Chapter 3

55 0 0
                                    

Kathryn's POV

 Hay, sa wakas at natapos nadin ang aming klase. :) Salamat naman.

"Kat, Gimik tayo." pagyayaya sakin ni Blanche

"Ha? Gimik? Naku ---"

"Walang aayaw. Nilibre panaman kita kanina."

"Kapal mo din noh? Kaya ka pala nag insist kaninang ilibre ako kasi may hihingin kang kapalit. Ang labo mo naman." saka naka pout ako.

"Eh, Kathryn naman eh." Saka niyakap niya ako. "Sige na. Pleaseeee?"

"Blan--"

"Please? Please.... Please....." hay, kung hindi ko talaga mahal 'tong kaibigan kong 'to.

"Oo na. Kaso, early uuwi ha?"

"Oo Kat." ngumisi naman ng malaki si Blanche.

"Ewan ko sayo. Tara nanga!"

"Tara." saka hinila na niya ako palabas ng room.

"Teka nga muna. 'wag masyadong atat. Ok?" saka hinila ko kamay ko. "Masakit no."

"Sorry, na'eexcite lang talaga ako."

"At bakit naman?"

"Wala, tara na bilis." hinila na naman niya ako. Kaya nagpatianod nalang ako.

"Blanche? Nasaan naba 'yung sinasabi mong parating na?" naiinip na kasi ako. :)

"Malapit na sila. Promise."

"Eh, nasaan ba ang malapit na'yan ha?"

"Upakan kaya kita 'jan! Malapit na sil-- O, andyan na pala sila eh." saka kumaway si Blanche. Tiningnan ko naman ang kinawayan niya. (O.O) OH, MY GOD! Bakit kasama si Kyle? Bwesit naman  oh!

"Kanina paba kay-- Kathryn?" tanong sakin ni Nathan

"Ako nga. Teka, bakit ganyan ka makatingin sakin?."

"Wala, ngayon lang kasi kita nakitang pumunta ng bar. Sabi mo panga nun ayaw mo sa mga maiingay na place."

"Eh, kasi itong si Blanche. Ayaw magpatanggi eh." saka kinamot ko ulo ko.

"YUCKS! kadiri kang babae ka. May KUTO. HAHAHA!" tumawa agad si KYLE sakin.

"ANONG MY KUTO? NAPAKAMOT LANG! KUTO AGAD?"

"KAPAG KASI---"

"Tama na. Nandito tayo para gumimik. hindi mag-aaway. GETS?" hindi kami umimik ng magsalita si Nathan. Hay, gwapo pala itong mokong nato. :) Hero ko talaga to! hmm. Uy! Ikaw Kat ha. Kaibigan mo 'yang mokong na'yan. Wag mong pag nasaan. Kadiri ka. :) Oo na. hindi na.

Umorder sila ng mga Alcoholic Beverages. Paano nayan hindi kasi ako umiinom. :/

"Oh, Kat!" saka inabot sakin ni Eric ang baso na may lamang alcoholic drink.

"Ha?"

"Anong ha? Kunin mo nga. Ang bagal." Pagsusungit sakin ni Kyle

"Hindi kasi umiinom si Kat, Kyle." Pagtatama ni Nathan. Haaay, ikaw na talaga Nathan.

"Ahh, ganun ba. Kahit isa lang Kat." pagpipilit sakin ni Eric.

"Ah, eh." Inabot ko nalang ang baso. Saka tinignan at inamoy.

"Yuck! Ayaw ko niyan. Ang pangit ng amoy." Saka iniabot ko kay Eric ang baso.

"Sino namang nagsabing amoyin mo! Ulol!" sambat naman ni Kyle

"YAH! TUMAHIMIK KANGA!" sigaw ko kay Kyle. Napupuno na talaga ako sa mukha at ugali niya. Dahil sa inis ko. Tinungga ko ang alak sa baso at inilapag ulit sa lamesa ng wala ng laman.

My Moronic Heart [onhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon