The Middle

152 31 16
                                    

This chapter is dedicated to ms ColesGraphics, thanks for the book cover

THIRD PERSON's

Matapos makita ni Yajin na may kasama si Von na iba ay hindi niya nagawang puntahan ito o pagsabihan o kaya'y tinanong kung sino ang kasama niya. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na baka kakilala niya lang iyon dahil ayaw niyang magduda agad. Pero sa tuwing naiisip niya ang nangyari ay natatakot siya... Natatakot siya na sabihin ng lalaki ang totoo.. Na sasabihin niyang hindi siya kapakipakinabang... Na hindi siya kamahal mahal...

"Ate? Tulala ka na naman" tanong ng kaniyang nakababatang kapatid sa kaniya, marahil ay napapansin na rin nito ang mga nangyayari sa ate niya.

"Okay lang ako Yajie, okay lang ang ate" sabi niya sa kapatid at ngumiti para mapanatag ang loob ng kaniyang kapatid.

*sa kabilang banda*

"Mga tol? Hindi niyo ba napapansin? Mukhang ewan na si Von oh" sabi ni Glenn sa mga kaibigan habang nakatingin kay Von na sumasayaw sa dance floor na napapalibutan ng mga babae

"Oo nga eh tungkol ba ito sa deal natin?" Lahat naman sila ay napatingin sa sinabi ni Gallagher

"Oo ata tol, yun na nga ata, kailangan natin siyang makausap, para hindi maging malala ang topak neto" tumango naman sila sa sinabi ni Aldrin. Agad na tumayo si Gallagher at hinigit si Von sa dance floor at pinaupo sa kanilang pwesto

"Von umamin ka nga? Ano ba ang nangyayari sayo? Hindi mo man lang ba naisip si Yajin bago mo gawin ang mga 'yan?" panimula ni Gian

"Tss. Tol? Really? Coming from you? Haha, wala na akong pake sa babaeng iyon, tss pero infairness ganda rin ng boses nun, haha, pero mga tol pwede bang doon niyo muna ako iuwi mamaya?haha" mukhang timang na sabi ni Von sa mga kasama. Sila namang lahat ay napafaceplam sa sinabi ng kaibigan ngunit wala na silang magawa dahil parang ayaw nitong ungkatin ang tungkol dito.

Sinunod nga nila ang sinabi ni Von at doon na nila ulit inuwi si Von, lasing na ulit ito at susuray suray na kung maglakad.

Nagulat naman si Yajin ng makitang si Von at ang kaniyang mga kaibigan niya ang nandito.

"Anong ginagawa niyo dito, at ano na naman bang nangyari kay Von?" takang tanong ni Yajin sa mga kaibigan ni Von

"Sabi kasi ni Von dito namin siya dadalhin eh, wala na kaming magawa kasi 'yun ang gusto niya " sabi ni Glenn kay Yajin

Napabuntong hininga naman si Yajin at pinatuloy naman na sila para ihiga si Von sa dati niyang hinigaan noon nang dinala siya rito sa ganong sitwasyon.

"Sorry kung naabala ka na namin Yajin ha? Pasensya na, paki alagaan si Von ha? Hindi rin namin alam kung bakit biglaan siyang nagkaganito eh" Tumango naman si Yajin sa sinabi nila at nagpaalam na.

YAJIN
Bakit ba nandito ulit siya? Ni hindi niya kayang sagutin ang mga tawag at text ko, tapos darating siya dito na lasing ulit? Na hindi ko man lang alam kung anong dahilan? Tapos mamayang umaga, galit na naman siya? Kung tutuusin masakit na 'yung mga ginagawa niya eh, lagi na niya akong binabalewala, lagi siyang masungit saakin, at higit sa lahat masakit, nasasaktan ako dahil, ramdam ko na hindi na niya ako mahal. 'Yung makita mo bang may kasama siyang iba, alam kong alam niya nandoon ako noong araw na iyon dahil alam niya kung ano ang kotse ko ang estilo nito at ang plate number nito, kaya imposibleng hindi niya alam.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, sorry nasasaktan ako eh, inayos ko ang higa niya at ginawa ang dati kong ginagawa upang mapababa ang temperatura niya, at bukas na bukas alam kong maiirita ulit siya sa akin. Ngunit kailangan ko pa rin siyang alagaan dahil kailangan niya ito ngayon.

Good Morning Beautiful (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon