Chapter 34

7.3K 344 14
                                    

SVEN's POV

             "A-aray! Aray!" Sabi kong namimilipit sa sakit. "Bi-bitaw na Isabelle... masakit..."

Ano ba 'tong babaeng ito mapanakit! Wala naman akong ginawang masama sa kanya, ah...

"Nakabatok ka na kanina ba't mo naman piningot ang tenga ko ngayon?" Tanong kong nakasunod sa kanya dahil kelangan baka maputol pa ang kawawa kong tenga.

"At nagtanong ka pa?" Masungit nyang sagot sa akin. "May atraso ka na nga sa akin nagawa mo pang makipagflirt sa iba!"

Aba't sira na nga utak ni Isabelle. Anong flirt?

"Makaflirt ka jan! Kanino sa ugok na yon? Aray! Teka... masakit Isa bitaw na. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao nakakagiya."

Binitawan nga ako pero...

Kung pwede lang sapakin sya ginawa ko na punyeta!

"Ano ba! Ba't ka nananadyak ng paa?"

"Ugok? Don't tell me nakipagflirt ka rin sa lalaking nakita ko bago ka lapitan ng mahaderang babaeng yon?" 😡

'Nak ng kabayo... anong pinagsasabi nya? Ako makikipagflirt sa lalaking yon? Kita nga nyang halos kulang na lang sapakin ko ito dahil sa kawalang mudo nito! Di man lang alam ano ang personal space lapit pa rin ng lapit buti na lang to the rescue si ateng mabait! Kundi baka napaaway pa ako wala sa oras.

Ba't ba kasi napakahaba ng pasinsya ko sa mga taong nakakainis? At bakit ako lapitin ng mga taong kagaya nila? May signboard bang nakasabit sa akin na inisin nila ako?

"Alam mo gutom lang yan... di na kita maintindihan. Do I look like a flirt kind na tao?" Inis ko na ring sabi habang hinihipo ko ang napadyakan kong paa.

Biniro ko sya kani-kanina lang dahil nakabusangot na ang prensesa nyo tapos bigla na lang akong babatukan ng pagkalakas-lakas?

Dahilan? She wanted a kiss kaya ayon pinagbigyan ko... I give her a kiss....

Sa noo... 🤣🤣🤣🤣🤣🤣

Nakakatawa talaga pagnaaalala ko ang hitsura nya pagkatapos nag epic!

Lugi ang mukha ni ateng mataray! 🤣🤣🤣🤣🤣

POK!

"Ano ba na naman? Ba't ka nambatok?"

"You look creepy! Anong nginingiti mo jan? Naku Ven pag ako nainis na ako ng tuloyan sa pinaggagawa mo baka marape na kita dito EK! Binitin mo nga ako pagseselosin mo pa ako!"

"Bunganga mo madumi! Kibabae mong tao kung anu-anong lumalabas sa bibig mo!"

"Kung di ka lang naman nakikipagflirt sa kung sinu-sinong tao di ako magkakaganito!"

"Nagpapasalamat lang ako kay ateng mabait dahil tinulungan nya akong itaboy ang ugok na kabuteng lalaking yon di nakikipagflirt! I don't even know how to flirt ang makipagflirt pa kaya?"

Tinaasan nya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. Pasalamat sya dahil sinamahan nya ako sa kalukohan ko this past few days kundi baka nabatukan ko rin sya sa way ng tingin nya.

"Sabagay... not even once did I heard you compliment me kahit na napakaganda ko... ang makipagflirt pa kaya sa iba?"

Ewan ko ba at di ko gusto ang tuno nya.

"Ini-insulto mo ba ako?" Naiinsulto kong tanong

"Don't worry Sven I'm still into you... even if you're too uptight." Nakangiti nyang sabi sa akin at kumindat pa. 😘

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon