"WHERE are you going?" sita kay Rommel ng kanyang inang si Mrs. Cynthia de Vera nang makitang papaalis siya.Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano ba naman kayo, Mama? Kung sitahin ninyo ako, para akong pitong taon. I'm thirty-five!"
Halata sa hitsura ng ina na ni hindi ito naapektuhan. Walang kaduda-dudang doña. Lively pa rin ang hitsura kahit hindi na kayang itago ng regular facial treatment ang ilang linya sa noo.
"Just the same, I want to know kung saan ka pupunta." Lumipat ang tingin nito sa isang malaking bag na inilalagay ng katulong sa car trunk.
"Sa unit ko. And please, huwag muna ninyo akong istorbohin doon. Gusto kong mapag-isa."
"At paano ang mga tawag ni Zany?"
Mapakla siyang napangiti. "Kaya nga ako aalis. I don't want to see her. Napakakulit. Sinabi ko nang ayoko na, ayaw pa ring makinig."
"She really loves you then, hijo."
"Love me?" patuyang sabi ni Rommel. "O baka ang mamanahin ko. Bye, Mama." Hinalikan niya ito sa noo at tinungo na ang kotse.
"Paano ang kompanya?"
"Come on, Mama. Alam kong gustong-gusto mong hawakan uli 'yon. You now have all the time!"
May sarili siyang parking space sa basement parking ng Aguilar Tower. Naka-reserve iyon para kahit anong oras siya dumating ay may pagpaparadahan siya ng sasakyan. Sumaludo pa sa kanya ang security guard nang puntahan niya ang elevator na maghahatid sa kanya sa unit sa twentieth floor.
Iyon ang pinakahuling floor bago ang penthouse na nasa rooftop. Nandoon din ang olympic-sized na pool. He had the privilege na tumira sa penthouse pero mas pinili ni Rommel sa isang regular unit.
Kung tutuusin, hindi maiko-consider na regular ang dalawang units sa twentieth floor. Sa ibang floors, naglalaro sa apat hanggang walong pinto ang condominium units. Depende sa klase at laki. At pinaka-luxurious na ang dalawang unit na ang isa ay pinili niya.
Pero para sa kanyang mama na may-ari ng Aguilar Tower, isang kabaliwan na piliin niyang tumira sa isa sa mga unit na iyon. He could use the penthouse at walang kukuwestiyon sa kanya pero ayaw niya. Mine-maintain niya iyon pero wala siyang balak tirhan. Ang mga babaeng napapaugnay sa kanya ay doon dumederetso kapag naghahabol. At isang perpektong taguan ang isang unit na isang floor lang ang pagitan sa penthouse.
Isinusuksok ni Rommel ang susi sa keyhole nang marinig ang pag-iyak sa kabilang pinto. Awtomatiko ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Alam niya ang rulings sa buong building. No children; infants and toddlers, especially. At walang dudang nasa category na iyon ang boses ng umiiyak na baby.
Itinuloy niya ang pagbubukas ng pinto. Dumeretso siya sa magandang kusina. Nang magdesisyong lumipat doon ay pina-renovate niya ang kitchen. Pinuno ng modernong kasangkapan at noong isang araw, pinaghandaan na niya ang laman ng cupboard.
Mahilig magluto si Rommel. Iyon ang kanyang favorite pastime. Binuksan niya ang moderno ring refrigerator. Napatango-tango siya nang makitang puno rin iyon. Maaasahan din naman ang kanilang mayordoma. Nang sabihin niyang ihanda ang kanyang unit, talagang inihanda nga nang mabuti.
Ipinasok ni Rommel sa kuwarto ang dalang bag. Mayroon na siyang mga damit doon pero nagdala pa siya ng iba. Desidido siyang mamalagi muna sa unit kaysa umuwi sa mansiyon. At naiinis siya tuwing iisipin ang dahilan.
Babae. Babae at marami pang dahilang nagkasunod-sunod kung bakit kailangang ikulong ni Rommel ang sarili sa condo unit. He hated the fact. Ang sabi niya noon, babae ang mamomroblema sa kanya at hindi siya ang mamomroblema sa babae. But he was wrong.
BINABASA MO ANG
For Better, For Worse, Till Death Do Us Part (Wedding Vows)
RomanceFor Better, For Worse Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin sa kanya. "You are invading my privacy. Hindi na allowed ang guests sa lugar na ito." Parang dagundon...