Chapter 2: The Conversation

124 11 0
                                    


NIGEL'S POV

Psh, akala mo naman kung sino. May nalalaman pa siya na I still have to do something. Hampasin ko kaya siya? Tsk umiinit yung ulo ko.

Nagdecide ako na matulog nalang kasi tutal wala na din naman akong ibang gagawin eh.

--MORNING-

"NIGEL! GISING KA NA DIYAN! ANONG ORAS NA DI KA PA DIN BUMABANGON!"

Nagising ako dahil sa lakas ng sigaw ng nanay ko. haysttt.

"Oo na, gigising na!" naiiritang sabi ko tsaka tumayo at niligpit na ang pinaghigaan ko.

Pagkababa ko ay naka ready na ang almusal, Yess! Hindi na ako naka kain kagabi kaya sigurado ako na marami ako makakain ngayon hehehe.

"Oh maupo ka na diyan," Sabi ni Mommy. Hindi na siya sumisigaw ngayon. Buti naman HAHAHAHA

"ok po," sabi ko naman tsaka kumuha na ng hotdog tapos kanin para makapagsimula na akong kumain ng bigla akong tinanong ni Daddy.

"how's school?"

"School? It's great," I lied. Totoo naman eh. Maganda sana kaso ngalang may sumingit dun sa kagandahan nung school. Si Clarice. Keyword: SANA.

"Kailangan mo na magseryoso ngayon since graduating ka na ang high school," sabi ni Daddy. Strict siya kagaya ng ibang parents but then, naging mas strict siya since inaasahan niya na ako ang magpapatuloy nang business niya.

"Bilisan mo na dyan sa kinakain mo kasi kailangan mo na pumunta sa school ng maaga," sabi sa akin ni Mommy kaya naman binilisan ko na ang pagkain ko.

Pagkatapos ko kumain ay kumuha na ako ng towel ko tsaka naligo...

Pagkatapos ko namang naligo ay nagbihis agad ako tapos bumaba para magpaalam sa mga magulang ko na aalis na ako. Usually ay hinahatid ko yung kapatid ko bago ako pumunta sa school pero ngayon since wala pang 1st week ng school kailangan ko muna maging maaga HAHAHAHA, minsan kasi halos lahat ng student kapag 1st week of school lang maagang pumapasok. Tapos kapag ka tapos ng 1st week at back na sila sa pagiging late nila.

"Mom, Dad, aalis na po ako para hindi na po ako malate pa sa school," sigaw ko sa gate. Kapag kasi sinabi ko sa kanila ng harapaan ay mag oover react nanaman si Mommy na masyado pa maaga para pumasok sa School.

Kinuha ko na yung bike ko sa garage tapos binuksan na yung gate para makalabas na ako pero nung pagkabukas ko ng gate ay may nakita ako na kotse. Nag-init nanaman bigla yung pakiramdam ko nung nakita ko kung sino yung nasa loob nung sasakyan. Si Clarice. Tsk tsk ano bay an? Umagang-umaga pinapainit nanaman nang babaeng yan yung ulo ko.

Hindi ko na sana sila papansinin kaso bigla namang bumukas yung window ng sasakyan only to reveal her beautiful face. Oo maganda yung mukha niya. MAGANDANG ITAPON!

"Hi!" she said sweetly. Paano kaya siya nakakangiti ng umagang umaga?

"Hello," walang ganang sabi ko tsaka sumakay na sa bike ko.

Aalis na sana ako pero bigla ulit siyang nagsalita.

"You know, pwede ka namang maki-sakay sa akin eh kaya wag mo nang dalhin iyang bike mo sa school. Malay mo manakaw pa yan," mahinahon na sabi niya. "Kailangan mo lang naman na mag sorry sa akin kasi nakakabastos yung ginagawa mo na walang ganang pagsagot sa akin," sabi niya habang lumalakas na ng konti yung boses niya.

"Alam mo? Hindi mo magets noh? Sa tingin mo bakit walang gana akong sumasagot sa iyo? Edi syempre hindi ko gusto na kausap ka! Mas gugustuhin ko pang mag makaawa sa pader kaysa naman mag makaawa ako sayo," naiinis na sabi ko tsaka umalis.

Alam ko na may sinasabi pa siya pero hindi ko na siya pinansin. nagpatuloy nalang ako sa pagbibike ko. Nakakawalang gana. Tsk tsk.

--School-

Haysss, sa wakas nakarating na din. Dapat kanina pa ako nakarating dito kung hindi pa ako nakipag away dun sa babae na yun! Psh nakakainis!

Pupunta na sana ako sa loob ng School kaso nakita ko si Aaron tas si Lester na nagbibike din paparating. May main entrance pa kasi bago makapunta sa main building ng school eh. Parang gate pa lang ito.

"Oh Tol!" sigaw ko sa kanila kaya naman lumingon sila sa akin.

"Oh akala namin sobrang aga mo kapag 1st week. Bakit hindi ka pa pumapasok?" Tanong sa akin ni Lester.

"Haysss, hindi ka maniniwala sa nangyari. Nakipag-away pa kasi ako kay Clarice eh," Pagpapaliwanag ko sa kanila.

Hindi naman sila sumagot o kaya tumango man lang. nagtinginan sila tapos biglang humarap sila sa akin.

"Clarice? Sinong Clarice?" sabay nilang tanong.

"Yung Classmate natin! Ano ba yan? Nakinig ba kayo sa introduction nang classmates natin?"

"Malamang hindi! Eh ikaw nga eh, akala namin hindi ka din nakinig kasi ayaw mo makipag-socialize diba? Haysssss,"

"Basta! Bahala na, mamaya ko nalang ikwekwento sa inyo yung mga nangyari kanina," sabi ko tsakaa pasok sa main entrance nang school namin.

Nung pagkadating namin sa classroom ay umupo agad kami sa mga lamesa namin. Medyo maaga pa naman eh. 7:30 a.m palang. 8:00 a.m kasi start ng mga klase dito.

Kukunin ko na sana yung cellphone ko nung bigla namang may isang babae na pumunta sa harapan ko.

Pagkataas ko ng tingin ay nakita ko si Clari-CLARICE?! KAILAN BA AKO TITIGILAN NG BABAE NA TOH?

"Ikaw! Ang kapal ng mukha mo sa sabihan ako na mas magandang mag maakaawa sa pader kaysa sa akin? Pwes, gawin mo yung sinasabi mo ngayon! MAGMAKAAWA KA SA PADER!" sigaw niya sa akin.

"BA'T NAMAN AKO MAGMAMAKAAWA SA PADER? SA BAGAY MALI NGA PALA YUNG NASABI KO KANINA, PAREHAS LANG PALA KUNG MAGMAMAKAAWA AKO SA PADER TAS SAYO. PADER KA DIN KASI! HAHAHAHAHAHAHA" sigaw ko sa kanya habang tumatawa.

Nagsitawanan din ang mga kaklase namin kaya naman kitang kita mo sa mukha niya yung pagkahiya. Namumula ang mukha niya na lumabas ng kwarto tapos sinarado ng malakas yung pinto.

"HAHAHAHAHAHAHA PIKON!" malakas ko na sigaw kaya naman mas lumakas yung tawanan sa classroom.

My Biker LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon