina .

ANO bang problema ng lalaking yun? at binabaan pa ako. Nakakairita na akala mo kung sinong magaling na boss
magaling naman talaga siya Thea at utang mo pa sakanya ang allowance mo dahil malaki siya magpasahod
mabilis na umiling si Thea sa naisip.

Oo na tama na siya na ang malaki magpasahod.
Mabilis na natapos ang finals nila kaya naman agad siyang nag jeep para pumunta sa Village kung saan doon ang bahay ni Henry. Faded jeans at white long sleeve polo at rubber shoes ang suot ni thea ngayon

"Dapat pala nagdala ako ng iba pang damit"

Pagtapat niya sa gate ay binuksan niya ito dahil di naman nakakandado maliban nalang sa pinto buti nalang ay binigyan siya noon ni Henry para di daw siya istorbo.

Pagkapasok niya ay malinis naman ang bahay.
"tsk ano bang linis ang gusto niya yung kumikinang at nasasalaminan na ang bawat sulok ng bahay"

Mabilis niyang nilapag sa sofa ang sling bag niya bago nagsimulang mag vacuum .

" Sino ka?"

boses ng isang matandang lalaki ang nahimigan niya kaya mabilis siyang humarap sa pinanggalingan ng boses neto . Isang lalaking may edad na ang nakatayo sa hamba ng pinto at masuri siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Sino ka? bakit ka nandito sa bahay ng anak ko"

Mabilis siyang tumayo ng tuwid inayos ang nagusot na damit dahil sa pagkakayuko at taas noong lumapit sa matanda .

" Goodmoring sir , Thea Montalla " Inilahad niya ang kanyang kamay at ngumiti habang nakipagtitigan sa mga mata neto.
Nangalay na lamang siya ngunit di parin neto kinukuha ang kamay niya.

" Sorry Maybe I'm stranger to you sir, but I already told you what's my name . And not accepting my hands is a kind of disrespect sir" matapang niyang sabi sa kaharap. Dahil sa loob loob niya ay kinakabahan siya dahil di alam ang gagawin lalo pat kaharap neto ang ama ng boss niya. Hindi siya pwedeng makitaan ng kahit anong kahinaan.

Sumilay sa labi ng matanda ang ngiting kinagulat niya.
"A strong woman huh? Henrick Saturno, Henry's father " sa wakas ay tinanggap din nito ang kanina pang nangangalay niyang mga kamay.

" Sorry sir, Wala pa ho rito ang anak niyo. Pinapunta niya lang ho ako dito para maglinis ng bahay wala ho kasing katulong si manang na may sakit" paliwanag niya

"Anyway pakisabi nalang na dumaan ako rito, Thea right?"

"Yes sir"

Mabilis na tumalikod ang matanda at naglakad patungo sa sasakyan neto na pinagbuksan ng driver .

Saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Umupo siya sandali sa sofa at humilig . Pagod na pagod siya halos wala pa siyang maayos na pahinga .

MABILIS na lumabas ng sasakyan si Henry habang niluluwagan ang nectie na suot.

Sa bungad ng pinto ay rinig na niya ang mahinang pagdaing ng dalaga
" Wag po! tama na tama na !" pabaling baling ang ulo nito at pinagpapawisan habang nakapikit
" No no no papa tama na po tama na , kuya wag po wag " humagulhol ang dalaga kaya agad niya itong pinuntahan

"Montalla" tinapik nito ang pisngi ng dalaga " Montalla gising "
niyugyog na neto ang balikat ni thea

"THEA!!"
nakita niya ang biglang mulat ng dalaga at ang takot sa mga mata nito ng makita siya

"k-kuya pls wag plss tama na ayoko na kuya " nagpupumiglas ito sakanya at takot na takot na umiiyak

" Thea, si Henry to ako to. Walang mananakit sayo ako to "

For now yan muna babies antok na si ateng niyo .
goodnight mwaps :*
sana nagustuhan niyo
#Scared easy to say ,  hard to face.
May mga kinatatakutan tayo kahit ako , pero always trust your self and trust god and all your worried will fade away.

Black R.

Pain HealerWhere stories live. Discover now