Untold Part

10 0 0
                                    

Hi. Good morning. Its me, Camille. Although you read my last farewell to Charles, it never was really meant to end with us bitterly.

Yes it was tragic, yet one of my most memorable days with them.

Should I repeat my last farewell? I dont think so.

Lets rewind it and hope I will include everything, alright?

Im just gonna suck in this tape I stored inside my mind. Its been years since I last watched it. I hope nothing fails.

Full of talks, huh. Lets wait to play it.

*opens memory*

Here we go, the untold farewell story.

____________________________________

Makalipas ang isang buwan ay tuluyan na kaming umalis sa tahanan nila Charles dahil nakakahiya na sa mga magulang niya. Tinanggap naman nila ang pasasalamat at desisyon ni dad.

Kasalukuyan kaming nakatira ngayon sa condo na hinuhulugan ni dad. Kumpara sa ibang condo units, malaki ang nakuha ni dad at nasa 33rd floor kami.

Hindi ko ginusto na lumayo kay Charles, pero bilin sakin ni dad na lumayo muna ako para makapagpagaling sa mga nangyari.

Ayoko sanang sundin, pero anong magagawa ko, sabi sakin ni dad yun at magagawa ko na lang ay ang sundin siya.

Ang hirap magsimula ulit. Hindi na nga kumpleto pamilya ko, lalayo pa ako sa kanila.

Napahiga na lang ako sa malalim na pag-iisip at di inalintana kung anong oras na ako makakagising.

Pagkagising ko sa umaga ay agad kong sinuot ang pangjogging kong attire, nagdala ng iPod at earphones at umalis na ako.

Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin ngayong umaga.

Gusto ko lang iparamdam sa sarili ko na magiging masaya ang bago kong simula

Habang binabaybay ko ang sidewalk ay nakikinig rin ako ng favorite kong music.

Hindi ko alam na nasa tapat na ako ng bahay namin dati. Ngayon ay may nakatira na dito at wala na akong pakialam doon.

Hindi, may pakialam pa ako doon. Pero pinipilit kong mawalan ng pakialam dahil magsisimula ako ng bagong buhay.

Hindi ko rin alam kung bakit ako napadpad dito.

Paalis na sana ako nang marinig ko ang isang boses na ayoko nang marinig pa.

Charles, please. Huwag ngayon. Gusto ko nang makapagsimula ulit, at tanggap ko na ang kapalaran natin. Hindi tayo.

"Camille!" Sigaw ni Charles habang hinahabol niya ako.

Pagkatigil niya sa harapan ko ay pawis na pawis siya at hingal na hingal.

"Namimiss mo ba ako?" Sa kabila ng hingal at pagod niya ay nagawa pa niyang ngumisi.

Namimiss kita, Charles. Miss na miss na kita.

Pero kailangan kong maging matatag.

Nagroll-eyes lang ako at tsaka nagjog pero hinawakan niya ang braso ko.

Charles, ano pa bang magagawa ko, nangyari na. At sa pagkakataong ito, ayoko nang maalala pa iyon.

"No, I'm not." Matigas kong sabi sa kanya at pumiglas ako sa pagkakahawak niya.

"And I'm sorry, hindi ko matatanggap yung panliligaw mo sakin." Sabi ko at tsaka tumalikod na.

Ang hirap sabihin sayo Charles nang may pagmamahal pa ako sayo, pero ito lang ang paraan para sumaya tayo parehas.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon