Prologue

2 0 0
                                    

9 years ago

"Aray!" sigaw ng lalaking nasa harapan ko ngayon. "Ang sakit non, Miemie" tukoy nya sakin.

Nakita ko na nman kasi yung buntot nya sa ulo nya kaya naisipan ko na namang pag-tripan.

"Bawi ko lang. Inaway mo din ako kanina eh" sabi ko nman saka tumawa.

Tawa lang ako ng tawa kay Renren ng bigla na namang sumulpot si Lorie.

Renren ang tawag ko sakanya at tawag nya nman sakin ay Miemie. Ewan bat naging mag kaibigan kami nito kahit di nman kami nagkakasundo palagi eh.

"Woi! Nag-aaway na nman kayo noh?" Biglang sulpot ni Lorie.

"Eh ito kasing si Miemie bigla nalang nyang pinag-tripan yung buhok ko" Sabi ni Renren kay Lorie sabay pa-cute.

Ew.

Crush nga pala nya si Lorie.

Natawa nalang si Lorie dahil sa pag-sumbong ni Renren sakanya kaya ako ay nakatingin lang sakanila. Ewan bat gusto kong awayin ngayon si Lorie.

~

Natatawa nalang ako habang inaalala ang mga alaalang hindi na pwedeng balikan. At ngayon ay nasa grade 10 na kami. Kay tagal-tagal na nun ngunit hindi parin makuha sa utak ko. Mananatiling isang magandang alaala na kailan man ay hindi ko malilimutan ng pangyayaring iyon dahil sakanya.

Nine years na din akong umaasa sakanya pero anong magagawa ko? Eh, nine years na din syang dumada-moves kay Lorie eh.

Well, last two years pa pala sya nagsimulang manligaw kay Lorie.

Ang sakit lang naman kasing isipin na ikaw yung pinangakuan pero iba yung minahal----Charot!

Nangako kasi kami noong mga bata palang kami na walang iwanan pero ngayon mas lalo kaming hindi nagkakasundo. Lalapit lang sya pag may kailangan tapos mang-aaway pa, pero pag anjan na yung Lorie nya? Aba! Dun na nman ang ulol na Rhenzo.

Ano pabang laban ko? Eh mas maganda yung Lorie eh. Bat kasi cute lang ako? Joke! May ganda din akong taglay noh! Di kaso makikita sa labas. Di tulad ni Lorie na malinis lng sa labas pero sa loob pala'y isang kadiliman.

Oh my god! Sarap nila kutusan pareho!

"Teh? Tapos na pag-iimagine mo?" Biglang sulpot ni Tricia sa harap ko.

Isa sya sa pinaka-close ko rito sa school. Bukod kay Rhenzo ay naging magkaibigan din kami netong si Tricia noong first year. At dahil sa kadaldalan neto ay naiimpluwensyahan ako. Isa pa't sya ang palagi kong kasama.

"Tumahimik ka jan. Palagi ka nalang naninira ng araw ko." Reklamo ko saka tinalikuran sya pero ayaw patalo ang ulol kaya sinundan ako.

"Aba't tinatalikuran mo na ako ngayon Mynch Kaleah Sebastian?" Sabi nya ng hinarap nya ako sakanya.

Tinaasan ko sya ng isang kilay at inirapan. "Wala akong ganang sabayan ang trip mo ngayon kaya tumahimik ka nalang muna kahit isang araw lang" bored na sagot ko saka tatalikuran na nman sana sya ng magsalita ulit ito.

"Meron ka n---" At dahil sa lakas ng bibig nya napalapit ako sakanya saka tinakpan ang mga bibig nya.

"Kahit ngayong araw lang please. Tumahimik ka muna" bulong ko rito.

Kinuha ko na ang kamay ko sa bibig nya kaya napatawa sya.

"Meron ka?" Bukang bibig nya.

Umiling lang ako saka sinabing, "Rhenzo".

Kilala nya si Rhenzo. Naging crush nya din noon pero mas lalo nyang nakilala saakin si Rhenzo kaya ayun. Turn off ang ulol.

"Sya na nman? Ang rupok mo tehh! Kunting galawan lang ni Rhenzo nagmamarupok ka na. Teh! Move on! May Lorie na oh?" Pangangaral na naman sakin ni Tricia.

Palagi nya nalang ako pinangangaralan pag si Rhenzo ang bukang bibig ko. Ewan bat ang bilis nya ma turn off eh. Basta ako Rhenzo parin---ay no! Move on Mynch!

"Hiya naman ako sayo! Nagkagusto ka rin naman sakanya noon ah?"

"Noon yun teh! Panira ka lang talaga kaya na turn off ako. Yun pala ikaw rin may gusto" sabi nya sabay irap.

Napa-irap din ako saka kinuha ang kamay nya at kinaladkad.

"Tara nalang sa canteen. Wala naman si Sir eh" yaya ko.

"Libre mo?" Lagi nyang linya pag nag aaya ako pumunta ng canteen.

Kahit ganito ang ugali namin ay nakapasok padin kami sa Special Science o ang tinatawag na nilang STE, short for Special Technology and Engineering, which is Science at Math ang mahirap na subject. May research pa at thesis dahil nasa grade ten na kami. Kaklase din namin si Lorie at Rhenzo.

Always Remember YouWhere stories live. Discover now