Chapter 4 [TLC]

721 30 8
                                    

============================

Lahat kami ay nasa dining room. May meeting daw kasi sabi ni kuya. AY oo nga pala. Napakilala ko na ba ang aking sarili? Ako si Abby Santos. Simpleng babae lang at malusog. Lima kaming magkakapatid, mayroong isang tatay at isang nanay. 

Ipapakilala ko ba sila lahat sila sa inyo?

Ang pinakamatanda sa Kuya Andrew, Isang 3rd year college na nag-aaral sa kanto college. Sumunod naman si Ate Amy at Ate Andy. Kambal sila, 1st year college at nagaaral sa kanto college. Sumunod naman ako. Si Abby Santos  , 4th year highschool at nagaaral sa Saranghae High School. Tapos sumunod naman ang 14 year old kong kapatid na si Arvin. 2nd year college na dahil sa sobrang laki ng utak. Sa Saranghae Highschool rin siya nagaaral. At ang panghuli ay si Baby Aya. 1 year old pa lang. Ayan ang malaking pamilya namin. 5 children down. More to go!

"EH MA NAMAN! PAANO KUNG MAGNANAKAW YAN? RAPIST? PEDO? SERIAL KILLER O BREAKFAST KILLER?" sigaw ni kuya Andrew

"Isang gwapong killer" rinig kong bulong ni ate Amy

"ANONG SABI MO AMY?"

Lahat napatingin kay ate (,~~)

"Sabi ko, mukha naman siyang mabait. I mean, tingnan niyo nga siya oh!" lahat ng mga mata namin at lumipat kay Evan na naghuhugas ng pwet ni baby Aya. "He looks innocent and why don't we give him a chance? Total kaylangan naman talaga natin ng katulong. Wala rin naman kasing ibang umaaply ng trabaho hindi ba?"

Tapos tumgin kaming lahat kay kuya Andrew (~~,)

"Marami naman tayo bakit pa kaylangan ng yayo? Kaya naman natin gawin ang mga gawaing bahay. Kaya kong magdrive. Pati ang gastos ma. Babayaran mo pa yung yayo na yun"

Kay ate ulit (,~~)

Pero si Arvin ang nagsalita "According to my calculations pareho kayong may punto. Pero sa tingin ko mas may punto si Ate Amy, Kuya. Why don't we give this yayo a chance? Kahit one week lang, pag tamad nga o may nawala sa bahay edi palayasin na. Kuya wag maging amplaya. Mag cetaphil ka lang tuwing umaga at wag kumain ng chocolate para kuminis yang mukha mo"

"ABA!! Galing talaga ng anak ko! Pwede na maging lawyer!" sabi ni nanay with palakpak

"Lawyer slash pimple expert" --Ate Andy

"Psh! Bahala na nga kayo! Basta ako wala akong tiwala sa Ibon na yun" --kuya andrew

"Evan ang pangalan niya kuya" 

"Malapit na yun sa ibon. EVON! Makaligo na nga"

At ayun umakyat na siya sa taas. "Anak, Kamusta na 'yang paa mo?"

Mabaho. Kung alam niyo lang yung feeling. Mangdidiri kayo. Nakabalot ang paa ko sa isang malaking panyo at may bawang sa loob. Ewan ko nga kung bakit may bawang pero sabi ni mama makakatulong daw yon. Ang sakit sakit na. Ang baho pa.

"Okay lang ma. Akyat na po ako inaantok pa ko" nginitian ko siya.

"Ah ganon ba sige teka lang. EVAN! HIJO! Halika rito"

Agad naman na dumating si Evan habang karga karga si Baby Aya. "Shetbols Ang hot talaga" narinig ko nanamang bulong ni Ate Amy.

"Akin na yang si Aya. Tulungan mo na si Abby paakyat" kinarga ni mama si abby at napatingin naman si Evan sakin. Tsk. Kung may elevator o escalator lang sana kami.

Kinarga ako ni Evan at nagsimulang umakyat sa hagdan. Ito muna ang ritual namin simula ngayon hanggang gumaling na ang paa ko. 

"Ay nako sa susunod tatalon ako ng building para ako naman ang kargahin paakyat baba--ARAY NAMAN MA TT^TT" 

Nilapag ako ni Evan sa kama at chineck niya ang paa ko "Ambaho" bulong niya

-___-

Sinipa ko ang mukha niya at ayun straight papunta sa nose.  "ARAY! ANO BA" 

"Wag mo nang amoyin kung alam mong mabaho. -_-"

Biglang kumatok si Ate Andy sa pinto "Evan, bili ka na lang daw ng merienda sa Jollibee. Eto pera oh. Yung listahan nasa baba. Kunin mo na lang" 

At bumaba na si ate andy sumunod naman si Evan. Mamayang konti bumalik si Evan.  Hinugasan niya ang paa ko at binaliutan ng bago. This time wala nang bawang. "Nasaan na yung bawang?" 

"Wag na. Mabaho talaga eh. Humahalo sa baho ng paa mo. Takpan mo na lang ng kumot  para hindi nila makita at wag kang aalis diyan" 

"Opo Tatay -__-"

"Aalis na ko. Ano bang gusto mo sa jollibee?"

"Burger. With TLC"

"TLC?"

"Tender Love and Care"

Natawa siya 

"Joke lang yon. Tomato Lettuce Cheese po. Umalis ka na sa kwarto ko at bumili ka na! Nagugutom ako!"

"OY WAG NGA KAYONG MAGLANDIAN DIYAN! Evan, dali na nagugutom na ko TT^TT" --ate amy

Lumabas na si Evan. At mamayang konti ay nakarandam ako ng antok.

========================

Anong sa tingin niyo sa chapter? ^^ Thanks sa mga nagbabasa! Vote fan and comment if you can ^^

I Love You, YayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon