Para sa crush ko nga pala ito, Hi there Von sana masaya ka kung nakikita mong yung pangalan mo nandito sa story ko, wengya ka, di ka pala nagwawattpad haha, pansinpansin din pag may time😂😊😩okay scroll kana😂😂
~~~~~~"Woooohhhh, say yesssss" hiyaw ng mga tao na nanonood dito sa gym sa nakaluhod na si Von na may hawak na bulaklak na nasa harapan ko.
"I repeat Yajin, can you be my girlfriend?" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina, habang ako naman ay hindi makapagsalita sa mga nangyayari dahil sa sobrang saya.
"Y-Yes!" Sigaw ko na may ngiti sa labi at lahat naman ng tao ay nagpalakpakan pati narin ang mga kasama niya then he hugged me tight
Well, Von Aldrich is my crush, he is a basketball player until now. At first wala akong pake sa kanya but one day I saw him in his jersey and there I didn't expect that I will fall for him. Ako 'yung nagfirst move pero ako parin ang niligawan at ako ang sumagot sa kaniya haha
At dahil gaga ako the time I saw him, I stalked him, tapos nang makita ko siyang online shempre gumawa ako ng paraan. I messaged him kunyare nawrong send then, until one day, he replied and I didn't expect it. Nag hi siya and shempre happy ako, then I tried to make banat banat and i'm shocked that he also have feelings for me, hindi kapani-paniwala, pero he courted me at ngayon kami na.
*fast forward*
Nandito kami sa park ni Von habang kumakain ng ice cream, hapon na kasi kaya mainit and we need to eat ice cream.
It's been 6 months since I said yes and I can't believe that I am with him and spending my time with him.
"Hey, pagkatapos natin dito, i'm going to walk you home, may pupuntahan pa ako eh" he said. Hey?
Nangunot naman 'yung noo ko sa sinabi niya. He always call me by my name or our endearment which is 'Babs' i'm a bit chubby kasi and I agreed na kahit tawagin niya ako ng ganun as long as I call him 'Baks' from the word 'bakes' an ilocano word which means unggoy. Pinakatitigan ko naman siya at napatingin siya sa akin"What?" May pagka iritang tanong niya ngunit agad naman akong napailing, weird ah
Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay tinupad niya naman iyong sinabi niyang ihahatid niya ako.
"Sige, I gotta go" sabi niya niya nang maihatid niya ako at tumalikod na pero agad ko siyang tinawag.
"Von!" Humarap naman siya na iritado ang mukha. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Ingat ka doon sa pupuntahan mo ha?" I smiled ng humiwalay na ako sa yakap, ngunit ng akmang hahalikan ko siya sa pisnge ay nagsalita siya
"I really need to go" sabi niya at tumakbo na dahilan kung bakit napabuntong hininga ako. What's with him again? Mood swings? Kaloka
Pumasok ako sa bahay at kinuha 'yung susi ng sasakyan ko para magjoy ride ako mag-isa para naman hindi na ako maparanoid sa mga inaasal ni Von, kakaiba na kasi ang kinikilos niya eh. Tutal wala pa naman 'yung nakababata kong kapatid dito sa bahay which is 6 years old, iikot lang muna ako.
Habang nagdadrive ay nakita ko 'yung bestfriend ko na si Vione kaya bumusina ako, agad naman siyang napatingin at nagsmile sa akin saka pumasok ng sasakyan ko ng huminto ako
"You're not with Von?" Takang tanong niya. Lagi kasi kaming magkasama ni Von kaya talagang nakakapagtaka kung bakit hindi ko siya kasama.
"Obviously" sabi ko at umiikot ikot lang kami at namasyal, sa sandaling iyon ay nakalimutan ko na 'yung nangyari kanina
Hinatid ko na si Vione sa kanila at umuwi na din ako, pagkapark ko ng sasakyan ko sa garage ay lumabas na ako at pumasok sa bahay
"Kain ka na ate" sabi ng nakababata kong kapatid ngunit tumango lang ako at tumaas muna sa aking kwarto. Kung nagtataka kayo kung bakit may pagkain agad, de lata lang naman 'yung binuksan niya.
BINABASA MO ANG
Good Morning Beautiful (COMPLETED)
Short StoryIt may be tragic, but love conquers it all❤️ Ikaw ang naghabol pero siya ang nanligaw Ikaw ay nagmahal ngunit ikaw pa 'yung sinaktan Ikaw ang nasaktan pero meron siyang dahilan Pero sa huli ikaw pa rin ang pinaglaban. A short story written by @jinsu...