Prologue

42 9 1
                                    


Astria's Point Of View

I'm alive? Bakit hindi ko mabukas ang mga mata ko? Hindi ko rin magalaw ang katawan ko. Ouch! May sugat ba ako?

Ang hapdi at sakit ng ulo at katawan ko. Nasa'n ako? Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Gasolina? May naaamoy akong gasolina at tunong ng sirena na papalapit sa akin.

Panaginip lang ito. Wake up, self!

Stephen's Point Of View

Nagising nalang ako na may tumutulong dugo mula sa aking ulo. Nasa loob ako ng sasakyan at basag ang mga salamin nito. Car accident? Wala akong matandaan kung anong nangyari at kung bakit nandito ako ngayon. Napatingin ako sa kanan ko nang maramdaman ko na may nakahawak sa'king mga kamay-- isang babae na hindi ko kilala.

Pumikit nalang ako para magising sa masamang panaginip na ito. Sana- sana panaginip lang ito.

                                  ***

Dalawang MundoWhere stories live. Discover now