CHAPTER ONE

101 5 18
                                    


C H A P T E R  1

June 2020

Peste! Peste! Peste Talaga!

Padabog akong lumabas ng Hotel na DATI kong pinagtatrabahuan. Dala-dala  ang mga gamit ko na nilagay ko kanina sa staff room ng hotel.

Hmp! Yung manyakis na yun, kung di ko lang siya boss baka sobra pa sa sampal ang ginawad ko sa kanya. Aarrgghhhh!!!!!

I continued walking in frustration and lazily. At napahinto ako bigla nang may narealize ako.

Pakshet! Paano ko sasabihin kina Mama na wala na akong trabaho? Siguradong mangungutang na naman yun. Hayssss naku naman kasi Kiana dapat nagtimpi ka pa sa boss mo eh.

Napatingin naman ako sa ID ko na nakasabit pa sa leeg ko.

Sky Louise A. Bolneo, 24, Hotel Staff, M Hotel.

"Tssss Manyakis Hotel, Putang may-ari yun. Grrrrrrrr."

Pinanggigilan ko ang ID ko at binitawan din pagkatapos.

Hindi ko napansin na marami na pala ang dumaan na jeep papunta sa direksyon ng bahay namin kaya napatingin-tingin muna ako sa paligid ko.

Kailangan ko na talaga makahanap ng bagong trabaho bago pa malaman ni Mama baka mamroblema na naman yun at magpatong patong na naman ang utang namin kay Aling Connie.

Napatingin naman ako sa nakapaskil sa isang bulletin board for job inquiries na di ko napansin kanina kaya agad na napalapit ako dito at tumingin for job vacancies na suitable sa kanyang college degree.

Well, nakapagtapos naman ako sa isang sikat na school dito sa Maraga, ang St. Javier School, a secondary and tertiary level, a private and a catholic school na di kalayuan sa tinitirhan namin. Well naqualify kasi ako sa scholar dun kaya nakapasok ako, di kasi namin afford ang tuition fee doon. Consistent scholar kasi honor student. She graduated under BS in Hotel and Restaurant Management more on Hospitality Management with honor as one of the cum laudes. She took it for six years, then seminars and trainings na. Pagkatapos ay nagbabasa din siya pag free time niya para mas lalo siyang maging productive as a hotel staff especially for a manager which she aims the most as one to be.

After trainings, seminars and self-study for two years, I applied in M Hotel since kulang ito sa crew. Nagtataka pa ako nung una kung bakit halos lahat ng babae sa hotel na yun ay nagreresign kahit maganda naman at nasa tamang oras ang pasahod nito.

Habang nagtatagal ako sa hotel na yun bilang staff ay napapansin ko na kung bakit, dahil pala yun sa manyakis na may-ari. My god, akala mo ang bait dahil medyo may edad na ito at may maamong mukha pero naka maskara pala ang tarantado.

Lalo na pag wala masyadong guest o kung nasa tago ka at natyempuhan ka niya. Pasimple pa itong hahawak sa boobs mo pero sa pwet talaga ito kadalasan humahawak. Kaya ayun, halos mag-iisang taon na akong nagtitiyaga at nagtitimpi sa pangit na yun.

At kanina, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at nasampal ko na ang gagong yun. Hinaplos ba naman ang hita ko pataas hanggang sa pwetan ko kahit naka pencil cut skirt ako at may pinulot lang akong papel na nagkalat sa hallway. Pagkatapos nun, dinuro ko siya sabay sabing "I QUIT, ASSHOLE!!!!".

Nanggigil talaga ako sa mukha ng Morales na yun, Justin Morales kasi ang pangalan ng loko na yun. Mabuti sana kung gwapo o may itsura lang man kahit konti para mapagbigyan ko pa ng konti. Hihihihihi yuck, Ano ba!

Kaya ito patingin-tingin nalang sa bulletin ng bakanteng trabaho kahit pansamantala lang muna para masuportahan ko pa kahit papano ang pamilya ko.

Napako ang paningin ko sa isang papel na nakapaskil doon.

Rodriguez Grand Hotel owner in Maraga needs a Personal Assistant/Secretary.

Qualifications:
* Must be formal looking and has great personality.
* A Graduate and has experience in managing hotels.
* Good in speaking and hospitable.

If you think you're in then take this opportunity to be one of the staffs of the most known hotel chain in Asia. Please pass your entry tomorrow with the corresponding requirements listed below. Chu chu chu.

"Rodriguez huh?" sabi ko pa pagkabasa ko sa nakasulat.

Wait. It sounds familiar to me though. San ko nga ba nari-

NO WAY!!!! Hindi naman mayaman ang lalakeng iyon no, tsaka hello? Nakalimutan mo ba na criminology ang gusto nun? Tsk.

Binasa ko ulit ang papel kung nakalagay ba dun ang pangalan ng hinayupak na lalakeng yun.

"Grrrrrrr. Paano naman nasali ang lalakeng yun dito Kiana? Hindi lang naman siya ang lalake na may surname na Rodriguez dito no. Ayy ewan" Panenermon ko sa sarili ko.

Pwede na to, pansamantala lang naman. Binasa ko ulit ang qualifications.

Must be formal looking and has great personality.

"Hmmm, formal naman akong kumilos at may ibubuga rin naman ako kung itsura ang pag-uusapan plus maganda rin ang personality ko, hindi maarte at hindi plastik at straight-forward palagi. Check ako diyan." Proud na proud na sabi ko.

A Graduate and has experience in managing hotels.

"Okay? A graduate, check. Nakaexperience rin sa pagmamanage ng hotel kahit staff lang at nakaexperience pa nga ng pambabastos kaya check din ang isang to."

Good in speaking and hospitable.

"Hmmm, okay naman ang pananalita ko, even in speaking english kaya keri yan. Hospitable rin ako, grabe nga ang papuri ng mga dati kong mga katrabaho sa akin sa M Hotel dahil sa ways ng pagiging accommodative ko sa mga guests. Kaya check din to. Hehehehe."

Noong highschool kasi ako, mas nag iexcel ako sa Math at Science, ewan ko kung bakit. Sa english naman ay pang average level lang talaga ang kaya ko sa larangan na yun. Ako pa nga ang nakasungkit ng excellent in Math at Science nung Graduation namin dun eh.

Oopsss mukhang may trabaho na agad ako bukas ah hehehehe.

Napangiti ako sa naisip ko.

Kaya naman nakangiti ko ring pinunit mula sa pagkakapaskil ang papel at tinupi para ilagay sa bag ko para wala nang iba ang makakaalam tungkol sa trabahong ito hehehehe.

🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko kahit nakasakay na ako sa jeep hanggang sa nakauwi ng bahay kaya hindi na napansin ng nanay ko o kahit ng nag-iisa kong kapatid na si Josh Lawrence na wala na akong trabaho.

21 na rin ang mokong yun, at nag-aaral pa ng medicine sa St. Javier. Scholar din kasi siya dun. Tsaka sikat, maitsura kasi kaya maraming sugar mommy. Playboy tsk.

Dumiretso na ako sa kwarto ko, nahiga at pumikit para umidlip.

New job, here I come. Sisiguraduhin kong ako ang matatanggap, gagawin ko lahat by crook or by hook. Bigatin na ang hotel yun kaya kailangan kong mag effort para bukas.

Kaya ng gabi ding yun ay ginawa ko na ang lahat ng paghahanda para sa pag-a-apply ko ng trabaho sa isa sa bigating hotel sa buong Asya. Mula sa mga requirement hanggang sa isusuot ko at inihanda ko na rin ang sarili ko para sa mga maaring tanong na ibabato nila sa akin sa interview bukas.

"Goodluck Sky, kaya mo yan." Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko bago pumikit at natulog.


Gagawin ko ang lahat para di maging cliché ang plot ng story ko hehehe😬😅😖 -Author

A Story To TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon