Chapter 5

109 1 0
                                    

Kikay POV

So eto,nandito na naman ako sa mall pero hindi ako nag punta rito para mamasyal, nandito ako para mag hanap ng trabaho.Kapag may nakita akong nag hahanap ng bagong staff binibigay ko kaagad ang resume ko

Ayaw sanang pumayag ni mama sa pag tatrabaho ko kaso nakiusap talaga ako sa kanya hanggang sa pinayagan niya ako

__________________________________________________________________________________

"Ma kumusta napo kayo??na kwento napo sakin ni kuya yung mga nangyari sayo"nag alalang saad ko kay mama

"Mukhang i ki nuwento sayo ng kuya mo,sabi ko naman sa kanya wag ng sabihin sayo at mag aalala ka ehh pero wag kang mag alala anak okey lang ako, tinutulongan ng mga kaibigan kong pinoy rito"

"Ganun po ba, mabuti naman po,"sagot ko

"Wag ka nareng mag alala mag papadala rin ako sa inyo kaagad ng pera kapag nakahanap nako ng bagong trabaho"sabi ni mama

"Ahmm ma,may gusto po sana akong sabihin sa inyo"pag sisimula ko

"Ano naman yun anak??"

"Wag napo kayong mag alala sa tuition ko kasi po naisipan ko po kagabi na mag trabaho"sabi ko kay mama

Medyo nanginginig at natatakot akong sabihin yun sa kanya kasi alam kong magagalit siya kaso ngalang kailangan ko pareng sabihin para di naren siya mahirapan

"Ano??Hindi puwede"agad na sagot ni mama

"Pero ma...................."pinutol na kaagad ni mama yung sasabihin ko

"Hindi ako papayag!!,di ba sabi ko sa inyo ng kuya mo na ako na ang bahala at wag na kayong mag alala"galit na sabi sa akin ni mama

"Kaso ma!!!ayoko naman pong nahihirapan kayo ni kuya kahit na alam ko sa sarili ko na kaya ko naman kayong tulungan"di ko na napigilan ang emosyon ko at napaiyak

"Ayoko po kayong nahihirapan ni kuya,, lalong lalo napo kayo ma,tumatakbo po ang oras at tumatanda napo kayo,pumayag napo si kuya sa gusto kong mangyari kasi alam niya po na matanda nako at kaya ko ng alagaan ang sarili ko,kaya sana naman po maintindihan niyo ako sa gusto kong mangyari"pagpapaliwanag ko sa kanya

"Anak,ang gusto ko lang naman na malaman mo na hindi madali ang mag trabaho"paalala ni mama sa akin

"Alam ko po yun pero di naman iyon dapat maging basihan para di niyo ako payagan!!!ma wala po ba kayong tiwala sa akin??"tanong ko sa kanya

Ngayon kami na ni mama ang parehong umiiyak

"Di naman sa ganun anak may tiwala ako sa yo sa inyong dalawa ng kuya mo,kaso ngalang nag aalala ako sa kalagayan mo,ka karecover mo lang sa amnesia at marami kapang hindi nalalaman at natutuklasan sa paligid mo"paliwanag ni mama sa kin

"Ma kaya ko naman ang sarili ko at wag kang mag alala sa akin palagi namang nandito si kuya ehh, please naman ma hayaan niyo ako na tulungan kayo ni kuya"sabi ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya

"Okey"narining ko na sinabi niya kaya natuwa talaga ako

"Pero anak hindi sa pinayagan kita okey na ako sa pag tatrabaho mo,basta palagi kang mag iingat at alagaan mo ang sarili mo"pa alala sa akin ni mama

"Opo ma,i love you"sabi ko sa kanya

"I love you more"sabi niya sabay putol sa kabilang linya

__________________________________________________________________________________

Agad kong tinawagan si kuya pag katapos nang pag uusap namin ni mama kaya sobra siyang natuwa at pinayagan raw akong mag trabaho pero lagi ko raw tatandaan na mag ingat at alagaan ang sarili

Eto nandito ako ngayon sa isang restaurant sa loob ng mall, kakapahinga ko palang, andami ko kasing pinasahan ng resume kanina kaya napagod ako

Yung iba sinabihan ako na tatawagan lang daw ako kapag nakapag isip na sila yung iba naman parang wala lang at tinanggap yung binigay ko na resume

Ganito pala kahirap mag hanap ng trabaho lalo na kapag hindi kapa nakaka pagta pos ng pag aaral

Kakatapos ko lang kumain ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad agd ko itong sinagot baka isa to sa nabig yan ko ng resume

"Ahmm hello ito po ba si Kikay Asuncion??"tanong sa akin ng isang babae  sa kabilang linya

"Ahm opo ako ngapo,sino po to at ano pong kailangan niyo??"sagot ko naman

"Ako si Mariel Dela Cruz,isa ka sa nag pasa na resume samin diba??at dahil sobra kaming nag hahanap ng mga staff ngayon kaya pwede kabang pumunta sa address na i tetext ko sayo para sa interview??"

"Talaga po ma'am?? ngayon napo ba??"tanong ko

"Opo, sige po at i se send ko nalang po sa inyo ang address at paki puntahan nalang po"

Paliwanag nung babae na nakausap ko at nakita ko naman agad yung tinext niya sa akin.Kanina kasi ang ali gaga ko kaya kapag may nakita akong pwedeng pag pasukan at mukhang kaya ko naman, binibigay ko na sa kanila kaagad ang resume ko

Papalabas na sana ako ng mall ng biglang may nakabang gaan ako at lahat-lahat ng dala kong gamit ay nag siliparan sa eri

Agad agad ko itong pinulot dahil nga nag mamadali ako

Nakita ko rin ang nakabang gaan ko na tumutulong sakin sa pag pulot  at ng matapos siya binigay niya ito sa akin

"Sorry nga pala"sabi niya sa akin

Lalaki siya di naman katangkaran pero okey lang,naka mask,may magagandang buhok at isama naren natin ang mga mata

"Ayy hindi ako nga yung dapat mag sorry ehh"pag hingi ko ng tawad

"Ayy okey lang yun,nga pala nag hahanap ka ba ng trabaho??"tanong niya sabay tingin sa mga papel na dala dala ko kaya napatingin rin ako dun

Nako po muntikan ko ng mawala sa isip ko yung interview

"Ayy oo ehh nag hahanap ako,o sige na sorry ulit nag mamadali kasi ako kailangan ko ng umalis"sabi ko

Tumalikod at Lalakad na sana ako ng bigla siyang mag tanong

"Nga pala anong pangalan mo??"tanong niya sa akin

Medyo nagulat ako sa tanong niya pero lumingon ako at ngumiti sa kanya

"Ako si Kikay,oh sige alis nako at siyaka salamat at sorry ulit"

Agad akong lumabas ng mall at nag mamadaling pumara ng ma sasakyan

Agad kong hinanap yung i tenext sakin na address

Sobrang saya ko at sa wakas makakatulong na ako kina kuya at mama





















To Be Continue.....................................

Abangan..................................

__________________________________________________________________________________

Author's note

Guys sorry sa typing error's

Sa mga nagpapatuloy sa pag babasa nito kong meron man ,,Sorry din sa short update busy kasi si author kailangan ko pang mag aral para sa darating naming exam kaya sana maintindihan niyo

Guys sana ipag patuloy niyo ang pag babasa,marami ng mangyayari at mag babago sa buhay ni Kikay

Sorry For Forgetting You ||SB19 fan fiction||Where stories live. Discover now