**2 days later**
Astria's Point Of View
Tama ako. Panaginip lang 'yon!
"Ouch!" Napahawak ako sa aking ulo na may nakabalot na benda dahil masakit at kumikirot ito."Omg! Okay ka lang ba, Astria?" Tanong ng isang babae sa aking tabi.
Nagulat ako marahil nakatingin sa akin ang dalawang babae at talong lalake na para bang masaya sa pagkagising ko. Pinagmasdan ko nasa isang silid ako at puro puti ang mga dingding, nakahiga ako sa isang kama at may nakalagay na IV sa aking kanan na kamay.
"Uhm,I'm okay. Masakit lang ng konti ang ulo ko. Pero sin-" Naputol ang tanong ko dahil may isang gwapo na lalaki ang lumapit saakin.
"Buti naman gumising kana. Pinag alala mo kame." Sambit nito na naka ngiti, gray ang buhok nito.
"Buti nalang gumising ka pa." Sambit ng isa pang babae na nakataas ang isang kilay. Mataray ito kung makatingin saakin ngunit tinarayan ko rin ito pabalik.
"Ano ba, Tasha. Alam ko namang si Stephen lang ang ipinunta mo dito pero dapat maging masaya ka rin sa pagkagising ni Astria." Sambit ng lalaking kulay gray ang buhok at mukhang naiinis sa sinabi ni Tasha saakin.
"Ok, fine! Congrats?" Sigaw nito.
"Wait, Sino kayo?" Turo ko sakanila at umupo sa kinahihigaan ko.
"Ano kaba? Ako ito, si Velvet. Ilang araw kalang tulog nakalimutan mo na kame?" Sambit ng babae sa aking tabi. Naguguluhan ako. Siguro nananaginip nanaman ako. Pero bakit ganon, nakokontrol ko ang panaginip ko, gusto ko nang gumising kaya sinampal ko ang sarili ko makatatlo ngunit walang nangyari. Kinurot ko ang pisngi ko ngunit sumakit lang ito, hays gusto ko na gumising sa bangungot na ito.Hinablot ni Velvet ang kamay ko na para bang nainis sa ginawa ko.
"Hey, Astria! Stop na. Sinasaktan mo ang sarili mo. Para ka tuloy sira" Wika nito.
"This is my dream kaya magagawa ko kung anong gusto ko and i want to wake up mula sa bangungot na ito"
"Hindi ka nananaginip, gusto mo bang matulog ulit?"
"Ha! I'm not dreaming?" Tanong ko sa kanila.
"Of course, not! Dalawang araw kang tulog pero ngayon gising kana, if you want pahinga ka muna ulit para hindi ka maistress" Nakangiting sabi ni Velvet sa akin. Sinunod ko nalang ang sinabi nito, pero kung ilang araw na akong tulog paano ako makakapagpahinga sa sitwasyon na ito.
"Excuse me?Nasa'n ako?" Tanong ng isang lalake sa kanan ko katabi ng bukas na bintana. Tulad ko ay may benda rin sa kanyang ulo at maputla ito. Natuon ang atensyon namin sakanya.
YOU ARE READING
Dalawang Mundo
FantasiDALAWANG MUNDO (Two Worlds) One is covered with terrains of reality, the other one a product of an author's fantasy. The story was led by a couple, Astria and Stephen. They got into an accident and they woke up without having any recollection of eve...