KAT's POV⊱✿⊰
" *KAT, BRYLE! Leave your place now, Get your asses out there. I repeat get your asses out there now! May mga paparating ng pulis!*" nag katinginan kami ni Bryle dahil sa pareho naming narinig sa earpiece namin.
Agad kaming lumabas dalawa sa pinto. Tangina paparating na nga. Bakit hindi late ngayon ang mga pulis tulad sa tv?!?!
"Get in the car Kat." Sumunod ako sa sinabi ni Bryle. Mabilis n'yang pinatakbo ang sasakyan.
Hindi pa nakakalayo ay nakarinig na kami ng putukan ng baril. At may sumusunod na saming patrol car.
"B-bryle sinusundan na tayo!"
"I know! Just shut up for now ok?"
Omylord sorry po sa ginawa naming masama huhu ayaw ko pa po mamatay lord sorry po talaga.Sinusundan pa'rin kami ng patrol car at hindi lang isa ang sumusunod sa'min, tatlo na!
Nag paputok ng baril ang mga pulis kaya napatungo na lang ako para 'di matamaan.
"Kunin mo 'yung isang baril sa likod ng upuan, mag ingat ka" utos sa'kin ni bryle. Ahh tama! May baril kami kaya dapat gamitin! Tama!
Kaso paano kung may matamaan akong pulis? Huhu sorry po ulit.
Kaya agad kong kinuha ang baril ng nakayuko pa'rin. Kinasa ko ito at pinaputok sa patrol car na medyo malapit na samin."Shoot the wheel!" natataranta ako. "Ang hirap kaya! Pag ako natamaan babarilin din kita! Mag focus ka na nga lang sa pag dadrive mo! At bilisan mo para 'di tayo maabutan!" Muli kong binaril ang gulong ng kotse. Bull's eye! Tumilaob ang isa! Dalawa pa bweset!
"Merong sasalubong na patrol car sa harap na'tin. Barilin mo agad pag kaliko ko." Utos ni Bryle. Pag tingin ko fuck. May dalawa pang patrol cars. So ano napatumba ko ang isa pero dalawa naman ang dumagdag?!
Muli kaming pinaulanan ng bala. Kaya pinag babaril ko rin sila. Buti handa kami at maraming bala.
Naligaw ni Bryle ang mga pulis na sumusunod samin. Ang kaso nga lang mukhang napalayo na kami!
"Nasan na tayo bryle?" Tanong ko.
"I-i don't know. Mukhang province na ito."
"Nasan ang phone mo?" Tanong ko sa kanya.
"N-nandyan sa d-dashboard. C-call Zion" sabi nya sa'kin. Kaya agad kong hinanap ang cellphone n'ya. Pero wasak wasak na ito. Tulad ng kotse namin na basag basag na ang salamin.
"Wala ka bang ibang phone?" Tanong ko, tinignan ko s'ya at mukhang maputla s'ya. "B-bryle, you okay?"
Tumango lang s'ya. "Siguro huminto na tayo rito. At lakarin na lang na'tin, hindi na na'tin pwede ipasok ang sasakyan na ito kasi baka mag duda na ang mga tao. Ikaw ok ka lang? Wala kang tama?" Umiling lang ako, at tinanggal ko na ang seatbelt ko, ganun din ang ginawa ni Bryle.
May galos s'ya sa mukha. Pag kababa namin ay agad kaming nag lakad. Nahuhuling mag lakad si Bryle kaya napalingon ako sa kanya. At ngayon ko lang napansin na may dugo ang damit n'ya.
Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "B-bryle, m-may tama ka." Napaluha na naman ako.
"Shh I'm okay. Let's continue walking and ask for some help."
***
Kumatok kami sa unang bahay na nahintuan namin. "Ah tao po?" Pinag buksan naman kami nito."Ano po 'yun?" Tanong ng isang medyo kaedad lang namin na babae.
"Ah ate pwede po ba kami makituloy? Naaksidente po kasi kami hindi kalayuan dito kaya duguan itong kasama ko." Sabi ko na lang.
May lumabas din na isa pang babae pero mas may edad na ito. "Ano iyon eneng?" Tanong nito, "Naaksedente daw po 'Nay"
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND IN CRIME (COMPLETED)
Short StoryHow strong your friendship could be? Was this too strong to save your lives in danger? BESTFRIEND IN CRIME (SHORT STORY) COMPLETED