❤ Chapter #01: Black Coffee ❤

13 2 0
                                    

BLAIR ISHIHARA'S SCRIPT

"Anong kalokohan nanaman 'to?" I stood up, I was about to leave the room until he stopped me.

"Maniwala ka. Hindi ko ginusto ang nangyari." Nanahimik ako. Gusto ko sana siyang sampalin pero hindi ko pa din 'yon magawa dahil alam ko naman na hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Mahal ko siya, kahit ilang beses na niya ako nagawang lokohin.

"Hindi mo pa din ba nararamdaman 'yung pagmamahal ko? O hindi lang talaga ako sapat para sayo?" Magsasalita na sana ulit siya. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Mahal na mahal pa din kita, Blair. Maniwala ka na ikaw lang talaga. Wala ng iba, pangako."

Ngumiti ako ng unti-unti ng lumuluwag pagkayakap niya sa'kin.

Tsaka siya sinampal ng malakas.

Napatingin 'yung maraming tao sa'min pero ngumiti lang ako.

"It's over, Zach."

Agad agad kong kinuha 'yung purse ko tsaka umalis sa mall. Buti nalang at mas kabisado ko 'to kaya kung hahabulin niya man ako? Kayang kaya ko siyang iligaw.

Nakalabas na ako ng mall. Binuksan ko ang purse ko at kinuha ang car keys. Nag drive ako sa isang malapit na cafe. Gusto ko mag coffee ngayon.

Binuksan ko ang radyo at sakto, nagsisimula ng bumuhos ang kanina pang ambon. Hindi ko alam kung swerte ba ako o hindi dahil naalala ko na wala akong payong at 'yung umbrella ko naman naiwan ko sa apartment. Nako, siguradong papagalitan nanaman ako ni Andrea pagbalik.

"Ang malas ko naman." Medyo malabo na 'yung salamin ko sa pagtulo ng mga luha. Hindi ko naman mapunasan dahil nagmamaneho ako. Pero ganun talaga, kailangan ko muna magtiis.

Buti nalang nakahanap ako agad ng cafe. Pagkababa ko sa kotse agad agad akong sumilong. Pinunasan ko agad 'yung lens ng salamin ko dahil kanina pa siya malabo. Ang hirap na sa tuwing iiyak ako sa loob ng kotse hindi ko matanggal 'tong salamin dahil madalas nagmamaneho ako.

"Welcome miss." Nagulat ako sa biglang nagsalita. Humarap ako sa guard and nginitian ko lang siya. Sinuot ko ulit 'yung salamin.

Pagkapasok ko ng cafe sobrang naaamoy ko 'yung kape.

"Ang bango!" Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala 'yon ng medyo malakas at natawa sa'kin 'yung guard pati 'yung ibang staff.

"Welcome to Everyday Coffee. What would you like to order?" Medyo startled ako kasi medyo nahihiya pa din ako sa pinagtawanan nila ako sa comment ko kanina. Pero pumunta na din ako sa counter. Tinitigan kong mabuti 'yung menu and buti na lang andoon 'yung favorite ko.

"One black coffee, please." Nagtaka ako ng medyo nanlaki ang mata ng cashier kaya tinanong ko lang kung bakit?

"Wala po maam, matapang po daw kasi talaga 'yung black coffee namin kaya wala masyadong nag oorder 'non." Tumango tango ako sa sinabi niya pero hindi pa din ako mag cha change order dahil paborito ko 'yung black coffee.

"Ah okay lang. Pa order nalang din chocolate cookie..."

"Chunks po ma'am! Magkaiba po kasi 'yung chips tsaka 'yung Chunks pero try niyo po ma'am, masarap!" Ngumiti siya ng sobrang lapad. Dahil sa ngiti niya nahawa ako. It's not a bad thing to be honest, I really like genuine smiles.

"Okay po ma'am. Paki wait nalang po 'yung order niyo. Mga 20 minutes, thank you." Masaya ko din tinanggap 'yung receipt na binigay niya and masaya ako kasi ang saya saya niya tignan. She looks like she's enjoying her job.

Umupo ako malapit sa may bintana. Sayang, ang ganda dito. Sa susunod dadalhin ko laptop ko dito para sa pagbabasa at pag eedit ng script.

After kong maghintay ng 20 minutes nagulat ako sa nadinig kong boses. Tumingin agad ako sa taas and feeling ko nagulat din siya na makita ako sa cafe. Magbabalak sana ako mag start ng conversation pero biglang may nagriring sa purse ko.

"Tumatawag si Andrea." Nag bow lang siya ng slight tapos bumalik sa staff room. Sinagot ko agad 'yung phone call. "Bihira kang tumawag ah? Anong meron?"

"YOU WON'T BELIEVE THIS, BLAIR." Nilayo ko 'yung phone ko sa ears ko dahil nakakabasag eardrums 'yung boses niya. Mabuti nalang at hindi naka loudspeaker.

"Ano 'yun, Andrea? Na sa cafe ako ngayon at ayaw ko lumamig kape ko." I said and took a sip.

"KAYA PALA AYAW IBIGAY SA'YO ANG MGA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS DAHIL ENGAGED SIYA! E-N-G-A-G-E-D!" Galit niyang sabi. Medyo nakakatakot din si Andrea kapag nagalit. Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay.

"Sino ba? Artista?" Kumagat ako sa cookie.

"YOUR EX, HE'S ENGAGED FOR GOD'S SAKE!" Medyo nabulunan ako. Uminom ako agad ng kape kahit medyo mainit pa.

"Si Zach? Paano mo pala nalaman na break na kami?"

"DAHIL NAG POST SIYA ABOUT SA BREAK UP NIYO. BUTI NALANG DAW AT MAY RESERBA SIYA KAYA MALAPIT NA SIYA SA HAPPILY EVER AFTER NIYA DAHIL ENGAGED NA SIYA!"

Hindi ko na alam isasagot ko pero pinatayan ko nalang ng call si Andrea. Kinain ko ng tamihik 'yung cookies and ininom ang kape. Buti nalang naiwas ko 'yung mga tumutulong luha sa kape.

Nararamdaman ko nalang na may nagpupunas ng luha ko. Siya 'yung kanina, 'yung gusto ko sanang kakwentuhan. Hindi ko alam kung maiinis ako dahil ang amo ng expression niya or hindi kasi pinupunasan niya 'ko ng luha.

"Hindi mo siya kailangan iyakan. You're too valuable for someone like him to understand." Medyo napatalon ako sa sinabi niya. "Masarap ba 'yung kape?"

Tumango ako at nginitian siya. Kahit naman masakit sa'kin na malaman na engaged na agad ang ex ko after ng break up, ayaw ko mandamay ng iba sa nararamdaman ko.

"Sobrang sarap. Paborito ko kasi 'yung Black Coffee eh, ang dami kong memories dito."

"Buti naman at nandoon pa 'ko." Mahina niyang sabi. Hindi ko gaanong nadinig sinabi niya pero umiling lang siya at napangiti. "Mabuti nalang at masarap pa din ako magtimpla. Bihira kasi may mag order dito ng Black Coffee. Madalas gusto ng tao matamis or creamy." sabi niya.

"Nung una din ayaw ko sa kape pero natuto akong uminom nito sa kaibigan ko noon sa'min. Bihira pa akong maka appreciate ng mga simpleng bagay pero sabi niya hindi laging na sa taas ang tao. May pait sa buhay, mas mapait pa sa pabortito ko na Black Coffee." kwento ko sakanya. Nakangiti lang siya at tumayo.

"Buti naalala mo pa siya." Hindi ko alam kung bakit sobrang saya pakinggan ng pagkakasabi niya pero iniwan niya ang panyo sa lamesa.

"Sa'yo muna 'yan. Balik ka nalang dito kapag mas okay ka na." Bumalik na siya sa staff room and bumalik na din ako sa paginom ng kape.

Hindi ko alam, dito na pala magsisimula ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Script Of Saying I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon