Ashley's pov:
"I'm sorry ash, pero may mahal na akong iba" sambit ng boyfriend kong nakahanap na ng iba.
Grabe, wala akong masabi.
Basta nalang tumulo ang luha ko ng walang tigil pero ang mas nakakatawa, walang emosyon ang ipinapakita ko sa kanya.
Ang pathetic ko diba?
"Sino?" Tanong ko
Napatingin naman siya sakin.
"Ash, pwede bang pakawalan mo nalang ako? Wag mo namang ipagsiksikan ang sarili mo sakin"
"Sabihin mo sakin Jerome! Sino yang babae mo!" Malakas na sigaw na naging dahilan upang makahakot kami ng atensiyon ng iba.
Galit na galit ako.
Sobra!
Alam kong ang tanga ko na. Alam ko namang may iba na pero imbis na yung nanloko sakin ang saktan ko, yung babae niya ang gusto kong kalbuhin ngayon.
"Hindi mo na kailangan pang malaman dahil alam kong sasaktan mo lang siya" kalmadong saad ng boyfriend ko.
Napatawa nalang ako ng may pagka sarcastic.
Marahas kong pinunasan ang mga butil ng luhang pumapatak sa pisngi ko.
"Oo, tama ka pero may mali ka rin" seryusong saad ko
*paaak!*
Malakas na sampal ko sa kanya.
"Hindi lang siya ang sasaktan ko, pati ikaw! Demonyo! Hayop!" Gigil na sigaw ko
Nagmumukha na rin siguro akong baliw dito sa kalagitnaan ng park. Akalain niyo, nakipagkita pa siya sakin sa park para makipag break. Eh hayup pala siya eh, gusto niya palang makita ng maraming tao ang kawalanghiya niya.
Akmang sasampalin ko ulit siya ng may marinig akong sigaw ng isang babae.
"Stop!" Sigaw niya sabay baba sa sasakyan.
Ah, akala ko kung sino ang babae . Isang haliparot na model lang pala. Mukha namang hipon!
"I'm sorry, alam kong nasaktan ka pero mahal ko din siya eh. At buntis ako" dugtong niya pa.
Mas lalong nanlaki ang mata ko.
Nanginginig ang buong katawan ko at parang gusto kong ingudngod sa lupa ang nguso ng babaeng ito.
"Ano ulit sabi mo?"
"I'm 2 months pregnant. I'm so sorry"
Napangiti ako sa sinabi ng hayop na to.
"2 months? So niloloko mo na pala ako ng mahigit 3 to 5 months? At ikaw babae, alam mong may girlfriend ang tao pinatulan mo parin? Pokpok ka ba? Kapal mo mang angkin ah?"
"Hindi ko naman alam na may girlfriend na siya eh"
"Wag kang sinungaling hayup ka! Nakita kitang sinusundan kami noon pero binalewala ko lang!" Sigaw ko pa
"Wag mong maliitin ang kakayahan ko. Palibhasa binebenta mo yang katawan mo kaya akala mo lahat ng lalaki malalandi mo." Dugtong ko pa at ngumisi.
Tumingin ako sa mga taong nakatingin samin dito sa park. Haha, mga tsismosa!
"Makinig kayong lahat! Itong babaeng ito, ang pangalan niya ay Claudia! Isang model sa HW entertainment agency! Bukod sa hipon, malandi at haliparot pa!" Sigaw ko at binangga ko pa ang balikat niya.
"Claudia, pano na yan? Buntis ka? Kalimutan mo na pagiging model mo. Mang aagaw ka? Famous ka na sa social media" bulong ko.
Tumingin naman siya sa paligid at nataranta.
Umalis naman agad ako sa lugar na iyon at nagpara ng taxi para bumalik sa bahay.
Ayoko kasing sumakay sa jeep dahil makikita ng mga tao ang kahihiyan ko.
Pagdating ko sa bahay namin ay rinig ko na naman ang sigawan nina nanay at tatay.
"Fernan! Ano ba! Lasing ka na naman!"
"Wag ka ngang makialam! Pera ko naman ang ginastos ko dito ah!" Sigaw naman ni tatay.
"Fernan! Ano ba!"
"Imelia! Pag hindi ka tumigil jan masasaktan ka talaga!"
Napakuyom nalang ako dahil sa narinig ko.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa kuwarto kong hindi man kalakihan. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit ganyan ang mga magulang ko.
Sa daming problema na kinakaharap ko ngayon, hindi pwedeng huminto dahil lang sa break up.
Balang araw, makakaalis din ako sa lugar na to.
Balang araw.
BINABASA MO ANG
One Last Chance
RomanceBook 2 of You are mine A chance to be forgiven. A chance to do what is right. A chance to redo my mistakes. A chance to love someone again. A chance to be loved. A chance to be with someone else who loves me dearly. A One Last Chance, to make a righ...