Chapter 5

56 3 4
                                    

A/N: again and again sorry naman po sa gramatical errors at sa spelling. Suntukan nalang tayo sa kanto. Game?

Ace and A-Jay's Past

(A/N: Sana all may past)

Ace's PoV

*flashback*

Lumaki ako sa France kasama si Daddy. Doon ako nag aral. Sobrang saya ko ng malaman ko na magkakaroon ako ng kapatid. Sa pilipinas pinanganak si A-Jay kaya ginawan siya dual citizenship at nang maayos yun ay tumira na kami sa france. Ako ang nagturo kay A-Jay na maglakad at magsalita. Ang saya dahil nagkaroon ako ng kapatid na babae. Nagnursery siya sa France parehas kami ng school dahil elementary ako noon. Lagi akong inaaway at binubully. Di kayo maniniwala dahil mas lalo kong minahal si A-Jay dahil sa ginawa niya nung binully ako.

----------

"Hahaha loser" sambit nung mga nambubully saken dahil nasubsob ako nung tumatakbo ako.
Bigla nalang lumitaw sa harap ko si A-Jay. Grade 1 palang siya at ako naman Grade 6 na pero lampa parin.

Atleast lumaking gwapo.

(A/N: pero lampa parin)

Tss. Edi wow author

Agad siyang lumapit doon sa mga nambubully saken pipigilan ko sana siya dahil baka maano siya don eh. Pero di ko siya napigilan dahil naramdaman kong mahapdi yung tuhod ko. May sugat ako. Pinipigilan ko lang umiiyak nung mga oras na yun. Laking gulat ko dahil nung pagkalingon ko kay A-Jay tumba na yung nambully saken. Shit papano nangyari yun?

"Say sowy to my boder"(say sorry to my brother) medyo bulol pa siya noon hahaha. Lumapit ako para makita yung ginawa niya at ayun sinuntok niya pala sa mata yung nambully saken. Papagalitan ko sana siya kase mali yung ginawa niya pero natakot ako dahil puno ng galit yung mata niya habang nakatingin doon sa nambully saken. Parang ibang tao siya.

"You wont get away with this!" Umiiyak na sambit nung nambully saken at agad na tumakbo paalis. Di alintana saken yung sugat ko. Dahi sa nakita ko. Muli ko siyang tinignan at back to normal ulit ung itsura niya. Habang nilalaro yung stuff toy niya.

Pagbalik sa bahay ay pinagalitan kaming dalawa dahil nasuspend kami sa ginawa ni A-Jay. Hindi ko siya sinumbong ,ang sabi ko ako ang sumuntok doon sa nambully saken. Di niya alam na inako ko lahat ng kasalan niya dahil musmos palang yung isipan niya. Pero kahit ganon bilib ako sa kaniya ang cool ng kapatid ko.

Nang matapos akong pagalitan at paluin ay pumasok si A-Jay sa kwarto ko at may dala siyang alcohol at band aid. Hindi ko alam pero napakatalino niya at ang galing niya kahit musmos palang siya. Unbelievable.

Simula nung araw na yon ay pinangako ko sa sarili ko na magiging doctor ako at ako naman ang gagamot sa kaniya pagmalaki na kami.

Hanggang sa napapadalas na napapa away siya nalaman nalang nila mommy at daddy na siya talaga yung basagulera kahit bata palang siya. Di nila alam na nililigtas lang ako ni A-Jay kaya siya nakikipag away. Kaya nung Grade 2 siya ay pinabalik siya sa pilipinas kasama si mommy dahil nadudungisan ang pangalan ng Alonzo sa kaniya.

Sobra ang pagdadalamhati ko noon dahil magkakalayo kami ang sabi saken ni dad saka lang ako babalik ng pilipinas pag collage na ako kaya hindi ko nasubaybayan yung paglaki niya.

Hindi ko nasubaybayan yung mga birthdays niya. Nakakalungkot isipin na hindi ako makagawa ng paraan para makita siya ulit.

October 11

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I AM ONE OF THEMWhere stories live. Discover now