FINAL SPECIAL CHAPTER: Ikaw lang at ako.
(Yes, this is the final. Naiiyak akoo. Ajujuju!)
The most precious gift you can give to someone is the gift of your time and attention.
Gab's POV:
~Kay tagal na rin natin sa isat isa, 'di ko na mabilang pa, ilang taon na ba?
Ayan yung nakasulat dun sa sticky note na nakadikit sa salamin. Kinurap kurap ko pa yung mata ko saka ako bumangon. Wala si Mike sa tabi ko, napangiti na lang ako't hindi na nag-abalang hanapin pa sya.
I smell something kasi e, haha mukhang may magaganap na surprise latuuur.
Ay meron pa pala..
~I love to wake up each morning, and hold you in my arms. I am the luckiest man in this world who has been blessed with the most beautiful wife ever.
Mike talaga! Nakakabigla ka, hindi ko alam may mga ganitong pakulo pala syang tinatago. Hihi. Kung alam mo lang, ako ang pinakaswerteng babae dahil natupad ang pangarap kong maging akin ka :'>
Napalingon ako sa table at dun ko nakita ang isang baso ng mainit na kape. May sticky note din na nakalagay kaya't binasa ko agad.
~I just want to stay by you day and night because the best feeling I get is when I see your face early morning and when I dream about you by night.
Alam mo yung sweet? Eh, si Mike talaga 'yun e. Hohoho. Ako din mylabs, ang makita ka kada-umaga ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat. :'>
Tumayo na ako at nagpunta sa bathroom, maghihilamos na sana ako ng may mapansin nanaman akong sticky note na kulay pink sa salamin. Akala ko tapos na, hanggang sa bathroom pala meron.
~You have no idea how good it feels to wake up every morning knowing you are mine and I am yours.
Nung mabasa ko 'yun para akong tanga sa kakatili. Haha! Oo na, kinikilig na talaga ako. Ah hindi, kinikilig nanaman ako! Eh, si Mike kasi e, may natatago pala syang sweet bones sa katawan. Ahihi :'>
Matapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto namin. At pagsara ko ng pinto..
~It's always nice to have someone in your life who can make you smile, even when they're not around.
Aw. Ang sweet talaga! Yung ngiti ko wagas na talaga, si Mike kasi e. Hihi.
Lumakad ako papunta sa kwarto nila Bry pero wala sila dun, hinanap ko sila hanggang sa naagaw ang atensyon ko ng mabasa ko yung sticky note sa pinto.
~Pride attracts the girl. Courage approaches the girl. Wisdom gets the girl. Strength puts up with the girl, but loyalty keeps the girl.
BINABASA MO ANG
Bed Romance (Completed)
Fiksi UmumPublished under Life is beautiful creatives. Grab a copy! Nasa kanya na ang lahat, kagandahan, pamilya, at mabuting kaibigan, 'yun nga lang mayroon pa din syang gustong makuha-ang pangarap nya. Kaya naman gagawin nya ang lahat makuha lang nya iyon...