Chapter 2: Sheep

17 8 0
                                    

Astria's P.O.V.
Muntik na yun, ah. Hindi ko yata kakayanin kung tumabi sa 'kin si Stephen. Sa buong oras na byahe ay si Velvet lang ang kausap ko samantalang ang dalawang lalake sa likod ay tahimik lang na nakikinig ng tugtog mula sa radyo.

Nabanggit din ni Vel na papunta kami ngayon sa condo. Duon daw kami nag decide na tumira muna dahil malapit lang naman ang school namin duon. Nabanggit nya rin sa akin na three weeks nalang ay pasukan na naman.

Ilang saglit lang ay tumahimik na sa loob ng van dahil umuglip muna si Velvet. Nawalan na ng energy kaya kailangan palang mag recharge nitong si Vel. Napatingin ako sa likod kung nasaan sina Stephen na nakatingin sa labas ng bintana. Napaisip tuloy ako sa sinabi ko kanina na Cutie. Hays... Ano ba, Astria?

Ba't mo sinabi yon? Nakakahiya. Sa tuwing pinagmamasdan ko ito ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Honestly, he's too perfect for me. Ang mala anghel nitong mga mata, matangos nitong ilong, itim na buhok na mediyo magulo, maugat na kamay dagdag pa ang mahahaba nyang daliri.
Shi*, nasa kanya na ang lahat!

Hindi ko namalayan na kanina pa ito nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi ko dahil naramdaman ko ang pag-init nito. Mabilis ko ring iniwasan ang tingin nito dahil maaari akong atakihin sa mala anghel nitong mga mata. Baka maaga ko makita si God, joke. Tinignan ko muli ito at nahuli nanaman ako nito na nakatitig sa kanya at kinindatan pa ako neto.

Aaminin ko, ang hot nya. Stop, self. Wag marupok!

* * *

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa condo namin. Grabe, pang five star ito sa laki at lawak nito. May sariling restaurant, mall at iba pa. Nakapagtataka kung saan kami kumukuha ng pangbayad e estudyante lamang kami.

Nanguna si Lash sa amin papunta sa elevator habang magka akbay kami ni Vel at nasa likuran namin si Stephen.

Fifth Floor.....

Nalaglag ang panga ko na umabot na yata sa sahig nang malaman kong magkaroom kami ni Stephen.

"Pero gusto kong ka room si Velvet." Pagpapanggap ko, pero sa totoo lang, kung magksama kami sa isang room ay magiging awkward lang kami.

"Atyaka baka mailang si Stephen." Dagdag ko sabay tingin kay Stephen na wala nanamang ekspresyon. My ghad! Kailan to ngingiti? Nakakatakot na ang pagka seryoso nito.

"No, hindi ako maiilang. Okay lang sa'kin na magkasama tayo. I guess pumayag naman ang mga parents natin na magkasama tayo kaya walang masama duon. Atyaka.... gusto pa kitang makilala nang lubusan para bumalik na ang mga ala-ala natin." Sabi nito

"So sweet!" Sigaw ni Lash.

"Vel, hindi rin ako maiilang. Magsama na rin tayo sa isang room." Panggagaya ni Lash.

Pinalo ni Vel si Lash sa likod na mumula sa sinabi ni Lash.

"Patawa 'to. Paalam ka muna kay dad" Sabi ni Vel kay Lash.

"Osya, pasok na kame." Sabi ko sa kanila dahil madami pa kaming aayusin.

"Dito lang kami sa next door. Kung may kailangan kayo, puntahan nyo lang kame. Okaya, tawagan nyo kame sa cellphone nyo. May contact kami dyan at pupuntahan namin kayo." Nakangiting sabi sa amin ni Vel at pumasok na sa kanilang condo.

Dalawang MundoWhere stories live. Discover now