Chapter 4: Rewards from Steph

15 4 0
                                    

Astria's P.O.V

Mabagal lang namin inuubos ang Pepero. Sa totoo lang, hindi ko talaga gustong makuha yung mga rewards. Kailangan ko lang talagang gawin ito dahil kung hindi, sina Stephen at Tasha ang nasa pwesto namin ngayon at baka nagkalapit na ang mga labi ng mga ito. Si Tasha pa. Yung babae na yon sumosobra na.

Konti nalang, makukutusan ko na yung malanding babaitang yun.

Fudge! Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni Rage. What the hell! He's so hot kahit nakasalamin. Malapit nalang ay maglalapit na ang nga labi namin.

Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. I think na iinlove na ako kay Rage. No, joke. Hindi pwede.

O kaya baka kinakabahan lang ako kase nanonood si Stephen sa amin. Hindi man ako makatingin sa dalawang lalaki na ito pero naaaninag ko na nasaakin ang atensyon ng mga ito. Myghad, kinikilig tuloy ako.

SUCESS!! Sabi na eh di mo matitiis. *Evil laugh*

Stephen's Point of view

Bakit kailangan nyang samahan si Rage sa larong iyon kung pwedeng ako naman? Pwede ko naman syang bilhan ng rosas at chocolates, ah! Hindi nya kailangang isaalang alang ang labi nya para lang sa reward.

"Look how sweet they are!" Pang aasar ni Tasha sabay patong ng kanyang ulo sa aking balikat.

"Shut up!" Singhal ko sabay tanggal ko sa kanyang ulo na nakapatong sa 'king balikat.

I can't watch this. Ilang kagat nalang ay maglalapit na ang nga labi nila. Hindi ko papayagan na mangyari iyon kaya pumunta ako sa stage at pumagitna sakanila ng naka dikit ang aking mga kilay sa inis.

"Stop na, Rage. I'll continue this game." Itinulak ko palayo si Rage dahil sa inis at kinagat ang piraso ng pepero upang ipagpatuloy ang laro. Ngunit tinanggal ni Astria ang pagkakagat nya sa pepero at lumayo. Nagdikit ang kilay niya at mukhang galit sa ginawa ko kay Rage.

"What the hell? Bakit kailangan mo syang itulak?" Tanong nito saakin. Hindi na ako nakasagot dahil nagsalita na ang MC na may nanalo na.

"Okay! Thank you for your efforts! The winner is Couple number 3! Congrats!!!!" Sabay bigay ng MC ng mga rewards sa mga nanalo na ikinanguso ni Astria.

Bumaba kami sa stage at humingi ako ng tawad kay Astria dahil sa ginawa kong pag gulo sa laro nila ni Rage.

"Huwag ka sakin mag sorry." Sagot nito at ininguso ang kanyang labi sa direksyon ni Rage.

"Fine. I am so sorry na itinulak kita. Hindi ko lang kayang makitang may hahali-"

"Hinde. Okay lang yun." Sagot sa akin ni Rage at nakipag kamayan.

Napalitan na ng ngiti ang pagkainis na naramdaman namin lalo na si Astria. Ilang saglit lang ay lumapit na sa amin si Tasha at Bright at bumaba narin sa stage sina Vel at Lash na natalo rin sa palaro.

"Sayang hindi natin nakuha yung award." Mahinhin na sabi ni Astria kay Rage na narinig din ni Vel.

"What  do you mean? Reward sa Pepero challange?" Tanong ni Vel. "Sumali din pala kayo, ah." Dagdag pa nito sabay mabilis na pagpalit-palit na tingin nito sa amin ni Astria.
l
Sa sobrang excited nila sa laro, hindi na yata nila napansin na si Rage ang partner ni Astria at hindi ako.

Dalawang MundoWhere stories live. Discover now