Chance no. 1

477 12 0
                                    

Maaga akong nagising para mag ayos at makapag hanap ng trabaho.

"Mama, para po!" Sigaw ko ng huminto ako sa JRB Company.

Hawak ko ang mga resume ko, nagbabakasakali na makapasok ako kahit mababang posisyon lang sa kompanya.

"Tatawagan ka nalang namin"

Kapag yan ang sinabi talagang hindi na ako aasang matatanggap ako.

Nanlulumo akong bumalik sa bahay dahil wala pang sigurado na matatanggap ako.

Napatigil nalang ako nang pakiramdam ako masusuka ako.

Mabilis akong pumasok sa banyo at doon sumuka.

Namumutla akong humiga sa kama. Wala pa naman akong kain at sobrang init sa labas kaya masama ang pakiramdam ko.

Grabe naman kasi. Kailangan kong maghanap ng trabaho.

**************

Third person's pov:

Nanginginig na nakaupo si Claudia sa isang upuan kaharap ang presidente ng kompanya.

"Sir---"

"Shut up!" Sigaw ng isang lalaking kasing lamig ng yelo ang boses.

"Gabriel" tawag ng lalaki sa kanyang secretary.

"Yes president" tango ng lalaki at lumapit sa babae hawak ang kontrata.

"Miss Claudia De leon, you broke the rule on the contract and so the president hereby declare to dismiss you in this company" saad ng secretary

"Wait please! Mr. President, I am not pregnant and hindi totoo ang sinasabi ng babaeng yun sa video!"

"Shut up! You're dismiss!" Inis na sigaw ng lalaki at nagpatuloy na sa kanyang ginagawang pag pirma sa mga papeles na nasa harapan niya.

"Sir. Please hear me out. Sinungaling ang babaeng yun!"

"Ms. Claudia, please get out" saad ng secretary.

"Mr. President, isang malaking pagkakamali lang ang lahat ng yun. Please don't fire me"

"Guards!" Sigaw ng presidente sa kanyang telepono na nakakonektado sa   mga guwardiya.

Habang kinakaladkad palabas ang babae ay patuloy itong sumisigaw.

"Sir" pagtawag ng atensiyon ng sekretarya sa presidente.

"Hmm"

"I have an interesting video. Do you want to watch?"

"No"

"Its 'that' woman"

Napatigil sa pagbabasa ang presidente at napatingin sa kanyang sekretarya.

"Where?"

Ibinigay ng sekretarya ang tablet at ipinapanood sa lalaki

"Where is she?"

"You want to visit her, sir? She actually passed her resume at one of your company's subsidiary, sir"

( *Subsidiary-a company that is owned or controlled by another company )

"Hmm? Send me her resume"

"Yes sir"

"And also," napalingon naman ulit ang sekretarya sa presidente.

"Call my little brother, if he still doesn't want to show up. I will make sure he regrets this" seryusong saad ng lalaki

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon