19: You're here?!

108K 745 13
                                    

Chapter 19: You're here?!

Gab's POV:


"Oo nga! bakit ba parang gulat na gulat ka?" Tanong ko kay Elly. Ewan ko ba dito sa lalakeng ‘to! Masyadong interesado sa lovelife ko.

 "A-akala ko boyfriend mo si Nico?" Nauutal nyang tanong. Sandali akong nagtaka sa sinabi nya, saka ako natawa ng mahina.

"Hahahaha! Grabe! Bestfriend ko lang siya at yung kasama mo kanina? Sya ang girlfriend ni Nico" Sabi ko habang tumatawa. Sumimangot sya kaya natigilan ako.

"Oops sorry.." Sabi ko.

"Okay lang. Naguluhan lang siguro ako sa closeness nyo" Sabi nya.

"Bakit mo ba naisip yun?" Takang tanong ko, ngumiti naman sya saka nagsalita.

"Nung nagkita tayo nung nakaraan sabi mo boyfriend mo sya" Sabi nya ng nakayuko. Teka, nahihiya ba sya? Nakakatuwa talaga sya!

"Mukang mali ka ng intindi.. Oo, nga boy-friend ko sya, as in boy na friend.." Paliwanag ko pa, nagkamot naman sya ng ulo.

Napangiti sya bigla "Hindi mo kasi nililinaw e."

"Hindi mo kasi iniintindi e" Sagot ko naman. "Oo na." Sabi pa nya.

"Ah, nga pala.. Wala akong boyfriend." Sabi ko. Tumingin lang sya sakin na parang nagtataka.

"Asawa meron" Pahabol ko pa.

"Sorry because I mess your lovelife"

"Ha? Teka, hindi kita maintindihan" Sabi ko. May dinukot sya sa bulsa nya saka iniabot nya sakin ang isang maliit na papel.

"Calling card ko, call me if you need a friend" Kinuha ko naman agad saka ko sya nginitian.

"Pero ‘di mo pa sinasagot yung tanong ko"

"I have to go! Bye Gab.. See you again!" Sabi nya saka tumalikod at lumakad na palayo. Hindi man lang ako hinintay na makapagpaalam sakanya! Hindi din sinagot yung tanong ko!

Lumakad na din ako papunta kila Kinah, at nadatnan ko naman silang nagkakatawanan kaya nakisali na din ako. Umupo ako sa tabi ni kuya Rien sabay kuha ng pagkain na dala ni Kinah.

"Kin, bakit kasama mo sya?' Tanong ko, ngumiti naman sya saka sumagot.

"Nagkita kami sa studio, employee pala sya sa isang modeling agency kaya ayun naghahanap sya ng photographer na pwedeng pumalit sa naaksidente nilang photographer."

"Ahh.." Sabi ko sabay subo ng kinakain ko.

"At sabi ko, ikaw na lang kasi magaling ka naman sa photography" Napaubo naman ako bigla dahil sa narinig ko, tinapik tapik naman ni Red yung likod ko. Lahat sila nagulat sa sinabi ni Kinah, maging si Nico.

"Without my permission?! Kinah naman! alam mo naman na tumigil na ko sa photography na ‘yan diba?!" Sabi ko habang hinahampas ang dibdib ko, inabutan naman ako ni kuya Rien ng tubig.

"I know." Wow! At ‘yun lang talaga ang naisagot nya hah!

"I won't do that!' Sabi ko sabay tayo, uuwi na ko! Baliw kasi tong Kinah na ‘to e!

"Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Lex.

"Uuwi na!" Sabi ko sabay takbo. Narinig kong tinawag ulit nila ako pero ‘di ko na sila nilingon pa.

Takbo. Takbo lang ako ng takbo hanggang makarating ako sa kotse ko, sumakay ako tapos pinaandar ko agad. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay. Ayoko na sa photography!

Hindi pa man ako nakakapasok ay napahinto na agad ako, "Bakit bukas ang ilaw sa kusina?" Agad namang gumapang ang takot sa katawan ko. Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw?

Naglakad ako papunta sa pinto habang hawak hawak ang kahoy na napulot ko sa daan.

Unti unti kong inangat ang pinto saka dahan dahan akong humakbang, ilaw lang ng kusina ang bukas kaya madilim sa sala. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay may naaninag akong katawan ng tao na papalapit sakin, masyadong madilim sa loob kaya hindi ko maaninag ang mukha nya.

Bigla namang nanlambot ang tuhod ko, nanginginig na ako ngayon sa sobrang takot. Palapit na sya ng papalapit sakin, anong gagawin ko? Namumuo na ang luha sa mga mata ko, kinakabahan na talaga ako!

Itinaas ko ang hawak kong kahoy saka ako nagsalita "W-wag kang lalapit. Kundi, ihahampas ko sayo ‘tong hawak ko" Napatigil sya saglit pero muli nanaman syang humakbang.

"Kunin mo na lahat, ‘wag mo lang akong sasaktan pakiusap.." Garalgal kong sabi pero hindi sya natinag, patuloy pa din syang humakbang palapit sakin.

HIndi ko na alam ang gagawin ko, napaupo na lang ako habang nasa kamay ko na ang mga kamay ko, tuluyan ng kumawala ang mga luha sa mata ko, napasalampak na lang ako sa sahig na parang batang naagawan ng laruan.

"AAAAAAAAHHHHH!" Sigaw ko habang umiiyak. Naramdaman ko namang hinawakan nya ako sa braso kaya mas lalo akong napaiyak.

"TULOOONG!!. MMMIIIKEEEE! TULUNGAN NYO KO! AAAAAHHHH" Malakas na sigaw ko, nasa balikat ko na ngayon ang kamay nya at dahan dahan akong niyuyugyog, naririnig ko syang nagsasalita pero hindi ko na maintindihan yung sinasabi nya dahil sa sobrang takot.

Napatigil lang ako sa pag sigaw ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit na mahigpit. Muli ko nanamang naramdaman ang pakiramdam na ‘to, pakiramdam na tanging si Mike lang ang may kakayahang makagawa.

Si Mike, si Mike na mahal ko, si Mike na pangarap ko. Sya nga ‘to.

"Mike *sniff* ikaw ba ‘yan?" Tanong ko habang umiiyak, hindi sya nagsalita pero naramdaman kong mas humigpit pa lalo ang pagkakayakap nya sakin.

"Mike.. Kausapin mo naman ako" Kumalas ako mula sa pagkakayakap nya at mas lalo akong napaiyak dahil nakita ko ang malungkot nyang mukha.

Nakatitig sya sakin, isang titig na malungkot, pero bakit? Bakit ganun ang mga tingin nya?

"Gabi gabi kitang hinihintay Mike, bakit ba hindi ka nauwi dito? May problema ka ba? Galit ka ba sakin? Miss na miss na kita, ako lang mag isa dito gabi gabi, *sniff* palage akong takot kasi wala ka, namimiss kita sa tuwing kakain ako, sa tuwing uuwi ako dito, sa tuwing lalabas ako, sa tuwing nasa office ako. Namimiss kita sa tuwing sinasabi mong maalat ang luto ko, namimis kita sa tuwing sinusungitan mo ko *sniff* MISS NA MISS KITA. Huhuhu"

Tuloy tuloy na sabi ko habang umiiyak, yumakap ako ng mahigpit sakanya. Humina ng kaunti ang pagiyak ko.

"Tahan na Gab, matulog ka na.." Mahinang sabi nya habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Ayaw ko, saan ka ba galing? Bakit ang tagal mong hindi umuwi dito?" Sabi ko habang humihikbi.

"Gab ‘wag na matigas ang ulo" Sabi nya.

"Ayaw ko pa din Mike. Babantayan kita, ‘di ako matutulog para bantayan ka, kahit mapuyat ako ayos lang. basta masigurado ko lang na ‘di ka na aalis pa" Pagmamatigas ko. Tinignan nya lang ako, yung tingin nya ngayon katulad lang din ng tingin nya kanina, malungkot. Bakit ba? Bakit ang lunkgot ng mata nya?

Paghikbi ko lang ang maririnig ngayon, pareho kaming nakaupo sa lapag nakasandal sa pader at pareho ding walang kibo.

Nasasaktan ako, kasi wala syang reaksyon sa mga sinabi ko. Nasasaktan ako, kasi naaalala ko yung nakita kong may kasama sya. Nasasaktan ako, kasi pinaparamdam nya saking wala akong halaga sakanya.

Nasasaktan ako kasi mahal ko sya.

***

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon