"Mas pinili ang kaibigan kaysa sa girlfriend"

12 0 0
                                    

Ang sakit no?
Ang sakit isipin na mas pinili niya yung kaibigan kaysa sa girlfriend niya.
Ang sakit isipin na mas pinili niya,
yung malapit sa kanya kasya sa malayo.

Ano pa nga ba?
Siya yung kasama niya nung may problema siya.
Siya yung kasama niya nung panahon na kailangan niya ako.
Siya yung kasama niya nung nagka sakit siya at sya yung kasama niya nung mga kaarawan niya.

Ako?
Nasan ako nung kailangan niya.
Nasan ako nung nagkasakit siya.
Nasan ako nung may problema siya.

Nandon!
Nandon ako sa loob ng hospital.
Hospital na nagsilbing bahay ko ng limang taon.
Hospital ang naging sagot sa sakit ko.
Mga doctor o mapa nurse ang nakakita kung pano ako naghirap,
Kung pano ako Namilipit sa sakit. at naghinagpit saking sakit.
Sila,sila ang naging karamay ko.
Araw-Araw,
gabi-gabi ako'y umiiyak hindi dahil sa sakit ko.
Kundi dahil sa kanya.
Dahil sa  mas pinili niya yung kaibigan niya kaysa sakin.
Sya ang dahilan kung bat ako lumalaban saking sakit.
Siya ang dahilan kung bakit Hindi ako sumusuko kahit hindi na lumalaban yung katawan ko.
Siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto kung gumising sa araw araw.

Paano na?
Paano na kung yung kinukuhanan ko ng lakas ay wala na.

Susuko na ba ako?
Pero pano yung pamilya ko?
Pano sila kung nawawala ako sa mundong ito?
Kung mawawala ako sino mag aalaga sa kanila?
Sino ang magpapasaya sa kanila?

Hindi pa naman huli ang lahat diba?

Kaya Lalaban ako para sa pamilya ko,
Lalaban ako para manumbalik ang saya sa kanilang mga mata.
Hindi ako susuko hanggat kaya ko.

Sana maging masaya na si liam sa piling ni Elle.
Sana maging masaya na silang  dalawa.
Sana malagpasan nila ang mga problema na dadating sa kanila.

Kung alam nila yung kalagayan ko,mangyayari ba ito?
Kung alam ba ni liam na may sakit ako hindi niya ba ako iiwan?

Ang dami kung tanong sa isipan ko,
Pero ni isa,walang sagot saking katanungan.

Dito na lang ba ang buhay ko sa hospital?
Dito na lang ba ako tatanda?
Dito na rin ba ako mamatay?

CAN SOMEONE HELP ME AND STAY BESIDE ME?

_Yrel⚘

********love you all💓**********************

          Next chapter na po............


Spoken Poetry Para SA LahatWhere stories live. Discover now