Makakaya ko pa ba?
Makakaya ko paba ang lahat ng sakit?Sakit sa lahat ng paghihirap na aking
naranasan sa buhay.
Buhay na hindi ko maintindihan.
Pati sarili ko hindi ko maintindihan.
Hindi ko maintindihan kong ano ba talaga ang halaga ko sa mundong ito?Ito ba?
Ito ba ang halaga ko sa mundong to na masaktan ng paulit-ulit?
Masaktan ng paulit-ulit sa mga taong kinakaayawan ako.
Sa mga taong hindi ako matanggap ng buong puso.
Sa mga tao na dapat ay aking karamay sa mga oras na ito.Pamilya?
Ano ba ang pamilya?
Ako kasi hindi ko alam ang salitang pamilya,Pwede bang paintindi mo/nyo sakin?
Kasi buong buhay Hindi ko naranasan kung pano mahalin,damayan ng pamilya sa lahat ng paghihirap na aking naranasan sa buhay.
Mag isa akong lumaban sa sakit,
Mag isang kumayod para mabuhay,
Nagtatrabaho ako kahit na may sakit ako...basta may makain lang ako araw-araw.Anim na taon,
Nasa hospital ako, nagtiis ako,lumaban sa sakit ko,
Tiniis ko lahat na walang magulang,kapatid, sa tabi ko.
Magulang na dapat kasama ko sa lahat ng aking pagsubok.
Kapatid na dapat mag sasabi sakin na malalampasan ko rin lahat ng aking paghihirap At maging karamay ko.Buong buhay ko hindi ko naranasan ang mahalin ng isang magulang.
Buong buhay ko hindi ko naranasan yung pagiging bilang isang anak sa kanila.
Buong buhay ko hindi ko naranasan yung pagmamahal ng aking mga kapatid sakin.Matatanggap paba nila ako?
Matatanggap kaya nila ako kapag mawala na ako sa mundong ito?Siguro nga yun lang ang paraan para bumalik sila sa tabi ko.
Siguro nga yun lang paraan para makita nila yung halaga ko.
Siguro nga yung lang ang paraan para Masulyapan lang nila kahit saglit ang itsura ko.
Siguro nga yung lang ang paraan para matanggap nila ako bilang isang anak at kapatid nila.Hindi bilang isang kaaway at walang kwentang anak sa paningin nila.
Siguro dito na lang ang buhay ko.
Paalam.....paalam mama
paalam papa...paalam ate...
paalam narin sayo kuya..sana mapatawad niyo na ako sa lahat na anumang aking nagawa.
sana maging masaya na kayo.
ILOVE YOU Mama,papa
AT kasabay nun ay pagtulo ng aking luha at ng pagkawala ng pintig ng aking puso.
_yrel⚘
***************************************
Sorry guys kung pangit.....comment na lang po kayo kung ayaw nyo po ito.....first time ko kase gumawa ng ganito
YOU ARE READING
Spoken Poetry Para SA Lahat
De TodoIto'y simula ng aking gawa Sana'y huwag niyong husgahan Pinapaalala ko lang sa mambabasa nito ay sana kung sa simula ay hindi nyo na nagustuhan mas mabuting huwag nyo ng ituloy ang pagbabasa...Kung ito'y huhusgahan nyo rin naman pala.. Dahil ako'y i...