03: BESTFRIEND IN CRIME

16 6 1
                                    


BRYLE's POV

⊱✿⊰

Two weeks na ang nakakalipas mula ng mangyari ang engkwentro namin at sa gang ni Thesus.

Nag fo-focus kami ngayon sa plano naming, pagnanakaw. And as for Kat, ayun mukha pa nga syang nag eenjoy sa ginagawa n'ya. Just like what boss Zion said, she was trained to do some basic martial arts and how to handle and use a gun.

In just two weeks, nakakaya naman nya. Pero may parte sa'kin na nag wo-worry pa'rin sa kanya, she's still my bestfriend and like a sister to me.

Ewan ko ba kung bakit trip ni boss Zion na isama si Kat sa kagaguhang gagawin namin.

Iba rin itong si boss Zion, ganung klase ba s'ya mag pa-impress kay Kat? Kung' di ko lang kilala si boss 'di ko naman ipapahamak 'yan si Kat.

Hindi naman sa binubugaw ko si Kat kay Zion pero parang ganun na nga haha. Wala 'rin naman kasing ibang kaibigan si Kat, at paano na lang s'ya kung sakaling mawala na ako. Mas maigi ng nasa pangangalaga s'ya ni Zion, alam kong magiging ligtas s'ya.

"Galing na'tin ah?" Sabi ko sa kanya ng lumapit s'ya kung nasaan ako. Kakatapos lang n'ya mag firing.

"Syempre, nakakaenjoy pala 'yun?" Nakangiti nyang sabi at umupo s'ya sa tabi ko.

"Mukha ngang enjoy na enjoy ka. Mas magaling ka na nga saking bumaril."
Inakbayan ko s'ya.

" 'Di naman, parang naka bull's eye lang naman ako." Biro n'ya pa.

"Sus. Gutom ka na?" Tanong ko.

"Medyo. Teka nasan si Zion?" Tanong nya habang pinupunasan ang pawis n'ya sa noo n'ya. Ngumisi ako.

"Mukhang palagay na ang loob mo kay Zion ah?" Tinignan ko s'ya ng nakakaloko. "May gusto ka na ba sa kanya?" Tinaas baba ko pa ang kilay ko habang nakangisi pa'rin.

Bigla syang namula. "S-sinasabi mo, katakot kaya yung hinayupak na 'yun. Saka mas loves kita yiee" Nawala ang ngisi sa mukha ko at napasimangot ako.

Alam ko namang hindi s'ya seryoso 'dun. Platonic talaga kami. Kaibigan at kapatid lang talaga ang turing namin sa isa't isa.

"Kay boss ka na lang. Gwapo naman daw 'sya diba? Hahaha saka alam kong 'sya ang tipo mo. Hmm?" Kinurot ko ang pisnge n'ya kaya lalo syang namula.

"Tara na nga! Gutom na ako psh!" Nauna na syang tumayo at nag lakad palabas ng Gym, na nandito rin mismo sa loob ng mansion ni Zion.

***
Pag katapos naming kumain pinatawag na kami ni boss sa office n'ya. Andun halos kalahati ng gang. Yung iba ewan ko kung nasaang empyerno sila.

Sa Gang kasi namin lima lang kaming close. Ako, si boss Zion, si Red, si Kyle at Nikko. Hindi ko nga alam paano kami nag kasama-sama.

"Ang plano, mahahati tayo sa tatlong grupo. Ako ang mamumuno sa unang grupo, Si Kyle sa mga gagamitin at pag hack ng mga CCTVs at systems. At si Nikko sa pangatlong grupo" Sabi ni boss Zion.

Nasa sampo ang member na nandito, maliban pa saming anim.

"Kaming apat ang papasok. Ako, si Bryle, si Red at si Kat." Muling sabi ni boss.

"Kami sa look out at mag babantay sa labas. Kit, Jap, karlos, at rodel. Kami na'rin ang bahala sa sasakyan para makalabas." Wika naman ni Nikko.

"Kung sakaling mag kaaberya, walang mag papahuli. Or else just kill yourselves. Got it?!"

"Yes boss" we said ni chorus. Nauna ng lumabas ang ibang member para makapaghanda, bukas ng hapon namin sisimulan ang kagaguhan namin.

"Kat, are you ready?" Tanong pa ni boss kay Kat, tinignan ko lang si Kat at tumayo na rin ako.

"Yeah." Pag kasabi nya nun sabay na kaming lumabas ng office ni boss.

***

Nasa labas na kami ng Banko na syang punterya namin. Sa totoo lang maliit lang na uri ito ng banko. Hindi pa ganung ka secured. Mukha namang kayang kaya na naming anim lang ito.

Pero ayun kay boss, mukha lang daw hindi secured kapag nasa labas, pero sa loob maraming guard dun at cctv. Tsk.

"Be in position. Everyone get ready." Kanya kanya kami ng baba ng sasakyan. Apat lang kaming papasok sa loob at mag kukunwaring mag dedeposit ng pera.

Mag asawa at bagong kasal dito si Kat at si Boss Zion. Ako naman at si Red ay mukhang normal na negosyante lang na gustong mag deposit ng pera.

Nauna ng pumasok si Red. Kaunting minuto ay sumunod ako. At huling pumasok ay sila Kat at Zion.

Kanya kanya kami ng pwesto. 'Yung ibang member namin kanina pa nakapasok. Namumukhaan ko ang iba sa kanila, kanya kanya ng mga ginagawa.

Mayroong dalawang guard kanina sa pinto papasok. At may apat na guard dito sa loob. Anim lang? Akala ko ba marami.

Hindi karamihan ang mga tao rito, siguro kung wala kaming manghoholdap baka wala pa sa sampu itong mga mag dedeposit at mag wiwithdraw pati empleyado. Okay lang, atleast kunti lang ang madadamay.

Hinihintay lang namin ang hudyat ni boss. Naka pwesto na ang iba naming kasama malapit sa apat na guard na nandito sa loob. 'Yung dalawa sa labas sila Nikko na ang bahala 'roon.

Lumapit si Red sa Manager, kunwari ay mag tatanong. Nakasalamin si Red kaya di s'ya gaanong mamumukhaan.

At on cue, agad kong binuksan ang dala kong attache case, nilabas ko ang face mask pagkatapos ay sinuot ko ito at kinuha ang baril. Ganun din ang ginawa nila Zion at Kat.

Nakabantay ang apat naming kasama sa apat na guard. Agad nilang tinutukan ito ng mga baril at kinuha nila ang baril ng mga guard.

"Everyone get down, at walang gagalaw." Bigkas ni Boss habang nakatutok ang baril.

"Ikaw ang manager hindi ba? Buksan mo ang safety box bilis!" Utos ni Red sa manager at agad naman itong tumayo na parang takot.

Lumapit naman ako isa isa sa mga taong nakayuko, at kinuha ko ang bag na dala nila. Ganun din ang ginawa ni Kat. At pareho namin silang nilagyan ng saklob sa ulo at tinali ang mga kamay.

"Don't you dare make a noise. Or I'll blow all your heads to death." Pag kasabi ni boss nun ay sumunod s'ya kay Red habang kami ni kat ay nakabantay dito.

***

ZION's POV

This is fucking fun. Sumunod ako kay Red kung nasaan ang Safety box. Pinatulog na ni Red yung manager kaya agad naming nilagay sa bag ang lahat ng pera na nandito.

Nang matapos naming mailagay sa mga bag ang mga pera ay lumabas mula sa butas sa ilalim ng sahig or like a man whole, Si Nikko at dalawa pa naming kasama.

We made a hole at tunnel ang ibaba nito. Just like what you watched on movies. Dumeretso na kami sa kotse at isinakay ang mga bag sa mag kakahiwalay na kotse.

Mahirap na kapag nahuli. Mabuti na itong hiwahiwalay. Wise right?

Nasa loob pa sila Kat at Bryle, babalikan na sana namin sila ng may narinig kaming tunog ng serena.

Pulis! Fuck!

"Alert Bryle and Kat, Red. Sabihin mong umalis na sila." Sumakay na ako sa kotse ko at agad umalis. kaya na nila ang sarili nila.
Ang mahalaga hindi ako mahuli.


END OF PART 3 -

BESTFRIEND IN CRIME (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon