C H A P T E R 2~Tiiiiiiiinnggggggggggggg~
Naalimpungatan ako nang tumunog ang alarm clock ko. Kinuha ko ang alarm clock at tiningnang mabuti kung anong oras na, Alas sais pa naman pala kaya pinindot ko ito para tumigil na. Nahiga ako ng maayos ulit at pumikit.
Naalala ko na ngayon na pala ang paghahanap ng bagong secretary ko. I groaned in annoyance.
Promise, mga 20 minutes lang tapos babangon na ako para pumasok, wala pa naman sigurong mga aplikante sa ganitong oras doon. Ako rin naman ang masusunod kay-
Di ko na natapos at nakatulog na naman ako.
Nagising na naman ako dahil nararamdaman ko na ang init ng sikat ng araw sa ulo ko na tumatagos galing sa malaking bintana ng kwarto ko na gawa sa salamin lang.
Maaga pa naman siguro, sigurado ako dun kasi mabilis lang naman ako nakatulog.
Napatingin ako sa orasan na nasa side table ng kama ko at halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang alas nuebe na pala ng umaga.
"Shit!" Asik ko sa sarili.
Shit! Shit! Shit! Yung interview pala para sa magiging secretary ko! Naku naman.
Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa banyo. Naghilamos at nagsepilyo ako sandali at tumungo na sa ilalim ng shower para maligo.
Bwesit, kailangan ko na talaga ng sekretarya sa madaling panahon. Pati trabaho na dapat ang sekretarya ang gumagawa ay ako na rin ang gumagawa kaya halos magmadaling araw na akong nakatulog kagabi.
Mas lalong nag init ang ulo ko ng maalala ko ang dahilan ng pagpupuyat at nadodoble ang trabaho ko.
Gago ka talaga Rey. Pinagkatiwalaan kita ng dalawang taon bilang sekretarya ko tapos malalaman kong kinokurakot mo na pala ang pera ko at ng mga hotel ko. Hayop talaga.
Nagbihis ako ng usual attire ko tuwing may mga board meeting o kaya ay may meeting with the investors. Naka Armani Black tuxedo ako with maroon tie. Sinuot ko kaagad ang rolex ko na wrist watch at ang aking Bolvaint na black shoes.
Nagmadali na akong bumaba ng hagdanan at lumabas agad ng bahay ko. Pumasok sa garahe, tapos sa sasakyan kong Bugatti Chiron na may kulay blue at black na exterior design na pinakapaborito ko, hindi lang dahil sa mahal ito kundi dahil sa sa pangalan din nito.
Baby Kitty.
Nawala ang init ng ulo ko at natawa ng maalala ko ang pangalan ng sasakyan ko. Mas napatawa ako at napahagalpak pa ng maalala ko ang dahilan ng pagkakalikha ng pangalan na yun.
At nang pumasok sa isip ko ang mukha ng babae na matagal ko ng gustong kalimutan ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.
Hmmm, I wonder.... nevermind.
Nagfocus nalang ako sa pagmamaneho.
Focus, Carl. Focus.
🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶
Huminto muna ako sa isang Starbucks na malapit lang sa hotel namin para bumili ng pang breakfast ko. Sa sobrang pagmamadali ay napili ko lang ay Southwest Veggie wrap at Bacon, Gouda and Egg sandwich, Smoked Butterscotch Latte naman ang pantulak.
Binilisan kong kumain at inubos agad ang latte ko, pagkatapos ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko patungong Hotel main parking lot. Pagkapark ko ay lumabas agad ako at nagtungo sa main
entrance ng hotel.Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa loob ng hotel. Dumaan muna ako sa lobby at kaliwa't kanan nga ang pagbati ng mga empleyado ko sa akin. Dumiretso agad ako sa elevator na exclusive lang para sa akin para mahatid ako sa opisina ko sa Floor 13th ng walang sagabal.
Di ako naniniwala na malas ang number 13, ito kasi ang paborito kong numero dahil basta, at dahil sigurado naman akong walang magtatangkang kumuha ng kwarto sa floor na iyon ay ginawa ko nalang na opisina ko ang halos tatlong kwarto, pinarenovate ko ito at ginawang isa para maiba at mapakinabangan naman kahit papaano.
Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor 13th.
Nang makarating ako ay bumukas agad ang elevator at bumungad sa akin ang napakaraming tao na halos magsisiksikan na sa hallway. May mga nakaupo pa sa sahig at ang iba naman ay nakatayo na halata ring sumasakit na ang mga paa dahil sa mga mukha nilang nagrereklamo na.
Sino ba naman kasi ang hindi magrereklamo na exactly 7 am ang nilagay ko sa poster for interview tapos 10 am na ako nakarating. Wala rin naman silang magagawa dahil ako ang boss dito at bigatin ang hotel na inaapplyan nila kaya dapat lang na magpakitang gilas na sila.
Great Carl, ang galing mo talaga. Isa kang tunay na boss. Tsk. Sarkastiko kong pagpuri sa sarili.
Napatingin sila sa akin, ang iba ay nagpalit ang simangot na mukha sa nakangiti na. Plastik. Karamihan ay mga babae na may pilyang mga ngiti, magaganda naman pero ayaw ko na munang sumubok ulit na pumasok sa relasyon simula nung nangyari halos siyam na taon na ang nakalipas kaya dumiretso na ako sa opisina ko upang simulan ang pag iinterview since mahigit isang daan daw ang nagpasa ng requirements.
Hayssss, mukhang di na naman ako makakakain nito at siguradong gagabihin ako ng uwi nito.
Agad namang lumapit sa kin si Karylle na nakangiti, ang babaeng naging bestfriend ko na simula ng nag Fourth year ako sa St. Javier School. Isa na rin siyang head ng isa sa mga department ng company hotel namin.
"Ang aga natin ah? Pati ako na-scam sa exactly 7 mo ah." nakangiti pa rin niyang sabi pero halata ang inis nito.
"Karylle, please wag ngayon, alam mo namang tambak ang ginawa kong trabaho kahapon dahil wala akong sekretarya kaya napuyat ako at late nang nagising." sagot ko sa kanya.
Pinaikot niya lang ang mata niya at nilapag ang sandamakmak na mga folders ng requirements ng mga mag aapply.
"Hmp. Di bale, ito nga pala ang mga requirements nila at since ang aga mo ngang dumating, nagsialisan ang 24 na mag-aapply rin sana kaya 53 nalang ang natira. Goodluck boss." May sarkasmo ang boses niya tapos ay kumindat pa muna siya sa akin bago lumabas ng opisina ko.
I sighed exhaustedly then I went to my swivel chair and took a seat.
Pagkaupo na pagkaupo ko ay hinilot ko muna ang sintido at buong ulo ko dahil naii-stress na agad ako. Sinimulan ko na kaagad ang pag iinterview para sa mga interesado sa posisyon baka sakaling maaga rin matapos.
Siguro, lalake nalang din ang kukunin ko ngayon para iwas issue at walang lalandi sa trabaho ko dahil siguradong sasakit lang ang ulo ko.
...............

BINABASA MO ANG
A Story To Tell
Romance"Lola, can you please tell us again po that story you always kwento to us, nakakakilig kasi and I love it hihihihi." "Nakakakilig ba yun ate? Parang hindi naman eh, ang baduy nga." "Che, Can you just shut your mouth up Russel, nakapa-KJ mo talaga."...