A/N: Hi guys! 1st story ko po ito. Hope you like it. Kung ayaw niyo sa story ko, wag niyo na lang basahin :)
*******
"You are born to be REAL not to be PERFECT"
Isa ako sa mga taong iniwan ng kanilang mga magulang. Let me say Ulila. Well, ganyan daw ang buhay...
May mawawala, may darating.
Pero bakit ganun? Bakit magulang ko pa? Wala naman silang ginagawang masama pero kinuha sila sakin.
By the way, I'm Jenny Fernando. 17 years old. 4th year high school na. Kinupkop ako ni Lolo Joseph nung mawala ang mga magulang ko. Sampung taong gulang ako noong kinupkop ako ni Lolo. Siya na ang nag paaral sa akin. Siya na ang nagpalaki sa akin. Mayaman si Lolo. Kaya niyang bilhin lahat ng gusto ko. Pero hindi naman ako gaano ka-spoiled dahil disiplinado ako.
"Jen-jen iha, kakain na. Bumaba ka na dyan." Sigaw ni Yaya Rosie sa baba.
Haaaaay. First day of school na naman. Eto ang ayoko eh.
"Opo Yaya Rosie." Sabi ko at dumiretso na ako sa c.r para maghilamos at magtoothbrush.
Nang matapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina.
Ang bangooooo *______*
"Yaya Rosieeee!"
"Anak ka ng tipaklong oh! Bakit ka ba nanggugulat dyan iha? Naku kang bata ka oh. Aatikihin ako sayo eh." Sabi ni Yaya habang hawak hawak ang dibdib.
Umupo na ako,"Sorry na po Yaya. Di ko mapigilan eh ^_____^" sabi ko na lang.
Nilapag na niya ang almusal namin,
"Osya sige. Kumain ka na at maligo dahil papasok ka pa." Sabi ni Yaya Rosie.
"Opo Yaya." Kumain naman agad ako.
"Ang laki na talaga ng alaga ko." Sabi ni Yaya Rosie at saka tumabi sa akin.
"At ang ganda pa!" Taas noo kong sabi.
"Hay naku kang bata ka. Saan ka ba pinaglihi?" Ani ni Yaya Rosie.
"Sa........ Kabute!!"
"Jusko ineng. Dalian mo na nga dyan at maliligo ka pa. Marami pa akong gagawin." Sabi ni Yaya Rosie at pumunta sa lababo.
"Yes Yaya."
Bumalik ako sa kwarto at ako'y maliligo na.
"Nana~ nanana~ nana~ nanana~"
Yung feel na feel mo yung ligo mo. Hihihi ^_____^
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos. Bumaba ako at nakasalubong ko si Lolo.
"Hi Lolo!" Bati ko tsaka nagmano.
"Oh apo. Ipapahatid na lang kita sa driver ko." Sabi ni Lolo. Ang bait talaga ni Lolo.
"Naku Lolo. Wag na. Malapit lang naman po eh. Hayaan niyo na po ako maglakad. Exercise na din ^____^" sabi ko na lang.
"Ikaw bahala apo ko. Basta mag-iingat ka ha?" Sabi ni Lolo at pinat ako sa ulo.
"Yes Lolo! Promise! Sige na po Lolo! Alis na ako. Bye Lo!" Paalam ko kay Lolo tsaka ko hinalikan ang pisngi niya.
"Bye apo! Mag-iingat ka!" Pahabol ni Lolo.
******
Hi yan po muna ngayon~
#BobbyIs <3
BINABASA MO ANG
You're My Only One [On-Going]
Teen FictionSa mundong ito, marami kang makakasalamuha. Hindi natin alam kung sinu-sino at ilan sila. Hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan ba o hindi. Hindi natin alam kung tapat o traydor. Kung magmamahal ka, wag yung sobra-sobra. Baka kasi ilaan mo sa iba...