YAJIN
Sapat na lahat ng narinig ko sakanya upang magwalk out, masyadong masakit.6 months na pagpapanggap niya na akala ko mahal niya ako, na akala ko ginusto niya rin na makasama ako, na akala ko.... Akala ko ako na 'yung hinihintay niya ngunit akala ko lang pala... Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko ngayon, galit? Inis? Lungkot? Sa tingin ko nararamdaman ko na lahat ng iyon
Nandito ako sa kotse at hindi ko alam kung saan na ako pupunta, isa pa 'yung Yesha na iyon, urgghhhh
FLASHBACKS
Pagkatapos kong ihatid si Yajie ay umikot ikot muna ako sa mall na malapit sa school ni Yajie para masundo ko siya agad kung dismissal na niya. Ayaw kong iasa lahat kay yaya. Mayroon naman akong sasakyan kaya ako na ang maghahatid sa kaniya, siya na lang ang magbabantay sa bahay.
Nag-ikot ikot ako sa mga kids sections, upang maghanap ng pwedeng ibigay kay Yajie ng may napansin akong may sumusunod saakin at meron nga...babae.. Hindi ako maganda kaya babae ang sumusunod, joke, haha. Nang mapatingin ako sakanya ay lumapit siya sa kinaroroonan ko
"Hi, there" sabi niya saakin na may angas, nangunot naman ang noo ko
"Excuse me miss? Have we met before? Do i know you?" Takang tanong ko dito na kung makataas ng kilay akala mo maganda
"Well, i don't care if you don't know me, but, i know you" maarte niyang saad sakin, konti nalang masasampal ko na ito, akala mo kasi kung maganda, bastos namang umasta
"Ano ba talagang kailangan mo?" seryoso kong saad, ngumisi naman siya saka nagsalita
"Buti naman at tinanong mo" sabi niya saka pumunta sa may bench ng mall, ako naman ay napasunod sa kanya
"Well, you need to distance yourslef away from Von, i'm the one he needs not you" sabi niya sa akin na kinainis ko. Sino ba itong babaeng it- damn ito yung kasama ni Von na babae noong isang araw, tss
"At sino ka ba para sabihan ako ng ganyan? And prove to me that he needs you more than i? Bakit? Ano namang magugustuhan niya sa'yo eh hipon ka naman, buti naman sana kung mas maganda ka sa aken" sumbat ko sa inis na nararamdaman ko, maganda naman siya pero pangit ang ugali niya, kaya mas maganda parin ako ~flips hair~
"Exactly" sabi niya at pumitik na ikinatingin ko sa kaniya ng may pagkadisgusto.
"Sige tatanggapin ko 'yang panlalait mo pero ito ang totoo, you know why he needs me? It's because i can give him the THING na hindi mo kayang ibigay, kahit mas maganda ka kung sa akin niya mahahanap ang sarap, tumba ka!" Nanlalait na sabi niya sa mukha ko, woah, napatanga naman ako sa sinabi niya, the eff? Sex ba? 'Yun ba gusto niyang iparating?
Sa inis ko ay hinila ko siya at dinala sa sasakyan ko, kinuha ko naman 'yung phone ko at tinawagan 'yung kasambahay namin
"Hello yaya, pwede po bang pasundo si Yajie for me? Baka hindi ko po siya masundo kase, may aasikasuhin po ako" i said in my well-toned voice para hindi niya mahalata na galit ako. Habang itong katabi ko ay naririnig ko na napapa-tss
[o sige po ma'an] sabi ni yaya sa kabilang linya at pinatay na ang tawag
"Plastic ka rin ano?" Narinig kong sabi ng katabi ko
"Really? Baka ikaw, 'yang mukha mo" sabi ko at inapakan na ang accelerator
"What?! This is natural" anagal niya bigla, ngumisi naman ako
BINABASA MO ANG
Good Morning Beautiful (COMPLETED)
Short StoryIt may be tragic, but love conquers it all❤️ Ikaw ang naghabol pero siya ang nanligaw Ikaw ay nagmahal ngunit ikaw pa 'yung sinaktan Ikaw ang nasaktan pero meron siyang dahilan Pero sa huli ikaw pa rin ang pinaglaban. A short story written by @jinsu...