Chapter 1

2 0 0
                                    

1. Sister's period

Nakarating na kaming cafeteria at sa di inaasahan ay nakasalubong pa namin ang dalawa.

Ti-nry ko umiwas pero bat paba nya ako tinawag?

"Mie!" Tawag sakin ng ulol na Rhenzo.

Kunyare di ko narinig pero nagulat ako ng may biglang humawak sa likod ko at mabilis na pinaharap ako sakanya.

"Isama nyo muna si Lorie. May practice na naman kasi kami sa Visual room"

Oo nga pala, isang artist si Rhenzo at gusto nya maging Engineer tulad ng dad nya. Ang mommy nya naman ay isa Architect. Kaya sana all nalang!

Yung dad ko at ang dad nya ay partner in crime, choss! What I mean is BFSB-best friends since birth!?

Yung mommy ko naman ay isa rin sa namumuno ng kompanya pero di sya masyadong nandoon sa kompanya kasi ayaw ni dad. Kaya palagi kaming may kasama sa bahay ngayon ni Myles, kapatid ko. Nasa ikawalong baitang na sya.

"Ahh" mag-iisip pa sana ako pero para kay Rhenzo, kaya sige nalang. "Sige ba" sagot ko at bigla namang siniko ni Tricia yung kamay ko pero di ko ito pinansin.

"Thank you" sabi nya sabay tingin kay Lorie. "Sakanila ka nalang muna sumama ngayon, susunduin nalang kita sa uwian" sabi ni Rhenzo sakanya saka nagsimula ng maglakad palayo.

Kala ko may kissing scene pa na magaganap eh. Choss!

Humarap na saamin si Lorie. "Tara kain muna tayo, libre ko" sabi nya.

"Ahh.. Wag na. May pera din nman ako"

Pilosopa na ba ako non?

"Ililibre din ako ni Mynch eh" sabi din ni Tricia saka agad akong kinaladkad papunta doon sa counter.

"Grabe ka sis. Dapat sana dineny mo.." Bulong nito sakin.

Ewan ko sa babaeng to. Parang nandidiri kay Lorie eh! Hate ko rin nman yun eh. Pero di ako ganon. Kaya kong itago yung naratamdaman kong galit pagdating sa mga taong ayaw ko.

"Hayaan mo na. Minsan lang to. Saka..."

"Ay! Marupok ka nga pala teh. Hay nako! Ewan ko sayo. Ilibre mo nalang ako ng spaghetti saka sandwich"

Sus! Yung babaengtalaga to. Hayst!

Kaya ayun nga, tulad ng sabi nya ay nilibre ko sya ng spag at sandwich. Bumili din ako ng spag saka nag soft drinks nalang. Minsan lang kasi ako makainom neto.

Minsan ay iniisip ko nalang pano pag di ako nakapasa dito. Edi home schooling ang labas ko. Di ko sya makikita palagi. Makikita ko lang sya if may mga party about business sina dad.

Hay nako! Buti nalang biniyayaan ako ng talino. Charott!

Kaya ayun nga, bumalik na kaming room at wala parin ang teacher. Kaya cellphone doon cellphone dito. Chismis doon, chismis dito ang peg namin.

Nasa gitna ako nina Lorie saka Tricia. Pareho silang busy sa cellphone at ako ay nag d-day dream na naman dito. Hays...

Di ko alam bakit di sya mawala sa isipan ko. Palagi nalang sya. Nagiging marupok ako palagi dahil dakanya. Kunting galaw, pa cute o awa nya lang nagiging marupok ako.

Bat ba, Rhenzo!? Pwedeng kahit ngayon mawala ka na sa isip ko?

"Ay Rhenzo!"

Agad akong napatakip sa bunganga ko dahil sa nasambit ko. Humarap ako kay Tricia na ngayon ay nakataas na nman ang isang kilay saka umiling-iling.

Pahamak talaga tong babaeng to. Hayst!

"Bat ba!?" Inis na sambit ko kay Tricia.

Mabuti nalang at tulog na si Lorie saka may headphones sya sa tenga nya kaya siguro di jya narinig.

"Sya na naman? Alam mo sis? Katabi mo lang yung babaeng gusto nya oh" sabi nya sabay tingin kay Lorie na sinundan ko nman sa kaliwa ko.

"Eh bat ka ba kasi nanggugulat?" Inis na sbi ko sakanya.

Napailing nalang sya at ibinalik ang tingin sa cellphone nya.

"Pano ka ba kasi nagkagusto sa lalaking yun? " tanong nya.

"Pano ka rin ba nagkagusto noon sakanya?" Tanong ko pabalik.

"If mukha lang ang habol mo sakanya, mag let go ka nalang at humanap ng mas gwapo pa sakanya. Andaming lalaki oh. Ilan na ba ni-reject mo?"

"Ewan ko sayo. Di naman kasi mukha yung habol ko eh--"

"Edi kung ganon... Yung ugali? Anong maganda sa ugali ng ulol na yun? Eh nakakainis lang yung lalaking yun eh. Nakakapangkulo ng dugo." Inis na sabi nya.

"Kung sya ang pag-aawayan natin ngayon. Tumahimik nalang muna tayo at baka magising natin si Lorie" sabi ko nalang sabay kuha nung sketch pad ko at mag drawing ng kung anong papasok sa ulo ko.

Passion ko din ang pag drawing at photography. Isa pa at ang pag painting sa mga sculpture o landscapes. Pero ayaw ko maging architect. Kaso yun pala yung gusto ng parents ko.

Ako daw kasi ang magmamana nong kompanya e pwede naman yung kapatid ko ah? Mas matalino panga yun sakin.

"Excuse me" salita ng pamilyar na boses. "Andito ba si Ate?" Tanong nya pa kaya napatingin ako sa pinto at agad naman sumalubong ang mga mata namin.

Tumayo na ako at lumapit sa kapatid ko na mukhang may kailangan na naman saakin ngayon.

"Ate" sabay hablot nya sa kamay ko at lumayo sa classroom namin.

"Need something? Are you okay?" Tanging natanong ko nalang.

Mukha kasing hindi sya okay.

Inilapit nya ang mukha sa tenga ko at bumulong, "Ate, may period na ako" sambit nya na ikinagulat ko kaya napalayo ako sakanya.

"Hala! Dalaga ka na sis!" Masayang sambit ko.

"Ate!? I'm serious. I need some padssss!" inis na sabi neto.

Napansin ko nga ang jacket na nakasabit sa bewang nya at mukhang panlalaki eto. Pamilyar... Hmm...

"Myles!" Sambit na nman ng pamilyar na boses.

"Oh! I forgot. Si kuya Rhenzo pala bumili na" parang nahihiyang sambit ng kapatid ko

So kay Rhenzo yung jacket? Langyaaa!

Wait! Passion pala ng kapatid ko ang painting. Kaya malamang magkasama sila sa visual room.

Bat nagseselos ako? Grabe naman!

"Sorry ate. Na disturbo pa kita"

Agad naningkit ang mga mata ko dahil malamang plano talaga to ng kapatid ko para paselosin ako.

Nice sister! Pagpatuloy mong ulol ka!

"Okay lang. Mauna na ako. Di ko pa kasi tapos yung drawing ko" sabi ko sabay ngiti at talikod na sa kanilang dalawa dahil baka di ko na mapigilanyung inis at masapak ko pa yung kapatid ko.

Always Remember YouWhere stories live. Discover now