Prologue

2.4K 87 27
                                    

PUMIPITLAG ang katawan ni Raijin dahil sa sakit dulot nang malakas na hampas ng latigo sa kanyang katawan. Bumaling baling ang ulo niya sa unan habang may bakas na sakit sa kanyang mukha.

"Umh! Hmmp!"

Bawat hampas, suntok, at tadyak na ginagawa sa kanya ay damang dama ni Raijin. Bawat paglublob sa kanya sa tubig ay kinakapusan siya ng hininga. Bawat paso ng metal at sigarilyo sa katawan niya ay bumabaon sa kalamnan niya, ni isang bahagi sa katawan niya ay walang pinapalagpas ang mga ito.

"Umh... Umh!"

Rinig na rinig niya ang bawat kalansing ng kadenang nakatali sa mga kamay at binti niya. Ramdam na ramdam din niya ang init ng tubig na isinasaboy sa buo niyang katawan. Agaw hiningang nagpumiglas siya dahil halos hindi na siya makahinga.

Singhap na nagising ako mula sa bangungot habang habol ko ang aking hininga. Takot kong inilibot ang aking mga mata sa paligid at tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang mapagtanto kong nasa bahay lang ako.

Mariin kong hinilamos ang aking mukha kuway marahas na nagbuntong hininga.

"Fucking nightmares!" I murmured as I leaving my bed.

Kinuha ko ang sigarilyo at lighter na nasa bedside table at pagkatapos ay naglakad palabas sa balkonahe at doon ko sinindihan ang sigarilyo. Humithit ako at marahas na ibinuga ang usok.

It has been five years ago, but it seems happened yesterday. Iyung sakit at hirap na naranasan ko sa kamay ng mga terrorist hanggang ngayon ay damang-dama ko pa at dala-dala hanggang sa aking panaginip.

Muli akong humithit sa sigarilyo at agad ko rin iyung ibinuga. Doon ko binubuhos ang lahat ng bigat na nararamdaman ko ngayon sa dibdib.

Dahil sa sakit at hirap na naranasan ng katawan ko mula sa kamay ng nga terrorist ay na-trauma ako at nadamay pati ang ibabang parte ng katawan ko dahilan para ma-damage ang nerves ko na nagko-control sa erections ng katawan ko, in short I became impotent or Erectdysfunction.

Ilang beses ko nang sinubukang makipag-sex sa iba't ibang babae, pero wala rin nangyayari.

Noong una nagpupunta pa ako sa psychiatrist para sumailalim sa therapy, pero kalaunan ay tinigil ko na rin dahil wala naman nangyayaring pagbabago sa katawan ko.

I can't still cum.

Matapos akong humithit sa sigarilyo ay hinulog ko iyun sa sahig at agad na tinapakan, kuway bumalik na ako sa loob ng kwarto. Then my cellphone ring. It's my mom calling. Sinagot ko ang tawag, pero hinayaan ko munang ito ang unang magsalita.

"Musuko." bungad niya.

"Mom..."

"How are you?"

"I'm fine. You?" balik tanong ko.

"Magiging maayos ako kung uuwi ka na rito. Itsu ienikaeru yoteidesu ka?" When are you planning to go home?

Here we go again. Nagbuntong hininga ako. "You already know that I'm not going home, mom."

"Dahil ba kay Mashita?" mabilis nitong tanong.

"Yes, because of your husband." pag-amin ko. Wala naman dahilan para maglihim pa ako. Alam naman naming pareho na hindi ako gusto ng asawa niya at lalong hindi tanggap.

"Raijin..."

"Kung sasabihin mo na intindihin ko na lang siya, sumimasen, okasan. mō dekimasen." I'm sorry, Mom. I can't do it anymore. mariin kong sagot.

"Anak naman... Hindi mo ba kayang gawin para sa akin?"

Hindi ko mapigilang sumama ang loob ko para sa aking ina. Lahat na ng pabor binigay ko na, pero paano naman ako? Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para pigilan ang pag-alpas ng galit sa aking dibdib.
Ilang beses ko na ba initindi ang asawa ng aking ina? Pero hanggang ngayon naman hindi pa rin ako matanggap nito.

"Raijin, anak..." pukaw niya mula sa kabilang linya.

"Mom. No matter how many times you turn the world, you can't change the fact that I'm a Guwan. That I am the son of Raizen Guwan. So, no matter what I do your husband won't accept me. Mashita won't accept me."

Sa sinabi ko, hindi na nakapagsalita ang aking ina. Marahas akong nagbuga ng hangin. Kaya hanggat maaari ayokong nagsasalita dahil siguradong hindi maganda ang kalalabasan ni'yun.

"Gomenasai, okasan." mahina kong sabi kuway pinutol na ang linya.

Hindi pa man din nagtatagal ay may tumawag landline sa landline kung saan tanging nga kliyente ko lang ang nakakaalam. Humakbang ako palapit sa office table ko at agad na sinagot ang telepono.

"Midnight speaking." I answered using my codename.

"You want a big money?" it's Ferrero. Ito ang nagpasok sa akin sa trabahong ito.

I'm a data broker. My job is to gather and sell someone's information. Kapag nakuha ko na ang inpormasyon ay tsaka ko ito ibebenta sa mataas na halaga, sa mga taong may interisado sa inpormasyon iyun. Alam ko na ilegal ang aking ginagawa, pero wala akong pakialam.

"Tell me." aniko.

"My client wants you to dig Ilario Grassus's information.  When you do that, he is willing to pay you. Are you interested?"

"I'm  in."
___________

May binago lang ako ng kaunti. Don't expect too much in this story baka masaktan ka lang. Para rin hindi ka magreklamo. Lol!

PS: Raijin Tadashi is in the media

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Raijin Tadashi (Pervert Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon