O2: BESTFRIEND IN CRIME

12 6 1
                                    

 
KAT's POV

⊱✿⊰

Mabilis ang patakbo ng kotseng dala ni Zion, ang pinuno ng Dark Ruffian.

"T-teka saan ba tayo pupunta?" natatarantang tanong ko sa kanya.

Focus pa'rin s'ya sa pag mamaneho habang lumilinga-linga sa side mirror ng kotse. "Saan pa ba, ede sa bahay ko." Nakangisi nyang sabi sa'kin.

"What?! P-pwede bang iuwi mo na lang ako? Saka paano si Bryle dun?! Pwede naman tayong tumawag ng pulis na lang diba?!" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Cops can't help. Cops can't intrude. This is our fight not theirs." Parang wala lang n'yang sabi.

"Teka nga, sino ba kasi 'yung mga sumugod sa inyo? Ano ba sila? Ano ba talaga kayo?!" Muli kong tanong sa kanya.

"'Wag ka na ngang maraming tanong. Just shut up, I'm trying to focus on driving."

"No. Hindi ako tatahimik hangga't hindi mo sinasabi sa'kin kung ano ang nangyayar--"

"Kung hindi ka titigil hahalikan kita." Seryoso nyang sabi. Kaya nanahimik na lang ako. Hello? I don't want to be kissed by stranger.

Wala pang isang oras ay nakarating na nga kami sa bahay n'ya, sa sobrang bilis ba naman nyang mag patakbo ng sasakyan, and nope it's not just a house, it looks like a mansion sa sobrang laki.

Pag kababa n'ya ng kotse ay mabilis syang umikot sa tapat ng pinto kung nasaan ako at ipinagbuksan n'ya ito. I didn't expect na gentleman s'ya.

He lead me to his mansion, sa front door pa lang ay sumalubong na ang mga maid n'ya at butlers na nakahanay at naka bow.

Wow! Wow talaga. Sa movie ko lang nakikita ang ganito! Inilibot ko ang panangin ko, nakakalula sa sobrang ganda ng bahay, kung maganda sa labas mas double ang ganda ng loob.

"Amelia, pakidala s'ya sa isa sa mga kwarto sa itaas, paliguan at bihisan nyo s'ya ng maayos." Utos ni Zion sa isa sa maid n'ya. At humarap s'ya sa'kin.
"After mong makapag ayos ng sarili bumaba ka ulit at kakain tayo, okay?"
Sabi n'ya sa'kin at tinalikuran na ako.

"Teka, P-pano nga si Bryle?" Pahabol kong sabi sa kanya bago pa s'ya makaalis.

"We'll talk about it later, go on. Follow Amelia." Pag katapos nun ay tuluyan na syang lumiko sa isang pasilyo at nawala sa paningin ko.

"Sumunod po kayo sa'kin miss" nakangiting sabi sa'kin ni hmm Amelia?.
Umakyat s'ya sa magandang hagdanan pataas kaya sumunod ako. Dinala n'ya ako sa isa sa mga kwarto sa itaas.

Kwarto lang ba talaga ito? Eh baka buong bahay na namin ito eh. Ang laki ba. Pinaderetso na ako ni Amelia sa loob ng comfort room, kaya naman naligo na lang rin agad ako. Pag kalabas ko, syempre naka bathrobe po ako, may nakahanda na sa ibabaw ng kama ang damit na isusuot ko. Isa itong bestida na kulay pink. Naroon na rin ang mga bagong undies at bra ko.

Pag katapos kong mag bihis ay may kumatok at pumasok muli si Amelia.

"Ready na po ba kayo? Nag hihintay na po sa dinning area si seniorito Zion." Tumango na lang ako at muling sumunod sa kanya.

Pagkarating namin sa dinning area ay nakaupo na at nakangiti sa'kin si Zion. Weird.

"You look good, have a seat." Wika nya. Ngumiti lang ako. Ang daming pagkain, parang may fiesta lang.

"Let's eat." Habang kumain kami ay tumitingin tingin pa sya sa'kin. Ang baboy ko bang kumain sa paningin nya? Naiilang tuloy ako. Bahala s'ya basta masarap ang pagkain.

BESTFRIEND IN CRIME (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon