Chapter 2

2 0 0
                                    

2. Keep secret

Kainis ah! Panira ng araw yung mga taong nakapalibot saakin ngayon.

Pero di pa ako nakakalayo ng magsalita ang kapatid ko.

"Pina-passion mo na pala ang pag drawing ngayon? Bago yan Ate. Pagpatuloy mo" sabi ng kapatid ko na mukhang hinahamon talaga ako kaya napaharap ulit ako sakanya at doon nagtama ang tingin namin ni Rhenzo.

Pero bakit ba kahit panira yung mga tao ngayon, makita ko lang ang mga mata ni Rhenzo, nagbabago yung mood ko?

Ahhh! Ang rupok mo self!

"Marunong ka rin palang mag-drawing, Mie?"

Ay! Tinatawag nya parin ako sa nickname ko noon. Nakakatunaw ng puso! Ang init na ngayon ng pisnge ko!

"Ahh.. Yeah--"

"Marami na ring nai-pinta si Ate. Marunong din sya mag painting"

Good job sis!

"Bakit di ka sumasali sa mga drawing contest? Try mo kaya sumali sa contest ngayon? Mukhang magaling ka nman eh" sambit na nman nya kaya di ko na alam kung ano yung kulay ng mukha ko ngayon.

Aysh! Stop that Rhenzo! Marupok ako kaya wag ka nga!

"N-no, h-hindi na kailangan. Nanjan n-naman na yung kapatid ko eh. Kaya nyu na yan"

Aysh! Nauutal na ako!

"S-siguro next time nalang" nahihiya pang smbit ko kaya natawa sya.

Ackkk! Ang kyut nya tumawa!

"Okay. Sige mauna na kami" paalam nya sabay ngiti at wave ng kamay nya.

Nang umalis na sila ay doon na ako nag simulang mag diwang---syempre joke lng.

Parang tanga akong nakangiti habang pabalik sa room namin.

Ghad! Lakas talaga ng tama nya sakin. Pano yun?

Pero nakita ko lang ang mukha ng babaeng gusto nya, parang agad nawalan ako ng ganang ngumiti. Bat kasi nagustuhan nya pa si Lorie? Mas maganda nman ako kay Lorie ah? Di lang kapansin-pansin kasi di nman ako nagpapa-pansin.

Mahirap na at ang judgemental pa naman ang mga tao ngayon.

Pinapalibutan si Lorie ng ibang kaklase naming babae at mukhang pinapagandahan sya. Binalewala ko nalang iyon at lumapit nalang sa pwesto namin kanina ni Tricia na ngayon ay naka earphones na habang nag c-calligraphy. Mahilig talaga doon si Tricia.

Sinilip ko kung ano ang kina-calligraphy nya at nakita ko ang pangalan ni Zedrick Val Ezperagoza . Hmm... Yan pala ang crush nya ah. Meron yang kambal, si Zydrick Van. Musikero ang dalawang kambal na iyan. Mahilig din kasi sa music tong si Tricia. Di lang masyadong halata.

Kinalabit ko sya at agad nya namang tinakpan ang papel nya saka kinuha ang earphones nya.

"K-kanina ka pa?" Gulat nitong tanong.

Tumango tango lang ako habang pinipigilan ang ngiti.

"Hmm... Si V---" agad nyang tinakpan ang bunganga ko kaya napatawa nalang ako kahit may takip na ang bibig ko.

"Shhh... Baka marinig ka ni Lorie" bulong neto.

Hindi namin kaklase ang dalawang kambal na yun. Nasa kabilang section sila ng STE class dahil maraming nag enroll sa section na ito noon. Matalino ang kambal na iyon at mukhang mga playboy. Ihhh.

Kinuha nya na ng kamay nya sa bunganga ko.

"Anong pake ni Lorie sa kambal?" Tanong ko nalang.

Mukhang may alam si Tricia na hindi ko alam.

"Wala. Bsta wag lang bibitaw kay Rhenzo kung saka-sakaling..."

"Ano?"

"Wala, sige na... Kalimutan mo nlang yun. Bsta wag mong pakawalan si Rhenzo ah" nakangiting sambit.

Parang kanina lang ayaw nya kay Rhenzo ah? Ngayon naman ayaw nyang kalimutan ko si Rhenzo. Anong nangyayare kay Tricia?

Tricia's POV~

~flashback~

Umalis si Mynch sa tabi ko at nakita ko syang papunta sa kapatid nya. Umalis sila ng kapatid nya at nagising naman si Lorie. Bumangon ito bigla at lumapit sa mga babaeng palagi nyang kasama pag wala si Rhenzo.

"Ano ng balita sa inyo ni Rhenzo, Lorie?" Tanong ng isang naming kaklaseng babae kay Lorie.

"Kelan mo ititigil ang laro?" Tanong nman ng isa.

Kunyare ay may ginagawa lang ako rito at di ko napapansin ang chismis nila.

"Hindi ko alam. 2 years na syang nanliligaw, at siguro tama na ang lahat ng iyon. Wala paring nagbabago. Zydrick parin"

So means pinaglalaruan nya lang si Rhenzo?

Oh noes! Kailangan malaman ito ni Mynch-- ay hindi. Ay! Basta!

"Ang tagal nyo ng wala ni Zydrick." Sabi ng isa.

So naging sila pala ni Zydrick noon?

"Pinaglaruan ka lng nya. Bat sya padin?" Tanong nman ulit nong isa.

"First love never dies" maikling sambit ni Lorie.

Hanggang ngayon pala maitim parin ang dugo nya. Pano sya nakakaya ni Rhenzo?

Bigla nalang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Zedeick- kambal ni Zydrick. Inaamin ko may gusto ako kay Zedrick dahil sa musikero sya. Ang gamda ng boses nya.

"Tumahimik na kayo, pabalik na si Mynch"

So alam nilang gusto ni Mynch si Rhenzo?

First love never dies pala huh? LOL

Tumahimik na sila at ako naman ay nag c-calligraphy lang dito. Sinuot ko ang isa ko pang earphones at nakinig nalang sa tinig ni Zedrick.

Nagulat ako ng biglang may kumalabit saakin kaya tinakpan ko ang papel na may sulat ng pangalan ni Zedrick. Kinuha ko ang earphones na nasa tenga ko at tumingin kay Mynch na parang matatawa.

~end~

Hindi ko muna sasabihin ang lahat kay Mynch dahil sure ako na a-atakihin neto si Lorie pag nalaman ang mga narinig ko kanina.

Mas mabuting naka tago muna iyon dahil baka lalong lumaki ang problema netong si Mynch kung paano nya maagaw si Rhenzo kay Lorie. Pero dahil sa ugali ni Lorie na nalaman ko ngayon, mukhang mapapadali nalang si Mynch.

Goodluck...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always Remember YouWhere stories live. Discover now